Kausap ko ngayon si Bea.Tawang tawa ito dahil may kalokohan na naman si Kelly ginawa.Nanggulo daw ito sa kasal ng nag iisang apo ng Bise Presidente ng Bansa,isang sikat na Business Tycon at bilyonaryong si Lewis Kingston.
"Ta*na na Kelly iyon,tawang tawa talaga ako ,pinatigil niya ang kasal ni Lewis at naka broadcast at saka maraming media iyon"kanda ubo ito sa kakwento.
Si Lewis lang naman ang lakas loob na kalabanin si Caden Salvacion pagdating sa mga bibigating business ,I remember that naka bangga rin niya ang mga kuya ko.
"Lagot siya doon,halos walong taon din iyon na naging girlfriend ni Lewisa iyong bride tapos si Kelly lang pala ang tatapos"walang katapusang halakhak ni Bea.
Napapatawa na lang ako.Saglit lang kami nag usap ni Bea at sinabi lang niya na nilipat na niya ang pera na bayad sa akin noong nakaraan sa pag huli namin kay Mr.Chen.
Bukas ang alam ko ay kaarawan ng Mommy ni Lance kaya panigurado maraming tao doon at sabi ni Lance may mga kaibigan daw siya na taga Manila na dadating.
Buti may dala akong Dress,hindi ko na kailangan bumili.
Nandito kami ngayon sa likod ng bahay,tumutulong ako kay Nanay sa pagtatanim ng mga gulay.
"Magandang Hapon Aling Lory"bati ng isang lalaki na nasa forties ang edad.
"Ah ikaw pala kapitan"saad ni Nanay.
So,siya pala ang kapitan dito.
"Aling Lory,gusto lang po kita kausapin tungkol sa Lupa"saad nito.
"Hindi na magbabago ang desisyon namin kapitan,ayaw namin ibinta ito"pahayag ni Nanay Lory.
"Malaking pera naman ang ibabayad"pilit pa nito kay Nanay,na medyo kinainisan ko ang kanyang tono ng pagsasalita.
"Kapitan ,bingi ba kayo o sadyang matigas lang ang bungo mo!"madiin na sabi ko dito.
Parang nagulat pa ito sa sinabi ko.
"Hija, alam mo naman mahirap ang buhay di ba, kailangan yan ng Iyong Nanay Lory at Tatay Jun sa bandang huli"..saad pa nito na ikinataas hanggang langit alng kilay ko.
"Hindi nila kailangan ang pera,kaya ko sila suportahan kahit walang binibintang ari arian"nang uuyam na saad ko dito.
"Di ba wala ka trabaho"...sabi nito na ikinairita ko na.
"Umuwi kana kapitan hanggat buhay ka pa"..sabi ko dito na sobrang talim ng tingin ko.
Parang namutla ito at dali daling umalis.
Alam ko naman na binayaran ang kapitan na iyan.
Napabuntonghininga na lang si Nanay Lory.
"Hindi talaga sila titigil hanggat hindi namin ibigay ang lupa"saad ni Nanay na medyo galit na rin ito.
"Don't worry Nay,kahit anong gawin nila Wala pa rin sila magagawa"sabi ko dito.
No one can messed me.Lahat babanggain ko,lalo na malapit sa akin ang dalawang matanda.
BINABASA MO ANG
The Senator's Daughter
RomanceAnn Walton- The only Daughter of Senator Vernan Walton.Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, Miyembro siya ng Black Underground ng Assassin's na kung Saan kasama si Bea Santillan na kaibigan niya at Si Caden Salvacion na Ama ni Cassy Reign Salvacio...