Chapter 7

583 21 44
                                    

A/N: Sorry kung medyo maikli yung last chapter ko ha? Ngayon bawi ako. Sana magustuhan niyo.

Nga pala Happy Birthday sa'yo! Oo! Ikaw nga! Kavisa mikpot! Love ka namin ni Shairaluane. Biruin mo dito tayo naging friendship at bumuo ng gang...hahaha...anyway, Heypi Bertdey! Bless you!

~~~~~~~~~~~~~~~

Sa pagpapatuloy ng ating istorya

"Waahhh! Nakakahiya ka talaga Ryle! Si Sir Vice pa talaga ang nakasalo sayo! Pero infairness kay Sir Vice mas lalo siyang gwapo pag ganito at mabango pa! Fairy Godmother! Thank you sa panghimagas na kung sa kagwapuhan ay wagas! Boom! Ay teka! Kailangan ko ng bumaba!
Baka di na ako makapagpigil eh!",sabi ni Ryle na naputol ang pagmumuni-muni dahil baka nahihirapan na si PC nya.

Nagtangkang bumaba si Ryle kaya naglililikot ito habang karga-karga siya ni Vice. Hindi na kasi makontrol ang sobrang pamumula ng mukha niya sa sobrang kilig sa sitwasyon nila.

"Wag kang malikot! Ano bang ginagawa mo? Wooah! Woooaaahh!...",sabi ni Vice at nawalan sila ng balanse kaya natumba sila sa sahig.

Blaaaaaggg!

Pumailalim si Vice habang si Ryle naman ang nasa ibabaw. Pakiramdam nila ay tila nasu-suffocate sila. Yun pala ay dahil parehong swak na naglapat ang mga labi nila.

Nanlaki mata nilang pareho. Agad na umalis sa pagkakapatong si Ryle kay Vice nang may marinig itong yabag na papalapit sa kanila. Agad tumayo silang pareho at kuwari abalang naghahanap ng libro upang hindi sila mapaglitan sa librarian na noo'y nag-iiikot. Nang makaalis na ang librarian sa tapat nila. Agad hinawakan ni Ryle ang labi nito. May sugat pala ito dahil sa biglaang paglapat ng labi nila ni Vice. Pero bukod pa dun ay ang pamumula ng pisngi niya dahil sa nangyari. Agad naman lumapit si Vice sa kanya upang tignan ang lagay niya dahil alam nitong may sugat din siya sa labi na tulad niya.

"Ayos ka lang ba? Patingin ako?",sabi ni Vice at agad hinawakan ang baba ni Ryle at tiningala sa kanya upang makita ang labi nito.

"Ang likot mo kasi eh! Nasaktan ka tuloy! Dalian mo dyan nang magamot natin labi mo. Masakit ba? Teka, punasan natin para tumigil sa pagdugo.",anito kay Ryle. Ngunit dahil sa pag-aalala sa kanya ay hindi na nito napansin ang todong pamumula ng mukha ni Ryle.

"A-ah...a-ah...a-ah...",angal ni Ryle habang dinadampian ni Vice ng kanyang panyo ang labi niya.

"Wag ka ng magulo para hindi lalong dumugo.",sabi ni Vice sa kanya habang seryoso na pinupunasan ang labi niya.

"Sir kayo din naman po may sugat eh. Okay na po ako. Baka may makakita pa po sa atin at lalo tayong mapagalitan. Tama na po. Yung sugat niyo na lang po ang punasan niyo.",sagot ni Ryle habang pilit na binabawi ang kanyang mukha kay Vice.

"Ang kulit mo talaga! Bahala kana nga! Ikaw na nga itong inaasikaso! Aish!",inis na sabi ni Vice sabay umalis at iniwan si Ryle na napatulala sa ginawa niya.

"Woooohh! Muntik ko ng di mapigilan sarili ko dun ah! Naglapat nga labi namin pero putok naman ang nguso namin. Pero parang naramdaman ko pa rin ng lambot ng labi niya. Damn! She is so cute and innocent. It is how attracted she is without her noticing her cuteness. No! I need to control myself. Wooohh!",bulong ni Vice sa sarili habang naglalakad palabas at hawak ang kanyang labi.

Maya-maya pa ay lumabas na si Ryle dahil tapos na ang kanyang trabaho. Nasa labas naman naghihintay sa kanya si Vice. Nang mapansin siya ni Ryle ay tila nabuhusan naman ito ng mainit na tubig sa mukha dahil sa pamumula nito at gustong magtago para di makita ni Vice. Napansin ito ni Vice kaya siya na mismo ang lumapit sa dalaga.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon