Chapter 10

520 21 6
                                    

"Ryle?...",bulong nito.

"Lika Kuys! Pasok! Clowie! May bisita ka.",sabi ni Vhong sa kapatid na babae.

Claudine "Clowie" Navarro. Six years old. Youngest sibling of Vhong. Mahigit isang taon na niyang tutor si Ryle. Idol niya daw ito dahil bukod sa maganda ay matalino daw ito at mabait. Pero meron siyang isang taong pinakagusto. Walang iba kundi si Vice. Siya daw ang magiging future husband niya. Kaya pag lumaki na daw siya ay hahanapin niya si Vice at papakasalan niya ito. (Pagbigyan nyo na yung bata. Kayo naman eh! Bata naman eh!) Mabait, bibo at malambing si Clowie. Hindi ito lumaking brat at spoiled. Kuntento kung anong meron siya at mababa ang loob sa lahat ng tao. Pareho silang magkapatid na pinalaki ng mga magulang nila na maging maunawain sa kapwa at dapat mapagkumbaba.

"Future Husband! Kuya Vice! I miss you po!",sabi ni Clowie at mabilis na tumakbo kay Vice saka nagpakarga.

"I miss you too! My future wife! Kumusta ka? Nag-aaral ka bang mabuti?",sabi ni Vice niyakap niya din ito at kinarga saka kinurot sa pisngi.

"Opo! I'm always very good in school. Di ba Kuya Vhong?",pagyayabang ni Clowie.

"Oo na. Syempre magaling ang tutor mo. Di Ryleskie?",sabi ni Vhong sabay tingin kay Ryle.

"H-ha? E-eh... Di naman masyado. Matalino talaga si Clowie at masipag mag-aral.",sabi ng kinakabahan na si Ryle.

"See! I'm very good! Kasi, I don't want you to get mad at me. Baka hindi muna ako pakasalan eh.",sabi ng bibong si Clowie.

"Hahaha... I know you are! I'm proud that you're very good. Would you like me to introduce to your new tutor?",sabi ni Vice sabay tingin kay Ryle.

Tila nanlamig mula ulo hanggang paa si Ryle sa biglang sinabi ni Vice. Namutla ito bigla at kinabahan.

"Yeah! I forgot! I want you to meet my new sister! Meet Ate Ryle! She's my idol Kuya! Because she is very smart and beautiful too! Like me! Right Kuya Vhong?",sabi ni Clowie.

"Oo. Kuys! Si Ryle nga pala. Tutor ni Clowie. Ryleskie? Kababata ko si Vice.",pagpapakilala ni Vhong sa dalawa.

"Yeah. I know her. Di ba, Ryle?",sabi ni Vice habang tinitignan si Ryle na tila may hinihinging paliwanag.

"H-ha? A-ah... O-po. S-sir V-vice.",sagot ng kinakabahan na si Ryle.

"Uy Vice! Ano ka ba? Ba't mo ba tinatakot si Ryleskie? Kaw talaga! Ryleskie niloloko ka lang nyan. Sige na. Kumain na tayo. Gutom lang yan! Sige na Ryleskie. Kain ka lang dyan. Upo na Kuys! Clowie? You finish your food.",sabi ni Vhong.

Binaba ni Vice sa upuan niya si Clowie. Saka pinagpatuloy ang pagkain ng kanilang meryenda na hinanda para sa kanila. Tumabi si Vice malapit kay Ryle na hindi makapag-angat ng mukha.

"Ryleskie? Is that their way of calling each other? A sign of endearment or whatever? Baduy! Wait! Why am I having this kind of feeling anyway? Aish! It's really pissing me off!",sabi ni Vice sa isip-isip niya. Habang mataman pa din ang tingin niya kay Ryle.

"Psst! Uy! Matunaw naman si Ryle sa kakatingin mo ng ganyan. Ano bang problema?",sabi ni Vhong.

"Wala.",sabi nito at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Tumayo naman si Clowie at inayos ang kanyang damit saka lumapit kay Ryle.

"Ate Ryle? Tapos na po ako. Let's continue na po yung lessons natin? Para po matapos tayo agad at may time pa po kaming magbonding ni Kuya Vice.",sabi ni Clowie.

"H-ha? O sige. Tara na? Balik na tayo sa room mo.",sagot nito.

Tumayo na rin si Ryle at hinawakan niya ang kamay ni Clowie. Tinignan ulit siya ni Vice pero hindi pa din siya tinitignan nito. Kaya lalong nainis si Vice.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon