MBIMSL~Chapter25
Stacey's Point Of View
Habang kumakain kami biglang nag ring yung cellphone ni kuya, bigla naman pinakita ni kuya yung screen ng phone nya, napangiti ako kasi si mommy yung tumatawag sakanya, agad nya ito sinagot, nag video call kami, sobrang saya ko kasi nakikita ko sila kahit sa video call lang.
"Anak uuwi na kami bukas, mag kakasama na ulit tayo." bigla akong napangiti.
"Talaga po mommy? excited napo ako." hindi mawala yung ngiti ko sa labi.
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa nag paalam na sila mommy, napakasaya sobrang miss kona sila mommy at daddy Kaya sobrang saya ko nang malaman kung bukas ay nandito na sila.
"Masaya ka?" napatingin ako kay kuya, nakita kung naka ngiti sya.
"Yes kuya sobra." hindi na mawala yung ngiti ko, pag tapos namin kumain nag paalam na ako kay kuya para umakyat na sa kwarto, gusto ko matulog ng maaga ngayun para bukas pag tapos namin mag handa nandito na sila mommy, hindi na sila nag pasundo samin ang sabi lang ni mommy ipag handa daw namin sila nang pag kain na madami, kaya ayun napag isipan namin ni kuya bukas ay maaga kami gigising para makapag handa ng request nila.
Pag akyat ko sa kwarto humiga na ako at kinuha ang cellphone ko, tinawagan ko si Max.
"Hello baby, akala ko tulog kana." Napangiti ako.
"Max uuwi na sila mommy bukas, hindi ako mapakali sobrang excited ako." nakangiti pa din ako.
"Talaga? edi sobrang saya pala ng girlfriend ko ngayun."
Nag kwentuhan lang kami ni Max hanggang sa antukin ako, napakasaya ko talaga, nag paalam na ako kay max dahil inaantok na din ako at alam kung ganun din sya.
Napamulat ako ng mata ng tumunog yung alarm ko, napabangon ako 6am na, masaya akong nag ayos ng kama, onting oras na lang andito na sila mommy.
Bumaba ako at naabutan ko si kuya na nag luluto kaya agad ako lumapit.
"Goodmorning kuya, ang bango naman nyan." lumingon sya sakin tapos tumingin ulit sa niluluto nya.
"Pumunta ka muna dun sa sala, pag hahanda kita ng makakain mo!" tumango na lang ako, mamaya kasi kapag tapos ko kumain mag bake ako ng kake para kay mommy at daddy.
Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa at binuksan ang TV, pag bukas ko wala pang palabas Kasi maaga pa, so nilipat kona lang sa balita papos nanood ako.
Maya maya napatitig ako sa screen ng TV at binasa yung nasa ibaba ng TV.
Breaking News: Pag bagsak ng eroplano at madami ang nasawing pasahero.
"Kakarating lang nitong balita nato, isang eroplano ang nag crash, ito ay galing sa US at madami ang nasawi, dahil dito hindi pa natutukoy kung anong dahilan ng pag bagsak nito sa wala sa oras, abangan ang aming update."
Bigla akong kinabahan, wag naman sana, biglang lumabas si kuya galing kusina, hindi ito mapakali kaya naman napatayo ako.
"Bakit kuya may problema ba?" nakita ko sakanyang mata ang pag patak ng kanyang mga luha, kaya lumapit ako sakanya.
"Kuya may problema ba?" kinakabahan na ako
"Si ?ommy at daddy." pinalakas ko loob ko kahit na sobra na akong nangangatog sa kaba.
"Nandyan naba sila kuya? tumawag naba sila sayo kuya? sumagot ka naman oh!" bigla syang umiyak, kaya naguluhan na ako, ayoko man isipin yung nasa balita pero hindi ko maiwasan.
"May tumawag sakin, isa daw sa nasawi si mommy at daddy sa pag bagsak ng eroplano!" nanghina yung tuhod ko, buti na lang nasalo ako ni kuya.
Dwight's Point Of View
Maaga ako nagising para mag luto, kasi alam ko maya maya bababa na din si Stacey. sa totoo lang medyo nalungkot ako kasi uuwi na sila mommy, alam ko dapat masaya ako pero hindi ko din maintindihan sarili ko kung bakit ganto yung nararamdaman ko.
Habang nag luluto ako naramdaman ko ang pag lapit ni stacey.
"Goodmorning kuya, ang bango naman nyan." lumingon lang ako sakanya at Binalik ko ulit yung paningin ko sa niluluto ko.
"Pumunta ka muna dun sa sala, pag hahanda kita ng makakain mo, tumango lang sya at lumabas na. habang nag hahanda ako ng makakain ni stacey, biglang nag ring yung cellphone ko, tinignan kopa kung sino yung tumawag pero Unknown Number lang ang nakalagay, sinagot ko ito, medyo maingay yung kabilang linya.
"Hello ito ba ang kamag anak ni Mrs, Emilie Villanos at Mr Edward Villanos?"
"Ito nga po sino po sila?" tanong ko sa kabilang linya.
"Ito nga pala si Senior PO1 Justin, nainis ko lang malaman kung kaano ano mo sila Mrs, Emilie at Mr Edward Villanos?"
"Sila po ang mommy at daddy ko, ano po bang nangyare? bakit po kayo napatawag?" nakaramdam na ako ng Kaba.
"Kasama ang iyong magulang sa mga nasawi dahil sa pag bagsak ng eroplanong kanilang sinasakyan, isesend ko sayo kung saan ka pupunta upang maasikaso lahat ng kailangan!" parang nawalan ako ng pandinig, hindi kona naintindihan yung huling sinabi ng pulis, nag paalam na sya at binaba kona ang aking cellphone.
Napahawak ako sa lamesa dahil feel ko tutumba ako, hindi ko mapigilan hindi tumulo ang aking luha.
Lumabas ako sa kusina, hindi ako mapakali nakita ko si Stacey na tumayo.
"Bakit kuya may problema ba?" hindi ako agad nakasagot hindi kona mapigilan pang hindi talaga maiyak, lumapit sakin si Stacey.
"Kuya may problema ba?" tanong nya ulit, tinignan ko sya sa mata.
"Si mommy at daddy." hindi kona mapigilan tuluyan na talagang mas tumulo ang luha ko.
"Nandyan naba sila kuya? tumawag naba sila sayo? kuya sumagot ka naman oh!" hinawakan ko siya sa kamay.
"May tumawag sakin, isa daw sa nssawi si mommy at daddy sa pag bagsak ng eroplano." biglang nanghina si Stacey, buti na lang nasalo ko sya.
Inalalayan ko siya papunta sa sofa at inupo sya dun.
"Kuya diba hindi naman totoo yung sinabi mo?" niyakap ko sya ng mahigpit.
"Kuya please po sabihin mo sakin hindi totoo ang mga sinabi mo, hindi pa patay sila mommy at daddy please kuya!" napapikit ako, sana nga hindi na lang totoo yung mga sinabi nung tumawag sakin.
"kuya gusto ko makita sila mommy, saan sila pwedeng puntahan please kuya."
"May pinasa sakin kung saan pwedeng puntahan yung mga nasawi, pero Stacey mag pahinga kana lang muna ako na ang pupunta dun, hindi ka pwedeng mag byahe nang ganyan!"
"Pero kuya, gusto kung sumama pag bigyan mona ako, hindi ako magiging maayos kapag nandito lang ako!" pipigilan kopa sana sya pero alam kung ipipilit pa din nya yung nais nya, kaya hinayaan kona lang sya siguro this time kailangan ko maging malakas para kay stacey dahil ako na lang yung hinuhugutan nya ng lakas ng loob.
Nasa byahe na kami ngayun para pumunta kung nasan sila mommy, nililingon ko si stacey, nakatulala lang ito sa may bintana ng sasakyan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sobrang blangko na din ang utak ko ngayun.
Mahigit isang oras din kami nag byahe, bago makarating sobrang daming tao halos nag kakagulo dito, tumingin ako sa mga tao sa gilid lahat sila umiiyak, inaalalayan ko si Stacey sa pag lalakad, may lumapit samin sya daw yung tumawag sakin kanina.
Tinuro nya kung nasan sila mommy at daddy, hindi ko alam palapit kami ng palapit nararamdaman ko yung bigat nang pakiramdam ko.
Pag pasok namin sa isang kwarto, binaba ng pulis nng naka tabon sa katawan nila mom at dad, napapikit ako, hindi ako makapaniwala na sila nga yun, hindi kona mapigilan hindi maiyak, kagabi na pala ang huli naming pag uusap kung alam ko lang edi sana hindi kona lang hinayaan umuwi sila kung ganto lang din.
Rinig na rinig ang iyak ni Stacey, nilapitan ko sya at niyakap sobrang hirap huminga wala na si mommy at daddy.
~MBIMSL
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)
RomanceNag simula lahat sa isang simpleng pabor, hanggang napunta ito sa isang laro. Si Stacey Villanos ay isang kilalang mabuting tao at mapag mahal sakanyang mga magulang, kaibigan, nobyo at sakanyang kuya. Masaya ang pag sasama ng mag kapatid ngunit sa...