Doon na kami nagkita sa firing range ni Bea.Marami rami rin ang nag fifiring.
"Wala pa rin sablay,ang galing mo Ann"sabi sa akin ni Bea.
"Mas magaling ka"saad ko,well pareho lang kami.
"Sa hideout na tayo magkita sa isang gabi.Sa gabi gaganapin ang transaction nila"saad nito
"Mga bibigatin ang kalalabanin natin"sabi ko
"Yes,basta aalis agad tayo pag nalinis na natin,baka abutan pa tayo ng parak"seryoso na sabi nito
Legal naman ang ginagawa namin,pero malakas pa rin ang backer namin sa taas.Kailangan kami mauuna sumalakay at hulihin ang mga sindikato bago susugod ang mga parak,kailangan makaalis na kami bago sila dumating.
"Sisiw lang iyon sa atin,kasama din natin sila Jenny"Ang miyembro nila Jenny ang lagi namin kasama,matinik din ang mga iyon at kasundo namin ni Bea.
"Pagkatapos nito aalis ako"sabi ko kay Bea
"Sige,tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka"Sabi nito.
"Club daw tayo ulit tayo mayang gabi"natatawang sabi pa ni Bea
"Sino may plano?"nakangisi kong tanong.
"Syempre si Kelly na naman,galit na galit daw ang Daddy ni Cassy"sabi ni Bea.
"Buti hindi tayo pinaimbistigahan ni Caden Salvacion,patay tayo"tawa ko.
"Don't worry ,hanggang ordinaryong tao lang ang malalaman niya sa atin"nakangisi na saad ni Bea.
"Wag kang kampante sa sarili mo,alam mo iyon kung gaano siya ka tinik"minsan na rin namin nakita si Caden Salvacion sa black underground, hindi niya kami kilala,pero of course kilala namin siya.
"Yeah ,I know,Oo nga pala,kotse mo na dalhin natin sa mission huh"sabi ni Bea
"Okay,sige Uuwi na ako ,magkikita naman ulit tayo mamaya"paalam ko.
Pagkadating ko sa bahay nadatnan ko si mommy,
"Anak"tuwa na tawag niya sa akin
"Hi,mom"hinalikan ko ito sa pisngi
"Ilang araw hindi ka na naman umuwi dito"nagtatampo na sabi niya
"Mommy naman,eh,sa condo lang ako"sabi ko
"Oh tara na ,kakain na tayo"yaya ni mommy sa akin
Pagkatapos kumain ,naligo na ako at gumayak ,kotse ko na ang dadalhin namin daanan pa namin si Cassy.Parang hindi naman seryoso si Cassy sa kuya ko,pero bahala sila malalaki na sila.
Nandito na kami sa club, exclusive ito.Mga mayayaman lahat ang nandito ,nakapasok kami dahil ginamit namin ang Card ko,halos mga artista at negosyante ang nandito.
"Omg,si Ulysses Grey Herrer iyon di ba?"sabi ni Kelly.
Sikat na negosyante at bilyonaryo si Ulysses.Titig na titig si Cassy dito.tssk..crush na naman niyan.wala naman ako pakialam kung lokohin niya kuya ko,
"Sayaw na tayo"yaya ni kelly.
Sumayaw kaming tatlo ni Bea at kelly,nag paiwan sina Cassy at Jane.
Gabi na rin kami nakauwi.Tinanghali ako ng gising,mamayang gabi na ang mission namin.
Bumaba na ako para kumain, nadatnan ko si Dad at mga kuya ko at ang mommy na kumakain at binati ko muna ang mga ito.
"Umupo kana "bati ni daddy
Kumuha ako ng fried rice at fried chicken.
"Talagang marami na ngayon mga illigal na droga "reklamo ni daddy
"Hindi naman nauubos at nawawala Daddy,hanggat hindi nawawala ang mga druglord"saad ni kuya Ross
"Sinabi mo pa"sang ayon ni kuya Roice.
"Kaya mag iingat kayo,uso na naman kidnapped for Ransom"paalala ni daddy
"We will daddy"sabi ng mga kuya ko
"Ann,ikaw mag ingat ka dahil babae ka "sabi ni daddy.
"Sila mag -ingat kay Ann" sagot ni kuya Ross.
Tinaasan ko lang ng kilay si kuya.napa buntonghininga na lang si mommy at daddy.
"Alam ko kaya mo proteksyonan ang sarili mo pero mag iingat ka pa rin anak"paalala ni daddy
" Opo,hindi po pala ako makauwi mamayang gabi"paalam ko
"Pasaan ka?" tanong ni mommy
"May pupuntahan lang po"tipid na sagot ko
"May kinalaman ba ito sa transaction na sinabi ni General sa meeting namin kahapon?"nag dududang sabi ni daddy
"Hindi po dad" iwas ko
"Sana nga Ann"sabi ni mommy na malungkot na nakatingin sa akin
Alam ko na alam nila .. alam ko masama ang loob ni mommy sa akin,mag iingat na lang ako para sa kanila.
Dahil last na muna itong misyon ko.next,I need to find a place na makapag relax naman ako.
BINABASA MO ANG
The Senator's Daughter
RomanceAnn Walton- The only Daughter of Senator Vernan Walton.Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, Miyembro siya ng Black Underground ng Assassin's na kung Saan kasama si Bea Santillan na kaibigan niya at Si Caden Salvacion na Ama ni Cassy Reign Salvacio...