EPILOGUE🌼

7.3K 111 18
                                    

MBIMSL~EPILOGUE

Lumipas ang tatlong taon, masayang namuhay si Stacey kasama ang kanilang anak ni Dwight na si Darren. hindi naging madali ang kanyang panganganak pero kinaya niya ito, nakatira ngayun si Stacey sa laguna.

Ngayun ang kaarawan ng kanyang anak, kaya naman madami itong bisita, habang nag sasaya ang iba napansin ni Stacey ang pagka balisa ng anak, kaya naman lumapit ito at tinanong ang kanyang anak.

"Anong problema anak?" nilapitan niya ito, tumingin sakanya ang anak.

"Mommy 3 years old napo ako, pero bakit wala pa din si daddy?" hinawakan ni Stacey sa pisnge ang anak at hinalikan ito sa noo.

Hindi alam ni Stacey kung paano ipapaliwanag sakanyang anak ang mga nangyare, alam niya na hindi pa ito maiintindihan ng bata.

Isa isang lumapit sa bata ang kanyang mga tita at tito, napawi ng mga ito ang lungkot ng kanyang anak, ngunit hindi na mawala sa isip niya kung kailan ba babalik si Dwight sa buhay nila.

Napansin ni Max ang pagka balisa ng dalaga, kaya naman lumapit ito sakanya.

"Kaarawan ni Darren ngayun pero bakit parang hindi ka masaya?" napatingin ang dalaga kay Max.

"Hinahanap na ni Darren si Dwight, nahihirapan na akong mag palusot sakanya, nangako ako na ngayung tatlong taon niya mag papakita na ang kanyang daddy!" bumuntong hininga si Stacey.

Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga na may ginawang surpresa ang mga kaibigan nito sakanya at sakanyang anak.

Nakasakay ngayun si Dwight sa sasakyan ni Max, Excited itong makita ang mag ina niya. lumaya siya kahapon, balak niya sanang puntahan na sila Stacey ngunit pinigilan siya ng mga kaibigan, dahil kaarawan ng kanyang anak ngayun, nais nilang isurprise ang mag ina.

Hindi sa kalayuan sakanya natatanaw niya ang isang batang papalapit kung saan naka parada ang sasakyan ni Max, lumabas siya at pinag masdan ang bata.

Hindi nakilala ni Dwight ang muka ng anak dahil ang nasilayan lang ng kanyang mata ay ang sanggol pa na si Darren.

Huminto sa kinakatayuan niya ang bola na hinahabol ng bata, kinuha niya ito at inabot sa bata. tumingin sakanya ang bata kaya naman yumuko siya at pumantay sa bata.

"Anong pangalan mo?" tanong niya dito, ngunit bago pa man ito maka pag salita biglang may tumawag dito, isang pamilyar na boses.

"Darren anak, pumasok kana hinahanap kana ng mga tita at tita mo!" napa tayo siya at tumingin sa babaeng papalapit sa gawi nila.

Nagka tinginan ang dalawa, hindi alam ni Dwight kung ano dapat gawin, ngunit ang dalaga lumapit sakanya at ng makalapit ito bigla itong nag salita.

"Welcome back!" ngumiti sya at sabay niyakap ang babae.

"Si Darren ang anak natin, anak siya ang daddy mo!" hindi mapinta sa muka ni Dwight ang saya, niyakap niya ang kanyang mag ina.

Pumasok sila sa kanilang bahay at doon nalaman ni Stacey ang mga surpresa na gagawin nila, ngunit hindi din natuloy dahil napa aga ang pag kikita nila ng dalaga.

Hindi mapinta ang ngiti ng mag ina dahil ngayun ay buo na ang kanilang pamilya.

Masayang namuhay sila Dwight at Stacey kasama ang kanilang anak na si Darren.

Ito na susukat ang pag tanggap at pag sisisi ng isang taong may kasalanan.

Ito din matututo lumaban para sa taong mahal mo.

Dito na nag tatapos ang Love Story ng dalawang sinubok ng problema pero hindi sumuko at lumaban ng mag kasama.

My Brother Is My Secret Lover
Written by: Lyn_BTSBabe

My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon