chapter 30

5.9K 166 0
                                    

Malungkot ang dalawang matanda dahil aalis na ako.Uuwi na ako ng Manila.Sabay na kami nila Bea at Jenny.

"Alam ba ni Senyorito Lance na aalis ka?"tanong ni Nanay Lory.

"Hindi niya po alam,galit po siya dahil sa nangyari Nay"-saad ko dito na Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa pagbabaliwala sa akin ni Lance.

"Hindi ka niya masisisi anak ,dapat lang bayaran ng kanyang ama ang kasalanan nito sa batas"-saad ni Nanay na malungkot din ito sa nangyari sa amin ni Lance.

Nagpaalam na ako sa dalawang matanda at nangako ako sa kanila na bibisitahin ko sila.

Pasakay na ako sa kotse ko ng makita ko ang kotse ni Lance.

Bumaba ito at tiningnan niya ako nito na may lungkot ang mga mata.

Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa.Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Dali dali akong sumakay sa kotse ko.Para sa akin wala akong ginawang mali,Oo nabaril ko ang Daddy niya dahil gusto ko pa mabuhay ,dahil ayoko ko umiyak ang mommy at dahil ayoko ko pa mamatay na hindi pa ako nakahingi ng tawad sa Daddy ko.

Mahal ko si Lance pero ayoko ko pilitin ang sarili ko sa kanya kung ayaw na niya sa akin.

Pero sobrang nasaktan ako,parang dinudurog ang puso ko.Ganito pala ang pakiramdam kapag nabigo sa pag-ibig.

Tinigil ko muna ang kotse ko dahil nanlalabo ang aking mga mata sa sobrang pag-iyak.

The world is so unfair.

Inayos ko na ang sarili ko at pinatakbo ulit ang sasakyan ,dadaanan ko pa si Bea at Jenny.

Gabi na kami nakarating sa Manila.Doon na ako dumiretso sa Condo ko.Nagchat si Bea kung sasama daw ako sa kanila ,pupunta daw sila sa black  underground.

Tumanggi muna ako dahil parang pakiramdam ko sobrang pagod ko ngayon at Kailangan ko pa umuwi sa bahay bukas .

Linggo ngayon at alam ko wala sa senado si Daddy at nasa bahay rin ang mga kuya ko puwera na lang kung may business trip sila.

Binati ko muna ang guard at binigay ko ang susi ng kotse ko dito ,sila na bahala mag garahe ng kotse ko.

"Ann!anak"-tawag ni mommy at dali dali itong lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.Hindi ko napigilan lumuha kung sakaling nabaril ako ni Don Alfredo at napuruhan, alam ko na masasaktan ang mommy ko.

"I'm so sorry Mom,for not enough to be a good Daughter, I'm sorry because I lied a lot"-umiiyak na sabi ko dito. Nakita ko sila kuya Roice at Ross,nakauwi na pala si kuya Roice.

Lumapit ako kay Daddy at lumuhod dito.

"When I graduated in Highschool,I asked  you if I can join in Military but you didn't allowed me.Dad, I'm sorry,sinuway ko po kayo"-umiiyak na sabi ko dito.

Tiningnan ko ang mga kuya ko,nakita ko rin na umiiyak din sila.

"Lingid sa kaalaman ninyo,nag aral po ako ng military ,kaya wala po ako lagi sa bahay.Alam ko malaki po ang kasalanan ko sa inyo dahil bumalik ulit  ako sa black underground at tumatanggap ng mission,Daddy patawarin ninyo po ako"-umiiyak na sabi ko kay Daddy.

Itinayo ako ni Daddy,nginitian nito ako at hinalikan sa noo.

"I'm so proud of you,baby.Naintindihan kita, General Cruz already told me , everything.Alam ko may kasalanan din ako sa iyo"-niyakap ako nito ng mahigpit at lumapit din si Mommy para yakapin din ako

Hindi ko muna bati si kuya Roice,galit ako sa kanya.Masaya ako dahil okay na kami ni Daddy at tanggap na niya ang trabaho ko.

Isa na lang sana ang kulang sa buhay ko,si Lance.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon