Chapter 24

5.5K 161 2
                                    

Naalimpungatan ako dahil sobrang ingay sa labas,agang aga nakipag tsismisan na naman ang mga kapit bahay.

"Ann!Ann!"Rinig kong tawag ni Nanay Lory.

Bigla akong napabangon.

Binuksan ko ang pinto at niluwa si Nanay na takot na takot ito.

"Ann anak,may mga pulis sa labas ng bahay kasa kasama sila Don Alfredo at Sir Roland Fajardo"-pahayag ni Nanay na sobrang nag alala ito.

"Bakit daw po?"-tamad na tanong ko.

"Binantaan mo daw na sunogin ang Mansion at Hacienda sabi ni Don Alfredo"-

"Sige po lalabas na ako,magbibihis lang po ako"-

Naghilamos muna ako at Nagbihis bago lumabas.

"Ayan siya, hulihin niyo siya dahil sa pagbabanta na sunogin ang Hacienda!"bungad agad sa akin ni Don Alfredo pagkalabas ko.

"Sergeant Peñas di ba ang kaso niyan Grave Threat?"segunda naman ni Fajardo.

Pero si Sergeant nakatulala lang ito sa akin na ikinangisi ko.

"Sergeant ano na hulihin na ninyo yan!"maotoridad na utos ni Don Alfredo.

"Don Alfredo ano kasi ,hindi ko puwedi hulihin si Captain Wal-"hindi ko na pinatapos magsalita si Sergeant at tiningnan ko ito na nagbabantang tingin.

"Sergeant,sige hulihin niyo na po ako"-nakangiti na sabi ko.

"Pero-"na nalilito si Sergeant Peñas.

"Ann anak,hindi ka puwedi makulong "-umiiyak na sabi ni Nanay.

Lumapit ako kay Nanay at sabay bulong.

"Don't worry Nay,hindi ako makukulong dahil tauhan ko si Sergeant"sabay kindat ko kay nanay na nalilito ito at nag sign ako na huwag maingay.

Humarap ako kay Sergeant Peñas.

"Let's go sir,Ay! wait lang Don Alfredo pakisabi Kay Lance na piyansahan niya ako"-sabi ko dito na lalo pa nagalit sa akin.

Kasalukuyan nasa Patrol Car na ako nakaupo.

"Captain Walton pasensiya na , Hindi naman namin alam na ikaw ang pinapautos sa amin ni Hepe na wala ring alam na ikaw pala ang pinapahuli ni Don Alfredo"-ani ni Sergeant.

"It's okay, dahil may kailangan din kami pag usapan ni Hepe"-saad ko dito at tinawagan ko sila Bea na pupunta sa presinto.

Pagkadating namin sa presinto Nagulat si Hepe ng makita niya ako.

"Walton"?-ani ni Hepe.

"Sir si Captain Walton pala ang pinapahuli ni Don Alfredo"-ani ni Sergeant.

Napailing si Hepe na ikinatawa ko.

Maya maya lang dumating na sila Bea at Jenny .

"Lieutenant Santillan and Lieutenant Rivas,bakit nandito kayo?-tanong agad ni Hepe.

Niyaya namin si Hepe sa private room .

"Hepe,gusto namin mag full force sa department ninyo"-saad agad ni Jenny.

"May malapad na pataniman ng Marijuana sa likod ng Mansion ni Don Alfredo at kasabwat si Roland Fajardo"-ani ni Bea.

"Matagal ko nang gusto pasukin at hulihin sila pero laging wala kaming evidence"-saad ni Hepe.

"So we need the help of your Team Hepe"-saad ko dito.

"Matagal ng gustong hulihin ni General Cruz si Fajardo at sa amin niya binigay ang misyon"-ani ni Bea at agad nito pinakita ang mga litrato na kinuhanan namin noong nakaraang gabi.

"Okay,walang problema sa akin.Sabihin ninyo kung kailan para ipaghanda ko ang departamento ko"-saad ni Hepe.

Lumabas na kami sa office ni Hepe nagulat ako na makita ko si Lance na nagmamadali na pumasok ito.

"Ann!?-tawag niya sa akin at sabay niyakap ako.

"Oh my God,Im so sorry baby"-panay himas ng mukha ko na ngumingisi naman ang dalawang kasama ko.

"Sinabi sa akin ni Nanay Lory na pinakulong ka ni Daddy"-saad nito na nag alala pa.

"Im okay, dumating ang dalawang kaibigan ko sila tumutulong para makalabas ako"-saad ko na ikinangibit ko pa.

I'm so sorry Lance, Siguro wala ka talagang alam sa mga illigal na ginagawa ng Daddy mo.Pero kailangan namin siya hulihin ,sana maintindihan mo ako kung sakali man.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon