"Wow! Ganda naman dito! Ang laki ng bahay! Ang ganda ng damit ko! Punung-puno ng mga brilyantes! Ang tawag pa nila sa akin prinsesa! Oh? Sino yun? Matangkad? Maganda ang tindig? Maputi? Siya na kaya? Prince Charming! Andiyan na ako! Wait for me!",sabi ni Ryle nang biglang...
" Ryle! Ryle! Anak gising na! Mahuhuli ka na!",gising ni Aling Sonia kay Ryle na mahimbing ang tulog. Bumaliktad ito sa pagkakatulog dahil sa pagkabigla sa paggising sa kanya ng ina kaya napakamot siya ng ulo.
"Anak ng tokwa't baboy! Panaginip lang pala! Andun na eh! Andun na! Lilingon na lang si Prince Charming! Hay buhay nga naman!", sabi ni Ryle sa sarili.
TAGAPAGSALAYSAY
Siya si Ryle o Karylle Sanchez, 17-anyos na anak ng mag-asawang sina Mang Nestor Sanchez at Aling Sonia Sanchez. Hulog si Ryle sa mag-asawa dahil sa edad nilang 60 nang dumating sa kanila si Karylle. Kahit hindi sila nabiyayaan ng anak, itinuring nila itong totoong anak si Karylle kahit hindi nila alam ang tunay na mga magulang nito. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Karylle ang katotohanan na hindi siya totoong anak. Bagkus, lalo niyang minahal ang mga magulang niya dahil sa sobrang pagmamahal na binibigay sa kanya ng mga ito. Iskolar si Ryle sa kolehiyo at kumukuha ng Commerce : Major in Management and Banking and Finance. Dahil sa likas itong matalino at masipag sa pag-aaral. Bukod pa dito nagpa-part time job siya para hindi siya humihingi ng pera sa kanyang mga magulang pag may project siya. Mamihan na may tindahang gulay ang negosyo ng kanyang magulang. Tama lang ang kita para sa gastusin nila sa pang araw-araw.
...balik tayo kay Ryle...
Takbo agad si Ryle sa banyo para maligo. Pagkalipas ng sampung minuto lumabas agad ito at nagbihis. Suot ang floral blouse at jumper na light blue na may ternong blue flat shoes. One-side braided hair ay cute at simple lang ang style na type niya. Bitbit ang backpack ay takbo kaagad ito sa kanyang bike na may basket sa harapan.
"Anak! Kumain ka muna! Gugutumin ka! Hay kaw talaga! Halika muna! Dali!", utos ng ina nito. Tumakbo ito pabalik ng bahay.
"Sorry po Nay! Si Tatay po?", tanong nito habang kumakain ng pandesal na isinasawsaw sa kape at sabay higop.
"Inaayos lang yung truck sa labas. Oh anak! Itong baon mo ha? Para di ka magutom." bilin ng ina. Tumayo na agad si Ryle at inubos ang kape nito saka kinuha ang baon na bilin ng ina.
"Bye Nay! I love you! Ingat po kayo ni Tatay ha?", sabi nito at hinalikan ang ina sa pisngi at saka lumabas na din. Nilagay ang baon niya sa bike saka sumakay. Kumaway sa ina nito na nakatingin sa kanya. Hanggang napadaan ito sa isang truck.
"Tay! Alis na po ako! Wag kana pong sumilip! Mauntog ka!" sabi ni Ryle dahil tama ito. Nasa ilalim ng makina si Mang Nestor.
"Anak! Aalis ka na b.. Aray!", sabi nito dahil pinilit sinilip si Ryle pero nauntog ito.
" Opo! Sabi ko na po maumpog kayo eh! Bye Tay!",sabi ni Ryle habang palayo sa truck habang kumakaway sa ama. Habang kinakamot ni Mang Nestor ang noo.Pupunta ito sa kanyang unang raket. Sa sementeryo ng mga mayayaman. Araw-araw naglilinis sa isang malabahay na bato ngunit libingan ng mayaman pamilya si Ryle. Pinupunasan niya ang bawat dingding, sahig at maging ang mga puntod nito. Dinidiligan at inaalagaan ang mga halaman nanakatanim sa labas at loob nito. Bago ito umalis ay nagsisindi ito ng kandila o di kaya nama'y insenso bilang respeto sa kanila.
TAGAPAGSALAYSAY
Ang libingan ay pagmamay-ari ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Walang iba kundi ang angkan ng mga Viceral. Ilan sa pag-aari nila ay mga telephone companies, airlines, resorts, hotels and casinos, at marami pa. Pinarangalan bilang Asia's Dragon in Business World si Mr. Josefino Viceral, ang unico hijo ng yumaong Don Facundo Viceral at kanyang ina na si Doña Esmeralda Viceral. Gawa ang libingan sa purong marmol. May litrato ang dalawang nakalibing dito. Ang isa ang si Mr. Facundo Viceral at ang isa nama'y si Mrs. Hyacinth Marie Viceral ang namatay na asawa ni Mr. Josefino. Namatay ito dahil sa isang aksidente. Naiwan niya ang nag-iisang anak nilang lalaki na at tanging tagapagmana na si Jose Marie "Vice" Viceral.
...nakarating na si Ryle...
"Magandang morning po sa inyo Don Facundo at Señorita Marie! Na-miss niyo po ba ko? Hmmm..kayo naman! Andito na ako kaya wag ng sad! Okay? Oh siya! Umpisahan ko na!", masiglang sabi ni Ryle. Nakasanayan na kasi nitong kausapin sila para di siya nababagot. Makalipas ang isang oras ay natapos na ni Ryle ang trabaho niya kaya naman nagsindi na ito ng insenso.
"Ayan! Tapos na po ako! Bukas po ulit babalik ako ha? Kayo naman wala yun! Maliit na bagay eh!", sabi nito. Tinignan niya ang litrato ni Señorita Marie.
" Magkahawig po tayo? Si Señorita talaga! Di po kayo marunong magsinungaling! Ahihi... Tama na po ang bola niyo sa akin. Babalik ako ulit bukas. Wala man lang bang pasalamat dyan?",tanong nito sa dalawang litrato. Nang biglang may sumagot sa kanya.
"Salamat.", sagot ng boses na hindi niya alam kung kanino galing. Tumayo lahat ang balahibo ni Ryle at nanigas ito sa kanyang kinatatayuan na tila nagyeyelo ang buong paligid niya sa panlalamig.
" K-ka..k-kayo p-po b-ba yun? Wag naman po kayong magbiro ng ganyan?",sabi ni Ryle habang humahakbang ito patalikod at nakaharap sa mga puntod.
"Oo. Ako nga. Salamat.", tugon ulit ng boses sa kanya. Lalong napatigil si Ryle at nanginginig na ito sa takot.
"W-wag n-naman p-po kayong ganyan? B-biro lang po yun ha? A-alis na po ako.", sabi nito ng may biglang humarang na kung ano sa likuran nito.
"Aaaahhhh!!! Multo!!!",sigaw nito at napatalon sa takot si Ryle. Dahil sa panginginig ng tuhod niya ay nawalan ito ng balanse at napatumba.
" Aaaayyy!!!",sabi nito ng may sumalo sa kanya. Napapikit si Ryle dahil baka nakakatakot na multo ang makikita niya.
"Ayos ka lang ba? Dahan-dahan ka kasi.", sabi ng malamig na boses ng lalaki. Mabango at mainit ag hininga nito. Mabango din ang samyo ng kanyang pabango. Nang maisip niyang hindi ito multo kundi tao, idinilat ng dahan-dahan ni Ryle ang kanyang isang mata. Laking gulat nito sa kanyang nakita kaya dinilat niya ang kanyang mga mata.
" Fairy Godmother!!! Siya na ba ang PRINCE CHARMING ko? Ang gwapo! Ang puti, makinis ang balat, mabango at haaay...perfect siya na nga!",sabi ni Ryle na nakatitig sa binata na nakasalo sa kanya. Bumalik lang ang siya sa sarili ng magsalita ito.
"Baka pwede ka nang umayos ng tayo? Medyo nakakangalay ka eh.",sabi nito sa kanya.
"Aayy! Sorry po! Prince Charming ay ano! Sir po pala! Tama! Sir! Sorry po. Ahehehe", sabi ni Ryle habang inaayos ang damit niya at pati damit ng binata.
" Okay na. Okay na.",sabi ng binata ng pigilan ang kamay ni Ryle sa paghawak sa kanya.
"Sungit naman.", sabi ni Ryle sa sarili habang tinitignan niya ito. Naka blue shirt na may patong na checkerd red na short sleeves with hood jacket. White short pants and white rubber shoes.
" Haaaayy!!! Makalaglag matris naman itong Prince Charming ko. Ang gwaappooo!!!",sabi ni Ryle sa sarili habang tinititigan ang binata. Hindi nito namalayan na nakalapit na ito sa kanya at tinitignan din siya. Laking gulat nito ng ilapit niya ang mukha nito kay Ryle habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay.
"Dios mio! Hahalikan niya ako!", sabi nito at pumikit si Ryle habang inginunguso ang kanyang labi.
Please leave a comment or vote! Tnx u!
...to be continue...
BINABASA MO ANG
A Princess Love Story - Vicerylle Story
RomansKaramihan sa mga babae, mapabata, teenager, single, may asawa, matandang dalaga(kasi nga pwede pang mangarap) at maging biyuda na ay pinagdaanan ito. ANG MAGING PRINSESA NG KANILANG "PRINCE CHARMING". Sabi ng marami, pag nangarap ka ng ganito ay isa...