Chapter 7

6K 173 4
                                    

Naghiwalay ang kuya ko at si Cassy,dahil daw magpapakasal si Cassy kay Ulysses,ang tuwa naman ng kaibigan ko ,hindi niya alam nasaktan naman ang kuya Ross ko,its okay buhay naman niya yun.Sa una pa lang alam naman ng kuya ko na hindi masyado seryoso sa buhay si Cassy.

Ngayong araw ang alis ko.Dala dala ko lang mga importanteng gamit ko.Dinala ko na rin ang kotse ko,at pati kaunting cash.Susunduin daw ako ni Nanay Lory at Tatay Jun sa pier.

Nang sa Batangas port na ako nag text ako kay mommy na magbabakasyon ako atvkay daddy, sila na bahala na magkwento sa mga kuya ko.Umiyak pa si mommy pero sabi ko Kailangan ko muna magrelax which is yun naman talaga.

Dalawang oras din ang biyahe ng barko bago nakarating sa pantalan ng Mindoro.Nandito ako sa kotse ko habang hinihintay na umibis lahat ng tao bago lalabas ang mga sasakyan.

Nakalabas na ako ng barko,nakita ko sila Nanay Lory at Tatay Jun, naghihintay sa labas.

"Nay,Tay".tawag ko dito

"Cassy,hija"dali dali ang mga ito pumunta sa akin,pinasakay ko muna sila sa kotse dahil may kasunod na kotse sa likuran ko.

"Nakung bata ka,anu na naman napag isipan mo at naglayas ka na naman"sermon agad sa akin,tumawa na lang ako.

"Nay,iwan ko lang ito ang kotse ko sa bahay ng kaibigan ko"sabi ko dito hindi ko dadalhin ang kotse ko sa bahay nila Nanay.

"O sige at mag traysikel na lang tayo"saad ni Tatay.inihatid ko muna sila Nanay at Tatay sa Terminal kung saan nandoon ang mga jeep at traysikel.

Pumunta ako sa bahay ni Bea at naabutan ko ang tauahan nito.

"Boss Ann, magandang araw po"saad nito.

"Iwan ko muna kotse ko"sabi ko dito

"Ah sige po boss,ako na bahala diyan at nag text si boss Bea na pagkailangan mo ng baril ,magtext na lang kayo sa akin"sabi ni Diego na mapagkatiwalaan na tauhan ni Bea.

Binigay nito ang cellphone number sa akin,binigyan niya rin ako ng kuwarentay singko in case for emergency.Umalis na ako at nagpara ng traysikel papunta sa terminal kung saan naghihintay sila nanay at Tatay.

Nilakad lang namin papasok ang bahay nila Nanay.namalenke muna kami ng mga groceries at mga pang ulam.May dala dalang kalabaw si tatay at hila hila nito mga dala namin at mga gamit ko.

Malapit na kami sa kabahayan,may nakatingin sa amin,may nakiki usyoso.may lumapit na matandang babae sa amin.

"Lory sino ang kasama nyo?abay napakaganda"parang namamangha s akin at ngumiti lang ako dito

"Pamangkin ko ito,anak ng kapatid ko,si Ann pala"pakilala ni Nanay,sinabi ko kasi na wag sabihin kung sino ako.

"Hello,po"bati ko dito

"Hello,hija,napakaganda mo"nakangiti niyang sabi.

"Ibang lahi po kasi ang tatay ko"sabi ko naman dito.

Nagpaalam na kami dito na tutuloy na.pagdating sa bahay nila nanay,pinagpahinga muna nila ako , magluluto daw sila ng tanghalian.Maliit lang ang bahay pero maganda at maaliwalas,ang binigay sa akin na kwarto tama lang siya,at may kutson ang katre at may maliit na kabinet na paglagyan ko ng damit.

Sabi ni nanay Lory nagtatrabaho daw siya sa isang Hacienda na pag mamay ari ng isang mayaman at maimpluwensyang tao dito sa Mindoro,at tauhan din si Tatay jun sa Hacienda.

Bukas dadalhin ako ni Nanay para malibang daw ako.sinabihan ko si nanay na okay lang tulungan ko siya sa Hacienda,nung una ayaw niya pa pero pinilit ko ito.

Gusto ko maging ordinaryong tao lang ,dito walang nakakilala sa akin,kundi sila Nanay at Tatay lang.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon