"Prince Charming? Prince Charming mo ako?",tanong ni Vice na nakatayo lang sa likuran niya.
Di niya alam kung lilingunin ba niya ito o tatakbo palayo. Maging mga paa niya ay nanigas dahil sa sobrang pagkabigla. Alam niyang namula na tila mansanas ang kanyang mukha. Buti na lang at sinalo siya agad ni Kuya Regan.
"Sir ang sabi niya, sana daw po ay makahanap siya ng isang parang Prince Charming na katulad niyo din po na parang prinsipe ang dating. Pero hindi naman po niya sinabing kayo. Di po ba? Ma'am Ryle?",sabi nito para magbalik sa sarili si Ryle na kanyang tinapik sa balikat.
Biglang napaigtad sa gulat si Ryle na halatang nanigas sa kinatatayuan. Inayos muna niya ang sarili bago humarap kay Vice.
"O-opo! T-tama po yung sinabi ni Kuya Regan! Tama. Yun nga yun. Hehehe...",sagot ni Ryle sabay lihis ng tingin at halata ang pamumula ng mukha nito.
"Tss. Alright! If that's what it is. So, be it! Okay! Let's go. Sa office tayo. Kuya Regan? Handa na po ba yung bilin ko?",sabi nito at nagpa-unang maglakad kasunod nito si Kuya Regan at huli si Ryle.
"Opo Sir. Handa nakahanda na po sa Showroom lahat. Tayo na lang po hinihintay.",sagot naman nito.
Agad silang tumungo sa elevator at pumasok doon. Pero si Ryle ay nahuhuli pa rin maglakad. Habang nasa elevator sina Kuya Regan at Vice na hinihintay si Ryle ay may sinabi itong ikinatawa ng dalawa.
"Kuya Regan? Hindi mo po bagay magsinungaling. Kaya wag muna pong uulitin.",sabi nito. Ikanabigla ni Kuya Regan at nagtinginan sila kaya nagtawanan ang dalawa.
"Hahaha... Halata ba? Hindi ako sanay eh. Pero alam mo nakakatuwa nga siya. Kahit papano napatawa ako ng batang yan.",sagot ni Kuya Regan saka nakatingin sa papalapit na si Ryle sa elevator.
Nagtaka naman si Ryle na papasok ng elevator kung bakit ganun makatingin ang dalawa sa kanya.
"Bakit ganito makatingin mga to? Pinag-uusapan ba nila ako? May nagawa na naman ba akong mali? Hays! Namumuro kana PC ha! Buti na lang mahal kita! Hmp!",sabi nito sa isip-isip niya habang umaangat ang elevator nila.
Nang makarating na sila sa floor na pupuntahan nila ay laking gulat nito na pala itong malaking opisina. Opisina lang naman nila Vice. Dito sila pumupunta. Exclusive na opisina lamang ng pamilya ni Vice. Ang pwede lang pumasok dito ay ang Papa niya, Lola niya at siya bukod pa dun ay wala na. Maliban na lang kung may pahintulot nila o kasama kang pumasok na tulad na lamang ngayon. Agad nagpunta si Vice sa isang mesa na may nakapatong na medical kit.
"Ryle? Upo ka dito.",utos nito sa dalaga.
Sumunod naman ito sa kanya. Umupo ito paharap kay Vice. Nakaharap ang makikinis nitong legs sa binata. Napansin niyang dalawang beses na gumalaw ang Adam's apple nito at naglihis ng tingin. Nilagyan ng betadine ang cotton buds saka lumapit pa lalo sa kanya. Kaya mas lalong namula ang mukha ng dalaga. Pero napaurong naman ito dahil sa paglapit niya. Napakunot ng noo si Vice.
"Can you move a bit closer? Paano ko magagamot yang sugat mo kung mas lalo kang lumalayo? Now. Move. Closer.",seryosong sabi nito.
Lumapit naman si Ryle habang naka-pout. Dahil sa hindi nito makaya ang lapit ng distansya nila ay yumuko ito upang hindi mahalata ang pamumula ng kanyang pisngi. Maya-maya pa ay dinampian na ng cotton buds na may gamot ang labi nito. Napangiwi naman siya sa hapdi ng gamot at sa sakit na din ng sugat niya. Matapos nun ay nilagyan siya ng maliit na band aid. Nang natapos ay tumayo na siya at nagsalita.
"T-thank you po Sir. Ako na pong manggagamot sa sugat niyo?",offer niya kay Vice dahil halatang hindi nito makita kung saan banda ang sugat niya. Isa pa siya may kasalanan kung bakit may sugat din ito tulad niya.
BINABASA MO ANG
A Princess Love Story - Vicerylle Story
RomanceKaramihan sa mga babae, mapabata, teenager, single, may asawa, matandang dalaga(kasi nga pwede pang mangarap) at maging biyuda na ay pinagdaanan ito. ANG MAGING PRINSESA NG KANILANG "PRINCE CHARMING". Sabi ng marami, pag nangarap ka ng ganito ay isa...