Chapter 20

5.6K 160 1
                                    

Talagang napasarap ang tulog ko.

Wait!!Ay Shit!Hindi pala ako nakauwi kagabi.

Bumukas ang Pinto,at pumasok si Lance.

"Good morning baby"-nakangiting sabi nito.

"Hindi ako nakauwi kagabi baka nag-alala sila Nanay"-saad ko dito na panay pa ang hikab ko.

"Pinuntahan ko kagabi at sinabi ko na dito ka sa bahay matutulog"-sabi nito sabay sampa sa kama at hinalikan ako.

"Wait,hindi pa ako nakapag toothbrush eh"-sabay tulak ko sa kanya.

"Hmm, mabango ka pa din"-natatawang sabi nito.

Tumayo na ako at pumunta sa kanyang Cr,may nakita ako na hindi pa gamit na toothbrush,naghilamos din ako.

"Lets go baba na tayo, Let's eat breakfast na"-yaya nito sa akin.

"Sa bahay na lang at saka hindi talaga ako kumakain ng almusal"-saad ko.

"You want coffee,baby?"

"Sa bahay na lang din"-

Wala rin magawa si Lance kundi hinatid na ako pauwi.

Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam din agad si Lance dahil may business meeting pa daw siya dahil may pinuntahan si Don Alfredo kaya siya daw ang mag aattend.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko ang Dalawang matanda na nanunuod ng Tv .Binati ko ang mga ito.

"Nandiyan si kuya Roice mo sa iyong kwarto"-saad ni Nanay.

"Ah sige ho"-

Nadatnan ko nga si kuya Roice na nakahiga.

"Akala ko umuwi kana"-saad ko dito.

"Saan ka natulog?"-agad na bungad nito sa akin.

"Sa bahay nila Lance"-sabi ko dito sabay upo sa kama.

"Aba Ann,hindi ka pinalaki ni Mommy ng ganyan,ka babae mong tao"-sabi nito sabay kutos sa akin.

"Aray na naman kuya!eh boyfriend ko naman iyon"-sabi ko dito na naiinis,ang sakit kaya ng kutos niya.

"Kahit na,sabi ni Melanie inagaw mo daw si Lance"-

"Hindi ah"-depensa ko naman.

"Umuwi kana ,umiiyak si Mommy"-saad nito.

"Ayoko ko pa,saka na"-

Napabuntonghininga na lang si kuya Roice.

"Pag ikaw nabuntis ni Monterio!"-kinutosan na naman niya ako.

"Kuya nga ,nakakarami kana ,babarilin na kita"-biro ko dito.

"Wala ka talagang galang sa nakakatandang kapatid mo"-simangot na sabi nito.

Tumawa na lang ako.

"Iyang si Monterio walang mawawala sa kanya,eh ikaw babae ka!"-banat pa rin nito sa akin.

"Dont worry , kumpleto pa naman ako"-natatawang sabi ko dito.

"Pilosopo ka talaga"-kukutosan na naman sana ako pero bigla akong tumayo.

"Nakakarami kana "-simangot na sabi ko.

"Uuwi na ako,may business trip ako sa ibang Bansa bukas"-sabi nito sabay kuha ng kanyang bag.

"Kamustahin mo na lang ako kay Mommy"-saad ko dito.

"Mag-ingat ka dito at huwag puro kapilyahan ang nasa isip,iyong kaibigan mo si Kelly nasa News na nanggulo sa kasal ni Lewis Kingston"--saad ni kuya na napapailing pa.

Tawa lang ako ng tawa.Well,hindi na bago sa akin sa mga ginagawa ni kelly.

"Mga Abnormal talaga kayo,si Ulysses Herrer ayon sobrang stressed kay Cassy"- dagdag pa nito.

Napangiti na lang ako.Nagpaalam na si kuya na aalis na siya.

Kumuha ako ng damit para maliligo at matutulog ulit.

Namiss ko na tuloy si Lance.Alam ko na may puwang na siya sa puso ko.



The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon