CHAPTER 30🌼

2.8K 36 1
                                    

MBIMSL~Chapter30

Max's Point Of View

Maaga ako nagising dahil sa sunod sunod na alarm ng phone ko, nag asikaso na din ako para makapunta ngayun sa bahay nila stacey dahil ngayun nga pala ang alis nila Stacey, nag paalam siya sakin na 1 week silang mag is-stay dun, gusto ko sanang sumama pero alam ko naman na hindi papayag si Dwight kaya naman hinayaan kona lang kahit na labag sa loob ko, ayaw ko din kasing madagdagan iniisip ni Stacey kapag nag away pa kami ni Dwight kaya mas ok na din to alam ko naman na mag eenjoy sya dun.

Papunta na ako ngayun kaila Stacey, hindi naman ganun ka traffic dahil maaga pa naman. gusto ko siya makita kahit sandali lang. nakarating na ako ngayun sa tapat ng gate nila, nag text ako sakanya na nandito ako sa labas nila, maya maya lumabas si Stacey kaya naman lumabas na ako sa kotse, pag lapit niya mabilis ko syang niyakap, hindi ko alam basta yun lang yung gusto kung gawin.

"Isang linggo lang ako dun max!" mas hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.

"Hayaan mo muna na ganto tayo kahit 1 minute lang." naramdaman ko naman yung kamay niya sa likod ko.

Hindi ko alam may nararamdaman akong mabigat sa damdamin ko, hindi ko maintindihan bakit ganto, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung san nanggagaling yung kaba na yun.

Bumitaw na ako sa pag kakayap ko at tinignan siya sa mga mata.

"Pag balik mo sakin kapa din naman diba?" hindi ko alam kung san nanggaling yung tanong na yun basta ang alam ko yun yung gustong sabihin ng bibig ko. nag bago yung tingin niya sakin kaya naman ngumiti ako.

"Ano ba naman yan alam ko naman na sakin ka kahit na san kapa pumunta, mag iingat ka dun ha tawagan moko kapag nandun na kayo." tumango siya sakin. nag paalam na din ako sakanya at umalis na.

Pumunta ako sa condo ko, naiisip kopa din yung mga tingin ni Stacey, yung tingin na yun, yun yung nag papakaba sakin, bakit ganun na lang siya tumingin sakin bakit parang may gustong siyang sabihin na hindi niya masabi.

Napatingin ako ngayun sa aking cellphone dahil nag riring ito, tinignan ko yung screen nito, si Step yung tumatawag, huminga ako ng malalim bago ito sagutin.

"Hello bakit ka napatawag?" tanong ko dito.

"Max kausapin mo si Stacey na wag na ituloy yung pag babakasyon nila!" bakit ba ganyan siya umasta ngayun napaka weird lately ni Step, dati kasi hindi siya ganun kadalas tumatawag sakin kapag tatawag siya mangangamusta lang pero ngayun kasi kada tatawag siya about kay Stacey at Dwight ang palagi niyang binabanggit kaya naman madalas nalilito na ako sakanya.

"Bakit ba lately Step si Stacey at Dwight na lang ang palagi mong binabanggit, tapatin mo nga ako may nangyare ba?" biglang tumahimik ang kabilang linya, kaya naman tinignan ko ito baka kasi naputol na kaya walang sumasagot, ngunit andun pa din naman kaya naman nag salita ulit ako.

"Step andyan kapa?" tanong ko.

"Yes I'm here pa!" sagot nito.

"Nag tatanong ako Step, bakit?" narinig ko ang mahinang buntong hininga niya.

"Hindi mopa pwedeng malaman ngayun, Max makinig kana muna sakin ngayun, para din ito sa relasyon nyo ni Stacey!" sagot niya.

"Bakit hindi kopa malaman ngayun? ipaliwanag mo naman sakin!" naguguluhan na ako ngayun kay Step.

"I'm sorry Max pero hindi kopa talaga sayo pwedeng sabihin, sige na i call you later may gagawin lang ako mukang hindi mona din naman mapipigilan wala na akong magagawa." pinatay niya na ang linya, kaya naman binaba kona ang aking cellphone.

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame, lalong nadagdagan ang aking iniisip dahil na naman sa inaasta ni Step. Alam ko may tinatago sya dahil hindi naman siya mag gaganun kung wala, sumasakit ang ulo kakaisip.

Step's Point Of View

"Bakit ba kayo mag babasyon ni Stacey?" tanong ko kay Dwight.

"Gusto kung makalimutan ni Stacey ang mga nangyare!" yan ba talaga ang gusto mo tsk.

"Kung ganun bakit ayaw mo akong isama?" tumalikod ito at kinuha ang iba pa nyang damit.

Nandito kami ngayun sa condo niya, pinipigilan ko siyang mag bakasyon ng sila lang dahil alam kona ang pwedeng mangyare dun ngunit ayaw niya sakin mag papigil, gusto ko sana sumama pero hindi siya pumapayag.

umalis na siya sa may condo niya kaya naman umalis na din ako hindi ko alam wala akong maisip kung paano pipigilan ang bakasyon nila ngayun.

Nakarating agad ako sa condo ko umupo ako at kinuha ang cellphone ko, tinawagan ko si Max, siya na lang ang naiisip kung pwedeng makapigil sa pag babakasyon nila Stacey at Dwight, Ilang ring lang ito at sinagot din agad.

"Hello bakit ka napatawag?" tanong agad ni Max.

"Max kausapin mo si Stacey na wag na ituloy yung pag babakasyon nila." ayaw kona mag paligoy ligoy pa dahil ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako tumawag.

"Bakit ba lately Step si Stacey at Dwight na lang ang palagi mong binabanggit, tapatin mo nga ako may nangyare ba?" bigla akong napatahimik dahil sa tanong niya, hindi pa niya pwedeng malaman sa ngayun.

"Step andyan kapa?" tanong niya.

"Yes I'm here pa!" sagot ko.

"Nag tatanong ako Step, bakit?" napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Hindi mopa pwedeng malaman ngayun, Max makinig kana muna sakin ngayun, para din ito sa relasyon nyo ni Stacey!" mahirap ipaliwanag ngayun ang mga nangyayare, alam kung naguguluhan sya pero hindi pa ito ang panahon na malaman niya ang mga nangyayare.

"Bakit hindi kopa malaman ngayun? ipaliwanag mo naman sakin!" napapikit ako, mukang mali ang ginawa kung pag hingi ng tulong sakanya, kasi mas lalo lang nagiging magulo.

"I'm sorry Max pero hindi kopa talaga sayo pwedeng sabihin, sige na i call you later may gagawin lang ako mukang hindi mona din naman mapipigilan wala na akong magagawa." pinatay kona ang tawag at binaba ang aking cellphone, ngayun wala na talaga akong magagawa, mukang matutuloy na talaga ang pag babakasyon ni Dwight at Stacey.

~MBIMSL

My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon