MBIMSL~Chapter19
Dwight's Point Of View
Kagabi pumunta ako sa bar na lagi kung pinag tatambayan, naiinis pa din ako sa gusto mangyare ni Stacey, bakit ba lagi na lang niya sinasabi na kalimutan kahit na alam naman niya sa sarili niya gusto namin yun. Uminit na naman yung ulo ko, tapos ngayun hindi pa siya sasabay sakin pumasok.
Pag tapos ko mag asikaso, wala na nga sa kwarto si Stacey mukang nakaalis na nga siya, pag baba ko nakita ko si Step na nanonood ng tv, nag paalam na ako sakanya, palabas na sana ako ng bigla siyang mag salita.
"papasok na nga din pala ako sa monday, kumuha ako ng kurso nahinto ko nung nakaraang taon, balak ko sana sabay tayo mag college kaso inisip ko mas ayos kung ako mauuna." ngumiti ako.
"good idea, para dika naiinip aalis na ako baka malate ako." lumapit siya sakin at hinalikan ako. Pag tapos lumabas na ako at sumakay sa kotse, habang nasa byahe ako papuntang school naisipan kona tawagan si Eunice kung nasa school naba sila ni stacey.
Kaso hindi naman sinasagot ni Eunice yung phone niya, kaya ayun napag desisyonan kona lang na hayaan na lang. Pag dating ko sa school pumunta na agad ako sa room kasi ilang minuto na lang din mag sisimula na yung klase namin.
After ng class namin hinintay ko si Stacey sa labas ng gate para isabay na umuwi, kaso nakaka ilang minuto na ako naka tayo dito sa labas ng kotse ko wala pa din siya. Maya maya nagulat ako ng bigla may lumapit sakin, isa sa mga classmate ni Stacey.
"Dwight si Stacey ba hinihintay mo?" tinignan ko siya at tumango.
"Maaga nag pauwi si maam at iniwan lang kami mga officer" ang alam ko kasama niya si Max."Napakunot yung noo ko.
"Ano? paano kasama niya e hiwalay na sila." Napakamot naman sa ulo yung classmate ni Stacey diko matandaan kung ano pangalan niya basta sya yung pressident sa room nila.
"Ang alam ko narinig ko kasi kanina pag uusap nila mag kakaibigan, nag kabalikan na daw yung dalawa, ang sweet nga nila." Pumasok na ako sa kotse nag pasalamat na lang ako sakanya at pinaandar na ang kotse tinawagan ko si step tinanong ko kung nasa bahay naba si Stacey pero ang sabi niya wala pa ito.
Nakaramdam na naman ako ng inis, bakit nag kabalikan na sila e ang alam ko sobrang galit siya dun sa lalakeng yun. Nang makarating na ako sa bahay agad ako sinalubong ni Step, si Step dito kona lang siya pinatuloy muna pansamantala sa bahay dahil may mga plano ako gusto isagawa. Pero ngayun dahil wala ako sa mood hindi ko siya pinansin umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto at ni lock ito, humiga ako at pinikit ko ang mata ko.
Naalimpungatan ako ng bigla may kumatok sa pinto ng kwarto. Tinignan ko yung orasan alas otso na pala nakatulog pala ako, tumayo ako at binuksan yung pinto.
"Ohh bakit naka uniform kapa?" Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng pang palit ko.
"Naka tulog ako, maliligo lang ako baba din ako agad." Tumango sya lalabas na sana sya pero bigla itong huminto at tumingin saakin
"Nandyan na nga pala si Stacey kararating lang." Napatingin naman ako sakanya agad akong bumaba, nakita ko si Stacey na umiinom ng tubig sa kusina agad akong lumapit sakanya at hinawakan siya sa braso.
"Bakit ngayun ka lang? san ka galing? ano oras na, bakit hindi mo sinabi nag kabalikan na pala kayo nung Max na yun!" Nagpupumiglas siya kaya mas hinigpitan kopa ang hawak ko sa braso niya.
"Kuya nasasaktan ako!" Nung narinig ko yung inda niya dahan dahan kung binitawan ang braso niya kita ko ang bakat ng kamay ko sa braso niya dahil pulang pula ito.
Stacey's Point Of View
Maaga kami pinauwi ni maam dahil sa kadahilanan na mag meeting sila ng mga officer, kaya ayun napag desisyonan namin gumala na lang at kumain ng kumain, ngayun na lang ulit nabuo yung samahan namin dahil medyo ilang linggo din namin hindi nakasama si Max.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)
RomanceNag simula lahat sa isang simpleng pabor, hanggang napunta ito sa isang laro. Si Stacey Villanos ay isang kilalang mabuting tao at mapag mahal sakanyang mga magulang, kaibigan, nobyo at sakanyang kuya. Masaya ang pag sasama ng mag kapatid ngunit sa...