Chapter 8

496 18 2
                                    

"Let her go!",galit na utos nito.

Tinignan nilang lahat kung kanino nanggaling ang boses na pumipigil sa kanila. Ito ay walang iba kundi si Vice. Kitang-kita sa kanyang mukha ang galit. Walang anu-ano'y nagsalita ang matabang babae.

"Who are you? Kasabwat mo ba ito? Siguro magnanakaw kayo noh? Sige, get him too!",utos ng babae.

Lalapit na sana ang iba pa niyang bodyguard ng humarang si Kuya Regan. At biglang kinuha ang silbato nito at pumito. Nagulat ang lahat ng may mga nagsilabasang mga madaming bodyguard sa paligid.

"What?! All this time! Bantay sarado pala kami ng palihim? Gosh! I can't believe this!",sabi ni Ryle sa sarili.

"Ano to ha? Siguro sindikato talaga kayo noh! Sige! Higpitan ang hawak sa kanya at dalhin sa pulis yan!",utos pa ng matabang babae.

"Tss. You really don't know me, do you? Kung umasta ka kala mo kaya mong bilhin at utusan lahat. If you do that, tingin ko ikaw lang ang mapapahiya pati negosyo ng mga magulang mo. Lahat ng meron ka ngayon mawawala. Sa akin walang mawawala. Lalo na sa hawak niyong babae. So, you choose. Your luxurious life? Or you want me to turn you back and your family in your old life? Ms. Janet Napoleon?",pagbabanta ni Vice.

"S-sino ka talaga ha? B-bakit mo ako kilala?",tanong nito na tila nabigla sa kanya.

"Siya si Jose Marie Viceral po.",biglang sagot ni Ryle.

Nanlaki bigla ang mga mata ng matabang babae. Tila naubusan siya ng dugo sa mukha dahil namutla at nagmantika ito(ay este! Nagpawis pala...hehehe).

"Bitawan nyo siya! Dali!",mabilis na utos nito.

Binitawan nga si Ryle pero binalibag naman ito at muntik nang sumubsob. Mabuti na lang at mabilis siyang nasalo ni Vice.

"Aiish! Careful! Mga wala ba kayong respeto sa babae ha?",inis na sabi ni Vice sa mga bodyguard ni Janet.

"Sorry po Mr. Viceral? H-hindi ko po kayo nakilala. O-okay na po yun. D-damit lang naman po ito. M-mapapalitan naman po ito. Sana kalimutan na lang po natin ang nangyari?",pakiusap ni Janet.

"No. I will pay all the damages made. Ayokong balikan nyo siya at singilin ulit. Baka sabihin mo naman na hindi kami marunong humingi ng dispensa sa mga customers namin dito sa mall namin. Kaya sabihin mo kung magkano lahat para sa danyos perwisyo. So, tell me. How much?",sabi ni Vice at sumenyas siya para iabot sa kanya ang checkbook at pen.

"N-na... N-naku po! W-wag na po. Okay na po.",pagpipilit nito.

Walang anu-ano ay inabutan ng checkbook at pen si Vice ni Kuya Regan at pinirmahan. Itinabi niya si Ryle kay Kuya Regan bago siya naglakad palapit kay Janet Napoleon upang iabot ang tseke.

"Here. This is 250 thousand pesos. Don't worry. Hindi tatalbog yan. Take it or leave it. Siguro naman pwede na yan kapalit ng damit mo at insulto dito sa harap ng mall namin?",sabi nito habang inaabot ang tseke.

Walang nagawa si Janet kundi kunin ng tseke at umalis kasama ng mga tao niya. Kita sa mukha ni Ryle ang takot kay Vice dahil ibang-iba ito pag nagalit. Sobrang seryoso at walang bakas ng ngiti sa mukha. Dahil nakayuko ito ay hindi niya napansin na nasa harapan na pala niya si Vice.

"Ay gwapo!",sambit nito nang tumingala ito at nagulat.

"Tss. I know right. Let me see your arms.",sabi nito at kinuha ang braso ni Ryle pero agad niyang binawi.

"O-okay lang po ako. B-baka po madumihan yung kamay nyo dahil basa po at malagkit ako. A-ayos lang po ako.",sagot niya dahil nanginginig sa takot sa kanya.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon