Chapter 8

5.9K 167 0
                                    

Maaga ako nagising at dahil na rin ang ingay sa labas.May tilaok ng manok,tahol ng aso at kung anu ano pa na tunog ng mga hayop.

May maliit na Cr sa aking silid,naghilamos muna ako at nag toothbrush bago lumabas.

"Good morning po"nakangiti na bati ko.

"Oh,Hija halika kana ,kumain ka na at ako naman ay aalis na rin,pupunta ako sa Mansion dahil may bisita sila Don Alfredo mamayang gabi"saad ni Nanay .

"Sasabay na rin ako sa iyo Lory,tutulong na rin ako"sabi ni Tatay jun.

"Puwedi po ba sumama"tanong ko sa kanila.

"Huh,eh dito ka na lang Hija ,hindi ka puwedi magtrabaho.Naku pag nalaman ni Senador na nagtatrabho ka-"pinutol ko na agad ang sinabi ni Nanay Lory

"Nay,hindi naman niya malalaman iyon at gusto ko po tulungan kayo ni Tatay,sige na po"nakangiti na saad ko.

"Oh siya ,batang ito,kumain kana at aalis na tayo"nakangiti rin na sabi ni Nanay.

Pagkatapos kong kumain ,gumayak na agad ako.Isang pantalon na kupas at T-shirt na puti na medyo maluwag ang suot ko at brown na boots.

Naglakad na kami papunta sa Hacienda ,kung tutuusin mas malaki pa ang Hacienda ni kuya Ross.Karatig lang ang Hacienda ni kuya Ross at ni Ulysses na asawa ni Cassy.Na miss ko na tuloy ang mga kaibigan ko.

Maganda din ang Mansion pero may kalumaan na ito,at marami rin na pananim.Napapikit ako sa hampas ng hangin sa mukha ko.Sobrang sarap ng pakiramdam kapag malayo ka sa magulo at maingay tulad ng Manila.Sobrang fresh ng hangin at pati na rin mga gulay at prutas.

Pumasok kami sa loob ng Mansion pero sa likod kami dumaan ni Nanay Lory.Maraming mga kasambahay ang nadatnan namin sa kusina , lahat sila naka uniform.

"Aling Lory,sino siya?"tanong ng babaeng parang kaedad ko lang.Ngumiti ako sa kanilang lahat.

"Ah,pamangkin ko pala si Ann"pagpakilala ni Nanay sa kanila.

"Ang ganda mo sobra,ako pala si Nery"sabi nito sabay lahad ng kamay.

"Ann"tipid na sabi ko at sabay nakipag hand shake sa kanya.

Ipinakilala rin ako ni Nanay sa ibang mga katulong.Mababait talaga sila at napaka humble,hindi ako mahirapan na makipag salamuha sa kanila.

Tumulong ako sa pag gayat ng mga gulay at ibang gagamitin sa potahe.Noong una ayaw pa ni Nanay pero mapilit talaga ako.

"Alam mo Ann,parang anak mayaman ka,ang ganda ng kamay mo at sobrang kinis mo pa"namamangha na sabi ni Nery sa akin.

Ngumiti na lang ako.Si Nanay Lory na ang sumagot dito.

"Ganito kasi iyon,ang asawa ng kapatid ko ay American kaya iyon maganda din si Ann"nakangiti na sabi ni Nanay

"Ay ,kaya pala"sabi ng isang medyo may edad na babae.

"Dadating pala ang mga anak ni Don Alfredo mamaya"sabi ni Nery na nag sasalin ng mga gulay sa isang palanggana.

"Ay,uuwi pala sila,ang tagal din nila hindi umuuwi dito lalo na si Senyorito Lance"sabi ni Aling Rhea.

"Naku,Aling Rhea bet ko talaga si Senyorito Lance,sobrang gwapo pero napaka suplado naman"sabi ni Nery na mukhang sobrang excited .

"Bilis bilisan na natin dahil mamayang ala una dapat ready na ito lahat dahil mag sisimula na ang Party"pa sermon na sabi ni Nanay,mayordoma pala si Nanay dito.

Halos wala Naman ako ginawa kasi ayaw ni Nanay Lory na gumawa ako.
Sumilip ako sa Sala ,maganda pala ang loob dito at napaka laki sobra ng bahay.Marami ng tao sa labas ,may nakalagay na mga catering sa bakuran.

Tumulong din ako sa pag hakot ng mga pagkain papunta sa bakuran na kung saan nandoon ang mahabang mesa nakalatag.

Sobrang pagmamadali ko,may nakabunggo ako.Umangat ang ulo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Gosh! sobrang gwapo!kulay Abo ang mga mata nito,ang kinis ng mukha at sobrang tangos ng ilong.Well gwapo rin ang mga kuya,I mean sobrang gwapo rin at si Ulysses na asawa ni Cassy napaka gwapo.Basta kanya na lang para sa akin ,ito ang pinaka gwapo.

"Are you finished?"tanong nito na ikinatigil ko sa pag titig ko sa kanya.

"Sorry"sabi ko dito at dali daling umalis .

Wait....nakita ko isa sa mga bisita ni Don Alfredo sa Sala.Fuck!si Roland Fajardo!?Siya iyong Kasabwat ni Mr.Chen sa mga illigal na Transaction dahil sa kakulangan ng ebidinsiya hindi ito nakulong.

Small world!napangisi ako.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon