Chapter 12

486 16 5
                                    

A/N: Inspired ako ngayon dahil sa bati ni Fader Pogi! Trending ngayon ang #Happy38thMonthsaryVicerylle! Salamat na din sa matiyagang naghihintay ng update ko na sina mikpot , rhenar at Wenggay388 na kahit madaling araw ay binabasa pa rin ang story ko. Thank you guys! Dahil sa request nyo? Eto na yun! Pakikalat sana ang mga stories ko guys! Thank you so much! Mabuhay tayo ulit sa kilig mga Vicerylle Babies! #CertifiedVicerylleBaby

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa pagpapatuloy ng istorya...

Okay na sana ang pagpapakilala ni Vice sa kanyang ina. Ngunit, tila hihimatayin ata siya sa sumunod niyang narinig na sinabi ng binata. Ano bang sinabi niya? Eto lang naman...

"Ako po ang FUTURE HUSBAND ng anak niyo.",sabi ni Vice.

Nagulat si Ryle sa sinabi ni Vice. Pati si Kuya Regan ay napatingin sa binata. Maging si Mang Nestor na may hawak na isang mangkok na sabaw ay nahulog niya ito. Si Ryle naman ay biglang namutla at tinignan si Vice. Si Aling Sonia ay napanganga lang naman sa kanya.

"A-ah... A-aray ko! Nanay ko po! Mainet! Aguy! Aguy! Aguy!",sabi ng napasong si Mang Nestor dahil sa natapon na sabaw.

Tila bumalik sa ulirat ang lahat dahil sa sigaw na yun ni Mang Nestor. Samantalang si Ryle naman ay hindi pa rin naaalis ang tingin kay Vice.

"A-ah... G-ganun ba iho? Aba'y pumasok at maupo ka muna ng mapagusapan natin yan. Isama muna rin yang kasama mo. Aba'y mawalang galang na? Ano bang pangalan niya?",tanong ni Aling Sonia.

"Regan po Maam. Kumusta po kayo? Pasensya na po kung naka-abala kami ng amo ko?",sagot ni Kuya Regan.

"Mabuti naman. Walang kaso iyon. Pasok kayo? Pasok lang. Maupo kayo dine. Nestor? Di ka pa ba tapos diyan? May bisita ang anak natin. Madali ka!",sabi ni Aling Sonia.

"Salamat po.",sagot ni Vice.

"Andyan na! Napaso na nga eh. Minamadali mo pa. Aguuuy!",sabi ni Mang Nestor.

"Ryle anak? Asikasuhin mo muna ang PYUTYOR HASBAN ba yun? Ah... Eh... Yung mapapangasawa mo! Sige na at nakakahiya naman.",sabi ni Aling Sonia.

"Nay naman? Hindi totoo yun! Wag kayong maniwala sa kanya.",sabi ni Ryle.

Lumapit siya sa mesa kung saan nakaupo sina Vice at Kuya Regan. Kahit na nahihiya at medyo naiinis ay kailangan niyang asikasuhin ang mga ito.

"Ano pong gusto niyong kainin Sir?",malamig na tanong nito.

Napatingin si Vice sa dalaga kung bakit naging ganun ang pakikitungo ng dalaga sa kanila. Imbes, na sumagot siya ay si Kuya Regan ang sumagot.

"Kung ano pong espesyal na meron kayo Maam Ryle. Salamat po.",sagot niya.

Umalis agad si Ryle. Pansin ni Vice ang biglang pagbabago ng mood ng dalaga. Kaya nagtataka ito kung bakit siya nagbago bigla.

"Kuya Regan? What's wrong with her? May mali ba akong nagawa? Did I say something wrong?",nagtatakang tanong ni Vice.

"Sir Vice seryoso po ba kayo sa sinabi niyong gusto niyo siyang mapangasawa?",tanong ni Kuya Regan.

"Kuya Regan you know me since I was a kid. May isa akong salita. Anong masama sa sinabi ko?",sagot niya.

"Yes Sir. I know. Pero hindi po kasi ito tungkol sa pinaghahawakan niyong salita. It's about the feelings. People get married because there is Love. Mahal niyo po ba ang isa't-isa? Mahal mo na ba siya?",tanong niya kay Vice.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon