President calling...
Napabuntong hininga na lang si Vice. Saka tumingin kay Ryle. Tumingin ulit siya kay Kuya Regan saka tumango. Sinagot ni Kuya Regan ang tawag na iyon. Tumingin siya ulit kay Ryle.
"Where did you say you're going? Magtatagal ka ba doon?",tanong nito habang papalapit siya kay Ryle. Si Ryle naman ay di makatingin sa kanya habang paurong kay Vice.
"A-ahm...s-sa m-may library po!",utal na sagot ni Ryle habang namumula ang mukha.
"Tss. Relax Ms. Sanchez. I'm just asking. You're turning red again.",sabi nito na natatawa saka ito tumalikod. Kumunot ang noo ni Ryle dahil sa inasal ni Vice.
"Di ko talaga maintindihan itong damuhong ito. Minsan pormal, minsan sweet at ngayon mapang-asar? Bipolar na Prince Charming? Haay naku!",sabi ni Ryle at napapataas ng kilay sa inis. Tumalikod na ito at maglalakad na sana ito paalis ng bigla ulit magsalita si Vice.
"Wait me in the library. I'll pick you up after an hour. Thanks for the lunch!",sabi nito kay Ryle saka umalis na papunta kay Kuya Regan.
"Ano daw? Susunduin niya ako? Hinga teh! Hinga! Wag masyadong umasa baka mahopia! Hmp! Makapunta na nga sa work!",sabi naman ni Ryle saka kinikilig na naglakad.
TAGAPAGSALAYSAY
Samantala, nang makalapit na si Vice kay Kuya Regan ay kausap na niya ang tumawag sa cellphone niya. Kaya nang makita siya nito ay agad niyang binigay sa kanya ang cellphone.
"Yes Sir. I will Sir. By the way, he is here now Sir.",sagot ni Kuya Regan sa cellphone. Kinuha niya ito at kumalma muna bago nagsalita.
"Yes? Dad?",malamig na sabi nito. Ang kausap niya sa cellphone ay ang kanyang ama at Presidente na si Mr. Josefino Viceral.
"Where are you? You didn't informed me about your decisions again, Vice! How long will you act like this, huh? Like a brat! Like a kid! You're not getting younger Jose Marie! Act like a man will you! Kung hindi pa kita pina-track sa mga tao natin. Hindi ko malalaman kung nasaan ka. Can you fixed that up and go home! For your Mother's sake!",sabi ng kanyang Daddy. Napabuntong hininga si Vice sa sinabi ng kanyang ama.
"Will you stop mentioning Mom here, Dad? She's nothing to do with this. She's already gone! And you know the reason why I don't want to go home. Just do whatever you want but I'm not going home, Dad. Talk to you next time. Bye.",sabi nito saka binaba ang tawag. Napahigpit ng hawak si Vice. Galit siya sa ama niya. Napabuntong hininga ito. Tinapik siya sa balikat ni Kuya Regan.
"Hanggang kailan ka magagalit sa Daddy mo? Alam mong ayaw kong nakikita kang nasasaktan.",sabi ni Kuya Regan dahil tumayo na itong ikalawang ama sa kanya.
"Hangga't di nya po inaamin ang mali niya sa pagkamatay ni Mommy. Hindi kami magiging okay.",sabi nito habang nakayuko.
"Hindi ka ba nahihirapan? Simula pagkabata galit kana sa ama mo. Magkakapamilya ka din at alam kong maiintindihan mo din ang lahat.",sabi ni Kuya Regan. Tumingin lang ito sa malayo na tila hindi narinig si Kuya Regan at iniba ang usapan.
"Wala po ba kayong mahanap na katulad nung bike niya? Saan niya kaya binili yun? Nabusog po ba kayo? Masarap yung pagkain po di ba?",sunud-sunod na tanong ni Vice habang ngumingiti.
"Masarap yung luto ng Nanay niya. Tingin ko iba epekto niya sayo. Ngayon ka lang ulit napapangiti ng ganyan. Sana magtuluy-tuloy ang mga ngiting yan.",sabi nito habang tinatapik ang balikat ni Vice.
"Tss. Alis muna po ako.",sabi nito kay Kuya Regan. Tumango naman ito.
TAGAPAGSALAYSAY
Naglakad papuntang library si Vice. Pagpasok niya doon ay pinagtitinginan siya ng mga iba pang estudyante. Hindi niya pinansin ang mga ito bagkus ay palinga-linga itong hinahanap si Ryle. Hindi niya makita sa counter si Ryle kaya naiisipan niya itong libutin ang buong library para makita siya. Samantala, abala naman sa pag-aayos si Ryle at paghahanap ng mga libro.
"Nakakainis! Hindi ko siya maintindihan. May pagka-topak ang PC(PrinceCharming) ko ha? Pero okay lang! Pogi pa din siya. Bakit nag-iba kaya mood niya nung may tumawag sa kanya? Nawawala tuloy kapogihan niya. Haaay...makapagtrabaho na nga. Asan na nga ba yun?",sabi nito sa sarili habang nakatungtong sa hagdan at naghahanap ng mga for reservation na libro.
"Ay! Ayun! Andito lang pala! Iiiyyyaaaahh! Konting abot na lang. Iiiiyyaaahhhh! Woah woah woah aaaayyy!",sigaw ni Ryle at na-out of balance ito at nahulog sa hagdanan dahil sa pagpilit na abutin ang isang libro.
Nakapikit ito at hinihintay ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig. Pero naramdaman niyang hindi siya bumagsak at bagkus may parang dalawang braso ang nakasalo sa kanya. Sa kanyang pagtataka ay unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata.
"Sino kaya itong taong ito? Nakakahiya naman sa kanya. Kasi naman eh. Katangahan ko ba naman! Ididilat ko ba ang mga mata ko? Malamang di ba! Sige sige sige...isa...dalawa...tatlo...go!",sabi ni Ryle sa sarili at dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya at namula kaagad ang mukha niya. Dahil ang sumalo sa kanya ay si....
"S-si...s-sir...V-vice!",nauutal na sabi nito. Dahil sa sobrang hiya niya ay nagmamadali siyang makababa sa pagkakabuhat sa kanya ni Vice. Pero wrong move ito dahil imbes na makababa ay...
"Wag kang malikot! Ano bang ginagawa mo? Woah wooaahh!",sabi ni Vice at pareho silang natumba at swak na naglapat ang mga LABI NILA.
....woooaaahhh! First kiss!
Please vote and leave a comment....thank you sa almost 500 na reads ko at 20 plus na boto...love you guys!
...next
BINABASA MO ANG
A Princess Love Story - Vicerylle Story
Storie d'amoreKaramihan sa mga babae, mapabata, teenager, single, may asawa, matandang dalaga(kasi nga pwede pang mangarap) at maging biyuda na ay pinagdaanan ito. ANG MAGING PRINSESA NG KANILANG "PRINCE CHARMING". Sabi ng marami, pag nangarap ka ng ganito ay isa...