MBIMSL~Chapter29
Dwight's Point Of View
Nasa byahe kami ngayun ni Stacey napag isip isip ko kasing mag bakasyon ngayung summer break, pupunta kami sa bahay na pingawa nila mom noon sa laguna. gusto ko din kasi kahit papaano mawala na yung lungkot ni Stacey, alam ko kasi nahihirapan pa din siya. dalawa lang kaming mag kasama ngayun, gusto ko siya masolo kahit sa gantong paraan lang.
Makalipas ang ilang oras nakarating na din kami, sobrang aliwalas dito may dagat din at sariwang sariwa ang hangin, wala masyadong tao kaya nakaka relax talaga. tinapik ko si Stacey dahil nakatulog sya sa buong byahe.
"Andito na tayo." nakangiti kung sabi sakanya. gumalaw siya at umayos ng upo.
"Tara na kuya ayusin na natin yung gamit para makapag pahinga kana din!" sumang-ayon ako,binaba ko yung mga gamit na dala namin. pag ka tapos dinala kona ito kung saan yung bahay na tutuluyan namin. pag pasok namin ang linis nito dahil meron palang nag lilinis dito kada linggo.
Napasok kona ang mga gamit namin, nag asikaso ako ng makakain nag libot muna si Stacey sa labas hinayaan kona muna siya para habang nag luluto ako ay nakakapag enjoy siya sa labas ayaw ko din kasing makaramdam siya ng pag kabagot ngayun.
Pagka tapos ko mag luto lumabas ako para tawagin si Stacey, nakita ko naman agad siya dahil naka upo lang ito sa dalampasigan, lumapit ako sakanya at tumabi dito.
"Napaka ganda dito no, naalala kopa noon bata pa tayo nung huli nating punta dito!" napatingin ako sakanya naka tingin na din siya sakin.
"Naalala ko nga yun kuya takot kapa noon pumuntang dagat kasi sinasabi mo malulunod ka, yung muka mo noon nakakatawa!" tumatawa ito ng malakas kaya naman napa ngiti ako.
"Malakas kasi ang alon nun kaya ganun, hindi naman talaga ako takot." napanguso ako kasi bigla na naman siyang tumawa.
"Ah kaya pala naihi ka nun sa short mo kasi dinala ka ni daddy sa tubig nun!" tumayo ito at inasar asar ako kaya naman tumayo din ako.
"Ah ganun!" nilapitan ko siya at binuhat, dadalhin ko siya ngayun sa dagat.
"Kuya andaya mo sandali nababasa ako!" nag basaan kami ngayun. sobrang saya ko dahil kahit papaano napapasaya ko siya.
Pumasok na kami ngayun sa bahay, basang basa kami ngayun dahil sa ginawa namin pag lalaro sa dagat.
"Mag bihis kana agad baka mag kasakit ka, pag tapos mo pumunta kana dito at kakain na tayo." tumango siya at pumasok na sa cr, ako naman ay nag punas na ako pumuntang kwarto para mag bihis.
natapos na akong mag bihis, nag lalagay ako ngayun ng plato sa lamesa para pag labas ni Stacey kakain na lang kami. maya maya lumabas na si stacey at umupo na sa upuan. sinandukan kona siya at umupo na din ako.
habang kumakain kami biglang may kumatok kaya naman tumayo ako at pumunta sa may pinto, pag bukas ko bumungad sa harap ko ang isang babae, hindi ito katandaan parang kasing edad lang ito ni mommy.
"Magandang umaga iho, ako nga pala si Joy pwede mo naman akong tawaging Ate joy o kaya tita joy, may dala akong pagkain, dyan lang ako sa kabilang bahay." Pinatuloy ko sila at pinaupo pagka tapos kinuha ang kanyang dalang pagkain.
"Sakto po kumakain pa lang po kami, sumabay napo kayo samin!" nilapag ko yung pag kain na binigay niya sa lamesa.
"Hindi na iho pumunta lang talaga ako dito para i welcome at makilala kayo." tumango ako. lumabas si Stacey galing sa cr at tumingin samin pagka tapos lumapit samin at nag beso kay tita Joy.
"Oh iha nakita ulit kita, nag dala ako ng pagkain dyan nag luto kasi ako kanina." tumingin ako kay Stacey at kay tita Joy, siguro nakilala ni Stacey si tita Joy kanina nung nag libot sya dito.
"Gaano na kayo katagal mag asawa?" nag tinginan kami ni Stacey dahil sa sinabi ni tita Joy.
Stacey's Point Of View
"Gaano na kayo katagal mag asawa?" napatingin ako kay kuya at nakatingin din siya sakin, wala agad nakasagot sa tanong ni tita Joy kaya naman nag salita agad ito.
"Bakit bago pa lang ba kayo?" tumingin ako kay tita Joy, Mag sasalita na sana ako kaso naunahan ako ni kuya.
"Opo, bago pa lang po kaming mag asawa!" napatingin ako kay kuya ng masama, ngumiti lang ito.
"Ah ganun ba, oh sige na aalis na ako baka maistorbo kopa ang una nyong pag sasaya!" napatingin naman ako kay tita Joy naka ngiti ito na para bang nanunukso.
Hinatid na ni kuya si tita Joy at mabilis lang din ito naka balik, nakatingin siya sakin at biglang ngumiti, kaya naman tumayo ako at tinapakan ko ang paa niya.
"Asawa mo muka mo!" inirapan ko siya pag katapos bumalik na kung nasaan ang aming pag kain.
Umupo na ako at tinatanggal sa lalagyan yung dinala ni tita Joy. si tita Joy nakilala ko siya kanina nung nag lalakad ako sa dalampasigan, sobrang bait niya sakin at ang gaan ng loob ko sakanya, para kasi syang si mommy kung makaasta kaya naman napagaan na agad ang loob ko sakanya.
huling nasa plastik na lang yung bubuksan ko, nahirapan pa ako kasi ang kapal ng plastik na pinag lalagyan, kaya naman kumuha ako ng gunting para hindi na ako mahirapan.
pag kuha ko babalak na ako sa may sala, pag balak ko nandun na si kuya kumakain. hindi kona siya pinansin, hinanap ko yung plastik kanina na bubuksan ko sana pero nakita ko wala na ito.
"Binuksan kona, ayan oh!" tinuro niya ito, nilapag kona lang yung gunting na kinuha ko at kumain na lang ulit.
may inabot sakin si kuyang ulam, pag lapit nito sakin naduwal ako kaya naman tumakbo ako papuntang lababo. shit bakit ganun yung amoy.
naramdaman ko naman na may humawak sa likod ko, pinunasan ko ang aking labi ng maramdaman kona wala na akong maisuka.
"Ayos ka lang?" tumango ako, nakita ko sa mata ni kuya ang pag alala, hindi ko alam kung bakit lagi na lang umiikot yung sikmura ko, tapos lagi na lang ako nasusuka.
"Gusto moba dalhin na kita sa hospital? lately lagi kana lang sumusuka." tumingin ako kay kuya.
"Ayos lang ako kuya baka nasobrahan lang ako sa kain ngayun!" nakikita ko sa mata ni kuya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko kaya naman nag lakad na ako papuntang kisame, naramdaman ko naman na sumunod din si kuya.
"Ay kuya sabi nga pala ni tita Joy kanina Fiesta daw ng kabilang baranggay tapos may parada daw na magaganap, pwede ba tayong sumama please." nag pa cute ako kay kuya, gusto ko din kasi makaranas ng mga ginagawa nila sa probinsya.
"Ayos kana ba talaga? kasi kapag hindi mas gugustuhin kona lang mag pahinga ka!" ngumiti ako at pinakita kay kuya na ayos na ako.
"Oh diba kuya maayos na ako, malakas kaya yung maganda mong kapatid!" napangiti naman si kuya.
"Sige sasama tayo mamaya sa kabilang baranggay!" napayakap ako kay kuya.
"Thankyou kuya." naramdaman ko naman yung kamay niya, yumakap din pabalik si kuya.
"Basta masaya ka papayag ako." ngumiti ako.
Nag linis na kami ni kuya ng pinag kainan namin, hindi na mawala yung ngiti sa labi ko, excited ako mamaya ano kayang meron mamaya sa Fiesta at sa parada na magaganap.
Isang linggo lang kami ni kuya dito kasi pag tapos nito ay may pasok na, kaya naman kailangan ko maenjoy ang bawat araw na dadaan na nandito kami.
kanina may naging close din pala ako isa sa anak ni tita Joy, si Akisha sobrang bait niya at same age din pala kami so ayun naging close kami agad, siya din yung kasama ko nun mag libot nung nag aayos ng gamit si kuya. excited ulit ako masama sila mamaya papuntang Fiesta.
~MBIMSL
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)
RomanceNag simula lahat sa isang simpleng pabor, hanggang napunta ito sa isang laro. Si Stacey Villanos ay isang kilalang mabuting tao at mapag mahal sakanyang mga magulang, kaibigan, nobyo at sakanyang kuya. Masaya ang pag sasama ng mag kapatid ngunit sa...