Chapter 12

5.8K 188 2
                                    

Maaga akong gumising para tulungan ko si Nanay Lory na magpakain ng manok at baboy.Si Tatay Jun naman umalis ito dahil tag ani daw ng maisan sa Hacienda.Nag sabi din si Nanay Lory na pupunta din siya sa Hacienda.

"Samahan ko po kayo,Nay"saad ko dito.

Gumayak na ako,Nag suot lang ako ng short at T-shirt saka pinarisan ko ito ng rubber shoes.Dumaan lang kami saglit sa Mansion at pumunta na kami sa Maisan.

Maraming mga kalalakihan ang tumutulong sa pag aani ng Mais at meron din mani na hinuhukay nila ito.Nakita ko si Lance at kasama nito si Melanie.Napatingin ang mga kalalakihan sa amin ni Nanay Lory, parang natulala pa sila.

Narinig ko na sumigaw si Nery.Tinatawag niya ako,nandoon sila sa maliit na kubo.

"Ann,buti sumama ka kay Aling Nery"masayang sabi ni Nery .

Ngumiti lang ako dito.Nakatingin si Lance sa akin,pasimple ko itong kinindatan na ikinagulat nito.Napapatawa lang ako sa isip ko.

Tinawag na nila Nery ang mga kalalakihan na mag meryenda.

"Aling Lory,Mang Jun,puwedi ba ho ligawan ang pamangkin niyo"biro ng isang binata na kaedad ko rin yata.

"Ay!naku Nestor tumigil ka,Hindi puwedi ligawan yan"sermon ni Nanay Lory.

"Ahm,excuse me ,Ann right?"maarteng tanong ni Melanie sa akin.

"Oo"..tipid na sagot ko dito.

"I know galing ka sa Manila,pero bakit nandito ka?You don't have work?"sabi nito na ikinakairita ko.

"Isa akong dakilang tambay"nakangiti kong sagot dito.Narinig ko na umubo bigla si Lance ,ang ibang kasama naman namin ay natatawa.

"Ewwww,ang cheap mo pala,kapal din ng mukha mo na naging boyfriend mo ang boyfriend ko"sabi nito na medyo galit sa akin.

"Ahh...Ex ko na pala yan si Lance break na kami"Lalo ko siyang inasar na ikinabigla ng mga kasamahan namin.

"Hala!mag ex kayo ni Senyorito ,Ann?"malakas na sabi ni Nery.

Nakangiti lang ako sa kanila.Nakita ko umigting ang panga ni Senyorito Lance.Si Melanie naman, namumula sa galit.

"Alam mo Ann ,hindi pumapatol si Lance sa mga hampas lupa na katulad mo na hindi ka level namin"pang insultong sabi nito.

Napataas lang ang kilay ko dito.Baka isampal ko sa kanya ang bilyones ko.

"Ah, Senyorita Melanie paumanhin po,nagbibiro lang ang pamangkin ko"saad dito ni Nanay Lory.

Maya maya lang may mga Dumating na unipormadong kalalakihan ,kasama nila ito si Don Alfredo, at Si Roland Fajardo?

Masama ang kutob ko dito,sabi ni Bea hindi naman daw kami kilala ni Fajardo dahil patay na si Mr.Chen.

"Mang Jun".. tawag ni Don Alfredo kay tatay jun.

"Don Alfredo".yumuko si Tatay jun dito.

"Nandito pala ang kumpare ko na balak bilhin ang karatig na lupain mo"Seryosong sabi ni Don Alfredo.

Tahimik lahat ang nasa paligid namin.

"Dad, please its not the right place para pag-usapan iyan at saka marami namang lupain puwedi bilhin bakit pinipilit niyo ang kay Mang Jun"May pagkairita na boses ni Lance.

"Lance Hijo ,para ito sa inyo ni Melanie,of course nag iisang Unica Hija ko iyan"sabi naman ni Fajardo.

So,anak niya pala si Melanie.

Hindi ako nakatiis at sumingit ako dito.

"Sandali po,kapag ayaw ni Tatay Jun k
ibinta ,huwag niyo naman pilitin"...Diin na sabi ko dito.

"At sino ka naman!?"tanong ni Fajardo.

Nginisihan ko ito.

"Pamangkin niya po ako at handang ipaglaban ang Tatay Jun ko kung sakali pilitin niyo siya na ibigay ang kanyang lupain"..tiningnan ko ito ng hindi kumukurap.

Tumawa ng malakas si Fajardo.

"Hija,hindi mo ba ako kilala?"maotoridad na tanong niya.

Nilapitan ko ito.

"Kilala kita,ako kilala mo ba?"ngising tanong ko .

"Don Alfredo, Roland Fajardo...ito lang masasabi ko ...Ayaw namin ibigay ang lupain ..at huwag niyo rin idaan sa dahas para lang makuha niyo ang lupa ni Nanay at Tatay"...

"Nay,Tay uwi na ho tayo,at isa pa pala simula ngayon hindi na ninyo tauhan si Tatay Jun at Nanay Lory"sabi ko dito at hinila na ang dalawang matanda.Nakita ko na nakakanganga ang mga kasamahan namin at pati na rin si Lance.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon