11

69 5 2
                                    

" Kang Mina!"

Napalingon naman ako ng marinig ko boses ni Yuqi sa di kalayuan. Agad naman akongngumiti at sinalubong ng yakap ang best friend ko.

"Wait bakit ka nandito?" Tanong ko dito.

"Lumipat akoo. Wala na rin yung bahay namin dahil binenta ni Tita. " nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang balita. Mukhang ayaw pa rin sya tigilan ng tita nya ah? Hanggang ngauon minamaltrato pa rin sya.

"Saan ka ngayon nakatira?"

"Naghahanap pa nga ako ng apartment e. Yung malapit sana sa University para hindi mahirap." Naka-isip namqn ako ng idea sa sinabi nya.

"Sa bahay ko muna ikaw tumira! Wala ka pa naman nahahanap na apartment e! Tutal mag-isa lang naman ako dun so samahan mo na ako!"

Kita ko sa mukha nito ang pag-aalangan sa offer ko. Alam ko ugali ni Yuqi. Ayaw nya nang kina-aawaan sya so lahat ng offer na binibigay ko, inaayawan nya.

"Nakakahiya naman, Mina."

"Hahayaan mo ba ako mag-isa sa bahay na yun? Ako laaaaaang?" Alam kong di ako matitiis nito at ginamitan ko na ng paawa effect charm. Huminga naman to ng malalim at ngumiti.

"Ok. Sige. Pero maghahanap pa rin ako ng apartment." Napatalon naman ako sa saya at niyakap ulit sya.

"Waaaait. Si Mark ba yun?"sabay dun sa lalakeng may kausap sa di kalayuan. Agad ko namang binaba ang kamay nya at hinila sya para tumalikod.

"Wag mo naman ituro!"

"Di mo pa rin kakausapin?" Napabitaw naman ako at napacross-arm na lang.

"Never."

I will never forgive him.

#𝟒 | ❝𝐏𝐑𝐄𝐓𝐄𝐍𝐃❞ ;ʟ. ᴍᴀʀᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon