Naka receive ako ng text galing kay Lance at nagpaalam ito na sunduin daw niya si Melanie sa bayan dahil umuwi na daw ito.
Tamang tama nandito pa rin kami sa bayan.Ito ang nagustuhan ko lalo kay Lance dahil lagi ito nagpapaalam.
Kumakain kami ngayon sa isang kalindrya.Bigla na lang may mga kalalakihan na nasa harapan namin ,parang tanga lang ang mga ito na nakangisi sa amin.
"Pare taga Manila yata ang mga ito!"-sabi ng isang lalaki na isang taon hindi yata naliligo.
"Hi mga Miss"-ngisi naman ng isa.Bale lima silang lahat.
Lumapit ang may ari ng kalindirya.
"Hoy!kayo umalis kayo dito!"galit na sabi ni Ali.
Ngumisi ang isang lalaki na humarap kay Ali,at bigla nitong tinutukan ng baril.Napasinghap ang mga kumakain.
"Aling Marites,mga tauhan ho iyan ni Señor Roland Fajardo"-biglang lapit ng isang dalaga na hinila si Aling Marites daw ang pangalan palayo .
Humarap ulit sa amin ang mga Armadong lalaki.
Ngumisi lamang si Jenny at Bea habang ako wala akong pakialam tuloy ang kain ko dahil masiba pa naman ang dalawang kasama ko baka mamaya maubusan ako ng pagkain.
Napailing ako,ang malas ng mga lalaking ito dahil sa table pa namin talaga sila pumunta.
"Miss puwedi ba namin kayo ma take out?-ngising saad ng lalaking medyo mataba.
Tumayo si Jenny,napasinghap lalo ang mga kalalakihan dahil nga sa suot ni Jenny,tulo laway ang mga ito.
Natatawa tuloy ako at hindi ko na nga napigilan humalakhak.
Lumapit ako sa kanila.
"You choose,you want to stay alive or Buried?"-nakangisi kong tanong sa kanila.
"Oy!mga tol spokening dollar pala ito"-tawa ng matabang lalaki at nagtawanan ang mga ito.
Tumayo si Bea at walang kahirap hirap na nakuha agad niya ang baril ng isang lalaki,nagulat ang mga ito dahil sa sobrang bilis ng kamay ni Bea.
"Naintndihan niyo ba ang sabi ng kaibigan ko?gusto niyo pa bang mabuhay o ililibing na kayo ngayon?"nakangising saad ni Jenny.
Namutla ang mga ito.pero talagang matigas ang bungo ng matabang lalaki.
Tumawa ito ng malakas.Lumapit ito kay Bea para sampalin sana pero kung anong bilis ang pagkuha ni Bea ng baril ganun din kabilis natumba ang matabang lalaki.Yeah she's really know a Dangerous Assasin.
Hindi makagalaw ang apat na lalaki na parang na estatwa ang mga ito.
"I'll count one to five,pag hindi pa kayo umalis ,gagawin namin kayong dinuguan"-saad ni Jenny na napailing lamang ako at bumalik na sa mesa at kumain.
Hindi pa nga nakapag umpisa ng bilang si Jenny ayun pasan pasan na nila ang matabang lalaki na pinatulog ni Bea na palabas na sila ng kalindirya.
Ngumisi na umupo ulit ang dalawa.
"Ang siba mo talaga Ann,inubusan mo na kami"-saad ni Bea na ikinahalakhak ko.
Lumapit si Aling Marites sa puwesto namin .
"Naku mga ineng,hindi ko akalain na kayo lang pala ang katapat ng mga lintik na iyon!"-galit na sabi nito.
Ngumiti lang kami dito.Sinabi ni Aling Marites na kahit ano daw orderin pa namin ay libre na daw, syempre hindi kami pumayag eh business pa rin iyon, binayaran pa namin ito ng sobra.Tuwang tuwa ito at malaki na daw para sa kanya ang binigay ni Bea.
Umuwi na kami sa bahay ni Bea at nag text muna ako kay Lance na wala ako sa bahay nila Nanay hindi ko sinabi na nandito ako sa bayan.Maaga kami magpapahinga ngayon dahil bukas pupunta pa kami ng presinto dahil sa gagawin naming pagsalakay sa taniman ng Marijuana kung saan nakatago ito sa magubat na likuran ng Mansion ni Don Alfredo.
BINABASA MO ANG
The Senator's Daughter
RomanceAnn Walton- The only Daughter of Senator Vernan Walton.Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, Miyembro siya ng Black Underground ng Assassin's na kung Saan kasama si Bea Santillan na kaibigan niya at Si Caden Salvacion na Ama ni Cassy Reign Salvacio...