"Talaga? Payag ka na?",excited na tanong ng biglang nagsalita.
Napalingon pareho sina Doña Esmeralda at Ryle sa taong sumabat sa kanilang pag-uusap. Walang iba lang naman yun kundi si Sir Vice. Palapit siya kina Ryle at Doña Esmeralda habang nakangiti.
"Nakakatunaw ang kanyang mga ngiti pero kailangan kong wag magpadala sa kanya. Hays! Kung bakit kasi ang pogi eh?!?",sabi ni Ryle sa kanyang sarili.
"Bakit ka namumula, iha? May masakit ba sa'yo? Okay ka lang ba?",nagtatakang tanong ng Doña.
Napakislot naman si Ryle dahil sa tanong nito sa kanya na napansin pala ang pamumula ng mukha niya.
"H-ho? O-okay lang po ako.",sabi ni Ryle sabay takip sa mukha niya nang may biglang pumigil sa kamay niya.
"Oops! Not so fast, Dear? Don't cover your face. You're very beautiful when your blushing.",sabi ni Vice na nakahawak sa kamay niya at kasabay nun ang biglang paghawak sa kanyang pisngi.
Lalong namula si Ryle sa ginawang iyon ni Vice. Hindi alam ni Ryle kung lilingon sa kabilang gilid o yuyuko dahil sa kaharap nila ang Doña.
"Hijo? Stop teasing her! You're making her blushes more! Stop it!",panunuway ng Doña.
Binitawan ni Vice ang mukha ni Ryle pero hindi ang kamay nito. Saka biglang tumayo at nagpaalam sa Doña.
"Granny? I'm sorry pero pwedeng kunin ko muna siya? We need to talk. Please?",pakiusap ni Vice.
"Okay. Sige, Apo. Ikaw nang bahala sa kanya ha? Ingat kayo. I'm sorry, Hija? Gusto ko pa sanang magkakwentuhan tayo pero my grandson really miss you. Take care, Hija? We'll meet again. Bye!",sabi ng Doña sabay halik sa pisngi niya at yakap.
"Hindi ko maintindihan pero ang gaan ng loob ko kay Doña Esmeralda. Siguro dahil hindi ako lumaking may Lola. Okay na sana eh! May asungot lang na gwapong gustong sumira ng moment! Hays! Pasalamat ka talaga at type kita! Hmmp!",sabi nito sa sarili.
Nagpaalam na ang dalawa kay Doña Esmeralda at saka sumakay ng magkatabi sa likod ng kotse. Tahimik lang ang dalawa at walang kibuan. Hanggang sa hindi nakatiis si Ryle upang tanungin kung saan sila pupunta.
"Ah Sir? Mawalang galang na po? Saan po ba tayo pupunta? Magtu-tutor pa po kasi ako eh.",tanong nito.
"You'll know it once we get there. Don't worry about your schedules for the today coz' we already fixed it. Okay?",sagot ni Vice.
"Aba! Loko talaga to! Wala na nga akong kita ngayong araw na ito eh! Sasabihin pang wag akong mag-alala? Grrrr!",sabi nito sa sarili.
Hindi na lamang kumibo si Ryle dahil alam niyang wala din lang siyang magagawa. Dahil hindi masyadong nakatulog si Ryle ay nakaidlip ito sa sasakyan. Makalipas ang 45-minutesna biyahe ay nakarating sila sa pinuntahan nila. Pero si Ryle ay may kakaibang habit talaga pag natutulog.
"Ang lambot naman ng teddy bear na ito? Kahit malamig dito sa loob eh parang naiitan ako sa teddy bear na ito.",imahinasyon ni Ryle.
"Alam kong may gusto ka sa akin pero hindi ata tama yung ginagawa mo. Saka na pag kasal na tayo. Nahihirapan na ako eh. B-baka a-ako a-ang d-di makapagpigil pag di ka pa tumigil.",sabi ni Vice.
"Si Vice. S-si... S-si... S-si V-vice!!!",sabi sa loob-loob ni Ryle at mabilis niyang idinilat ang mga mata niya.
Nakapatong si Ryle kay Vice. Bukod pa doon ay nakayap ito ng mahigpit sabay siksik ng mukha niya sa leeg ni Vice.
BINABASA MO ANG
A Princess Love Story - Vicerylle Story
Lãng mạnKaramihan sa mga babae, mapabata, teenager, single, may asawa, matandang dalaga(kasi nga pwede pang mangarap) at maging biyuda na ay pinagdaanan ito. ANG MAGING PRINSESA NG KANILANG "PRINCE CHARMING". Sabi ng marami, pag nangarap ka ng ganito ay isa...