CHAPTER 24🌼

3.6K 41 9
                                    

MBIMSL~Chapter24

Stacey's Point Of View

Hindi ako agad makatulog pinagmamasdan ko lang yung Hello Kitty na teady bear ngayun sa harap ko. Iniisip ko kung paano mainis si kuya nung pinipilit nyang kunin to, natawa ako bigla na naisip ko baka winasak nya yung machine HAHAHA.

Kinuha ko sya at niyakap maya maya napaisip na naman ako at sabay tingin sa singsing na binigay ni Max. Bakit ganun bakit hindi ko maramdaman yung kilig at excitment nung binigay nya to? Bakit ganto ako? Bakit parang litong lito ako ngayon.

Ginilid ko si Hello Kitty sa tabi ko, humiga ako at pinag masdan ito hanggang sa dalawin ako ng antok ko.

KINABUKASAN:

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at hinawakan si Hello Kitty sabay sabing GOODMORNING ewan ko Kahit hindi ako nakatulog ng mahaba ngayun feel ko ang ganda ng gising ko. Nadala kopa din yung saya kahapon.

Nag asikaso na ako para makapasok ng maaga, mga ilang minuto natapos na ako sa lahat at bumaba na hawak ko ngayon yung susi ng kotse na binigay ni kuya.

Pagbaba ko nakita ko si kuya na inaayos yung pag kainan namin, so lumapit na ako at umupo sa upuan.

"GOODMORNING KUYA." Bati ko sakanya bumati lang sya pabalik sakin ewan ko kanina pa ako naka ngiti dito, nang matapos na mag lagay ng pagkain si kuya umupo na din sya at kumain kami maya maya nagsalita si kuya.

"Siya nga pala tumawag si mommy kanina nag sosorry sila dahil hindi sila nakaattend ng birthday party mo at binilin din pala nila na yung pag mamaneho mo ng kotse ay hinay hinay lang." Tumingin ako kay kuya hindi pa din nawawala yung ngiti ko.

"I chachat ko sila mommy mamaya at I know po kuya hindi ako mag mamaneho ng mabilis." Sagot ko kay kuya.

Habang kumakain kami nakaramdam ako ng medyo katahimikan lang naman kaya naman napatingin ako kay kuya nakita ko siyang nakatingin sa kamay ko Kung san naka-suot yung singsing na binigay ni Max sakin kahapon. Agad ko naman itong tinago sa baba ng lamesa napansin ata ni kuya yun kaya napa-ayos sya ng upo.

"Kuya una na nga pala ako." Tumayo ako at kinuha yung bag ko at lumabas na kailangan ko umiwas ngayon kasi may nakikita na naman ako kay kuya na kakaiba, ewan ayaw ko nakikita siyang ganon kaya mas mabuti na umiwas na lang. Alam ko din na maaga pa para pumasok pero kailangan ko, alam ko naman na maaga din pumapasok mga kaibigan ko at ikwekwento ko din pala sa kanila. Ito yung kotse ko alam ko matutuwa sila, ako na lang kasi yung wala talagang kotse samin. Noon ayaw kasi talaga nila mommy na magkakotse ako ngayon lang talaga sila napapayag ni kuya.

Dwight's Point Of View

Nililigpit ko ngayon yung pinagkainan namin hindi ko alam, ayoko na suot ni Stacey yung singsing na yun. Nag-iinit ulo ko gusto ko paalis sakanya yun kaso hindi ko alam kung paano. Alam ko naman na naiilang siya sa mga tingin ko. Naiinis lang ako kasi nakikita kung may gamit siyang bigay ng lalakeng yun.

Ayaw kona sana isipin yung mga nangyari nun kaso mukang hindi pa sapat yung ginawa ko para mag kahiwalay sila.

FLASHBACK:

"Gagawin mo lang naman yung utos ko hahalikan mo lang sya ipapakita mo lang kay Stacey na gusto din ni Max yung ginawa mo babayaran kita kahit magkano."

"Ok, isesend ko sayo mamaya yung pag sesendan mo ng pera ipapangako ko na mag kakahiwalay sila."

Binaba ko ang cellphone ko alam ko papunta si Stacey kay Max ngayon. Ito na yung simula ng totoong laban dahil ang gusto ko ay sa akin lang si stacey gagawin ko lahat mag kahiwalay lang sila.

Mga ilang oras nag hintay ako nagtext na sya sakin. Napangiti ako mukhang sumasang ayon ang tadhana naka-receive ako ng magandang balita. Nakita ni Stacey yung pinagawa ko. Ngumiti ako ng napaka lapad.

END OF FLASHBACK

Napatingin ako sa malayo andito na ako ngayon sa school habang nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni biglang dumating si Andoy.

"Tol naalala mo ba yung lalake inutusan mo mang-bugbog kay Max noon." Napatingin ako sa paligid baka mag makarinig.

"Anong meron? Hinaan mo yung boses mo baka may makarinig sayo." Pabulong na sabi ko.

"Ang sabi sakin hinahanap daw yun nila Max." Lumaki yung mata ko.

"Ano? Kailan pa nila hinahanap?" Tanong ko dito.

"Nung isang araw narinig ko lang nag uusap-usap sila ang alam ko alam ata nila na may nag-utos dun. Paano yan tol kapag nalaman na ikaw yung nag-utos dun?" Agad ako sumagot

Hindi ako papayag na malaman nila na ako ang nag-utos dun. Hindi-hindi na ako papayag na maging dahilan yung Max na yun para magalit sakin si Stacey. Kung kailangan kong gumawa ulit ng masama para maayos ito, gagawin ko para lang hindi malaman yung mga pinag-gagawa ko.

"Andoy isend mo sakin yung location nung lalakeng yun." Tumango lang sya at bumalik na sa upuan.

Wala kaming masyadong ginawa kaya natapos agad kami nung makalabas na kami sinenyasan ko lang si Andoy na isend nya na sumakay ako sa sasakyan. Hindi ko na sinama si Andoy dahil kaya ko naman lakadin to mag-isa.

Wala pang isang oras nakarating na ako sa sinend ni Andoy na location hindi naman katagalan. Nakita ko agad yung lalakeng inutusan ko, lumapit siya agad sakin.

"Oh boss bakit ka andito?"

Nag-usap lang kami at pagkatapos sumakay na ako sa sasakyan ko, ayaw ko malaman ng lahat ito mas lalo na ni Stacey. Pinalayo ko siya dito para wala ng makaalam ng mga ginawa ko.

Hindi katagalan nakauwi na ako pag-pasok ko nakita ko si Stacey na naka-upo sa sofa at nanonood ng TV tumabi ako sakanya.

"Oh kuya bat ngayon ka lng?" Nakatingin lang ako sakanya.

Natatakot ako na magalit siya sakin hindi ko alam bigla ko siyang niyakap.

Stacey's Point Of View

Maaga kami pinauwi hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko hinatid lang ako ni Max at umuwi na din sya agad, ewan ko basta wala ako sa mood ngayong araw nato naiintindihan naman ni Max.

Kanina din pala napag-usapan namin yung about dun sa bumugbog kay Max nun nung nasa bar siya, naungkat yun nung pinaalala ni Thana yung mga nangyare sabi kasi ni Max nun may binanggit daw yung lalakeng bumugbog sakanya na galit daw sakanya yung boss nun.

Kaya napaisip kami na hindi basta basta trip yung ginawa sa kanya, malalaman namin yung sagot sa aming mga katanungan kapag nakita na namin yung bumugbog sakanya. Buti na lang natatandaan nya yung mukha dahil hindi pa naman daw sya ganun kalasing nun.

Nagbihis na ako at bumaba wala pa si kuya ang alam ko lahat kami ay maaga pinauwi, habang nag hihintay nanood na lang ako ng TV nalilibang din ako dahil maganda din naman yung palabas.

Napalingon ako sa gilid ko nung naramdaman ko na gumalaw yung sofa. Pagtingin ko si kuya pala nakatingin lang sya sakin kaya nagtanong ako.

"Oh, kuya bat ngayon ka lang?" Wala akong natanggap na sagot kinakabahan naman ako sa inasta ni kuya, maya maya nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Kuya may problema ba?" Tanong ko dito.

"Wala gusto lang kita yakapin." Niyakap ko din sya pabalik.

Kung ano man yung problema kuya magsabi ka lang sakin ha makikinig ako sayo. Bumitaw sya sa pagkakayap sakin at tumingin sakin at tumango.

"Kumain kana ba?" Tanong nya sakin napailing naman ako hindi pa talaga ako kumakain kasi hinihintay ko siya.

"Tara pagluluto kita." Tumango ako at sumunod sakanya.

~MBIMSL

My Brother Is My Secret Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon