42

35 3 0
                                    


"Birthday ni Mark ah? Tomorrow?"


Umupo sa tabi ko si Wooyoung na kakakuha lang ng lunch nya. Kasama nya sila Yunho at umupo na sila sa tabi namin nila Yuqi. 


"So?" 


"Di ka ininvite?" Tanong ni Yunho.


"Ba't naman ako bibigyan ng invitation nun e ex nya lang ako?" Ayoko talaga ng tinatanong ako ng mga gantong bagay. Halata naman na di ako invited kasi wala na naman ako sa buhay nya.


"Malay mo naman invited ka pa rin!" Sabi ni San. 


"Exclusive yung birthday na yun. Nabanggit ng ka-sharehouse ko." Dagdag pa ni Yuqi. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo.


"Sino ba kashare house mo?"


"Si Lucas." Mas lalo akong di makapaniwala sa narinig ko. Si Lucas?! Kasama nya sa iisang bahay?!


"At bakit mo kasama sa bahay yun?!" Sabay pa naming tanong ni Yunho. Napatingin naman ako kay Yunho na masama din ang timpla ng mukha sa nalaman namin. 


"First of all, bahay nya yun. Second, ako yung umu-upa dun, and lastly, ikkwento ko naman sa inyo e nakakalimutan ko lang banggitin." Sagot nito. Natahimik kami habang ina-analyze yung sitwasyon ni yuqi. 



"Anyways!" Banggit ni Yuqi kaya napatingin kami sa kanya. 



"Malay mo naman kasali ka sa i-invite? Di ba sabi mo parang gusto ka lapitan ulit ni Mark?" Dagdag ni Yuqi. Napatingin naman sa akin sila Wooyoung na may pang-aasar sa mga mata nila. 


"Hindi yan! Wag na kayo umasa pa." Sagot ko. 


"Pusta ako, isasama yan." Sabi pa ni Yuqi. Sinamaan ko na lang sya ng tingin at saka kumain. Ayoko magsabi ng kahit ano dahil alam ko namang imposibleng isama nya ako sa Birthday nya dahil ex lang naman ako. 


Nagkkwentuhan lang sila Yuqi habang kumakain ng biglang mag vibrate yung phone ko na naka patong sa table kaya napalingon sila. Agad ko naman chineck to at muntik na akong mabila-ukan sa nabasa ko. 


"O bakit?" Tanong ni San na inabutan agad ako ng tubig. 


"What the ..?"

#𝟒 | ❝𝐏𝐑𝐄𝐓𝐄𝐍𝐃❞ ;ʟ. ᴍᴀʀᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon