Chapter 28

5.6K 161 0
                                    

"Nandito na pala si Captain"-saad ng isang pulis.

Napasinghap ang mg tao sa paligid lalo ang mga tauhan ng Hacienda.

"Well,Well..Long time no see Fajardo"-nakangising saad ni Jenny.

"Ri-Rivas?!"biglang sabi ni Fajardo na lalo itong namutla.

Biglang Lumapit si Lance sa akin.

"Sino ka?!ano pa ang hindi ko alam sa pagkatao mo!-sigaw nito na ikinapikit ko ng aking mata.

Ilang segunda lang minulat ko ang aking mga mata.

"Alagad ako ng batas"-mahina at diin na sabi ko.

"Nagkasala ang Daddy mo Lance, I'm so sorry"-mahinang sabi ko dito pero galit ang nakita kong emosyon sa mukha ni Lance.

"Grabe hindi ako makapaniwala na alagad pala siya ng batas"-naririnig kong sabi ng nasa paligid ko.

Lumapit ako kay Fajardo at Don Alfredo.

"Ngayon alam niyo na kung sino ako"-Mahinang sabi ko dito at nginisihan sila.

"Ka-kasama mo si Rivas?"-nabubulol na tanong ni Fajardo.

"Hindi mo nga talaga ako kilala Fajardo sayang nauna na ang ka business partner mo na si Mr.Chen"-saad ko dito na lalo hindi mapakali ag mukha nito.

"Kayo ang pumatay sa kanya?!"nanginginig na boses nito.

Nginisihan ko lang ito.

Tinalikuran ko na ang mga ito at sinenyasan ang mga pulis na isakay sa patrol car ang mga ito.

Pero ang bilis ng pangyayari biglang inagaw ni Don Alfredo ang baril ng isang pulis at babarilin Niya sana ako pero naunahan ko ito.

"Daddy!!!"-sigaw agad ni Lance dito.

"Ann!"-agad lumapit si Bea at Jenny sa akin.

"Its okay,kaysa naman ikaw ang mamamatay"-saad ni Bea.

I think hindi ko naman napuruhan si Don Alfredo,nagulat lang talaga ako.

"Lance?"-tawag ko dito.

"Stay away!"-sigaw na nito na medyo nasaktan ako.

"I'm so sorry Lance ,its a self Defense .Babarilin ako ng Daddy mo"-pagpapaliwanag ko dito.

Isinakay na sa Ambulance si Don Alfredo.Bago kami sumugod sinisiguro namin na may medical assistant kami kasama.

Napapikit ako.

"Lance, please"-

"Lumayo ka sa akin habang nagtitimpi pa ako!-

Napayuko lang ako Dito.Umalis ito kasama si Melanie,sumakay ito sa kotse at sinundan ang Ambulance.

"Ann,tara na "-yaya ni Bea.

Malungkot akong tumango dito.

Pero bago ako sumunod kay Ann,pinuntahan ko muna si aling Rhea at Nery na Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari.

Yumuko ako dito.

"Ann ,hija?"-saad ni aling Rhea.

Lumuluhang tumingin ako dito.

"Im so sorry,alam ko po nagulat kayo pero si Don Alfredo ay sangkot sa mga illegal na gawain,ang likod ng Mansion ay doon nakatanim ang Marijuana"-pagpapaliwanag ko dito.

"Naintindihan namin Ann,nakakagulat lang na isa ka pa lang alagad ng batas"-namamanghang sabi ni Nery.

"Naintindihan namin hija"-sabi ni aling Rhea na pinunasan pa ang luha ko.

"Huwag ka mag alala Ann,maintindihan din iyon ni Senyorito"-segunda naman ni Nery.

Nagpasalamat ako sa kanila dahil kahit paano hindi sila galit.Nag paalam na ako dahil mag rereport pa kami sa presinto at susundan ko si Lance sa hospital.



The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon