PROLOGUE

1.1K 28 0
                                    

"Patawarin mo ako anak. Kailangan kong gawin ito para sa kabutihan mo. Mahal na mahal kita.",sabi ng ina na umiiyak habang kinakausap ang mahimbing na natutulog na sanggol. Isang halik ang huling iginawad ng ina at inilapag ito sa loob ng tray na puno ng mga kamatis. Matapos niya itong ilagay doon ay tumakbo na ang lumuluhang ina paalis ng truck.

...makalipas ang 30 minutes

" Uha! Uha! Uha! Uuhaaaa...",iyak ng isang sanggol.

"Birheng Maria! Santisima! Nestor! Nestor! Ihinto mo ang sasakyan! Madali! Ihinto mo!", utos ni Aling Sonia kay Mang Nestor.

" Aba'y bakit ba? Mahuhuli na tayo sa pagdeliber ng mga kamatis!",sabi ni Mang Nestor habang kinakamot ang ulo.

"Uha! Uha! Uuhhhaaaa....", iyak pa rin ng isang sanggol.

" Diyos ko! Iyak talaga ng isang bata ang naririnig ko Nestor! Di mo ba naririnig?",sabi ni Aling Sonia habang tinatapik ang braso ni Mang Nestor.

" Diyos ko! Sonia! Natiyanak tayo! Umalis na tayo!",sabi ni Mang Nestor na gusto ulit paandarin ang sasakyan. Binatukan siya ni Aling Sonia.

"Puro ka talaga kalokohan! Totoong bata ang naririnig natin! Parang andun siya sa mga kamatis! Madali ka at tignan natin! Hindi kung anu-ano yang sinasabi mo! Halika na!", utos ni Aling Sonia. Habang kinakamot ni Mang Nestor ang kanyang ulo. Mabilis na bumaba ang mag-asawa papunta sa likod ng sasakyan. Laking gulat nila ang isang sanggol na nakabalot ng puting tela ang iyak ng iyak. Kinuha agad ito ni Mang Nestor at iniabot kay Aling Sonia.

" Mahabaging langit! Saan galing ang kagandang batang ito? Napakaputi at parang kasisilang pa lamang! Sino nag iwan sa kanya dito? Hindi kaya tiyanak talaga yan!",sabi ni Mang Nestor pagkaabot kay Aling Sonia ng sanggol. Tinignan ng masama ni Aling Sonia si Mang Nestor.

" Ikaw! Puro ka talaga kalokohan! Puro ka tiyanak! Palibhasa'y mukha kang tatay ng tiyanak! Nakita mong totoong bata eh! Kung hindi ko lang hawak ito! Naku! Hinampas na kita! Halika na at kawawa yung bata!",utos ni Aling Sonia kay Mang Nestor. Pagkasakay nila ng sasakyan ay agad tinignan ni Aling Sonia ang sanggol upang siguruhing maayos ang lagay nito.

"Aba'y ilang araw pa lang ito naisisilang. Uuyy...tahan na? Teka, may pangalan ang balabal niya. Ka-karylle?", sabi ni Aling Sonia. Pagkabigkas nito ay tumigil na rin sa pag-iyak ang sanggol.

" Karylle ang pangalan mo. Ang ganda ng pangalan mo at kasing ganda mo rin. Simula ngayon kami na mag-aalaga sa'yo ha? Hello Baby Karylle!",sabi ni Aling Sonia at ginawaran ito ng halik sa noo. Samantalang mahimbing lang ang tulog ni Baby Karylle.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon