44

44 4 0
                                    

"Should I go?"


I asked Yuqi for the 5th time. Lumingon to sa akin at sinamaan na ako ng tingin.


"Kapag sinabi ko bang wag, di ka pupunta?" Tanong nito sa akin.


"Ba't di ako pupunta?"


"See?! Tanong ka ng tanong pero deep inside gusto mo naman pumunta!" Siagw nito sa akin. Nandito kami ngayon sa inuupahan nyang room sa bahay ni Lucas. Actually malaki ang bahay ni Lucas so given na pwede talaga paupahan yung mga rooms dito. 


"Di ko kasi alam gagawin ko! Sumama ka kaya?"


"Ba't naman ako sasama e ikaw lang naman yung ininvite?" Tanong nito sa akin. May point naman sya. Exclusive invitation nga from the birthday boy yung natanggap ko e. 


"Ang sudden kasi!" Sigaw ko. 


"Why naman Sudden?" Napalingon naman kami sa nagsalita na nasa may pinto at may hawak na Juice. 


"Di ka ba marunong kumatok?" Tanong ni Yuqi.


"Ba't naman ako kakatok sa sarili kong bahay?" Pabalik na tanong ni Lucas kay Yuqi. Natawa naman ako sa aura ng dalawang to. Halatang ayaw nila ang presence ng isa't-isa. 


"Sasama ka ba bukas, Lucas?"


"Oo naman! Ako pa ba mawala?" Oo nga pala. Party Person nga pala tong si Lucas so never yan mawawala sa mga gantong events. 


Wait. Oo nga no!


"Lucas! Pwedeng favor? Pakopyahin kita ng mga assignments natin sa Algebra!" Napa-ayos naman ng tayo si Lucas na parang nakarinig ng good news. 


"Ano yan?"


"Pwede ko ba isama si Yuqi sa Birthday ni Mark? Sya lang! Promise!" Napatigil naman sa pagsusulat si Yuqi ng marinig nya sinabi ko. 


"Wait What?!" 


"Sure, wait!" Kinuha nya naman ang phone nya sa bulsa then nag scroll ng konti. Mukhang tinatawagan nya si Mark dahil sa Request ko. 


"Hello? Hey Mark!" Nakatingin lang ako sa kanya habang kausap nya sa kabilang linya si Mark. 


"Remember my Tenant? Yung madaldal na kulot?" Sinamaan naman ng tingin ni Yuqi si Lucas at handa nya nang batuhin to ng Ballpen. 


"I was wondering kung pwede isama for the sake of Mina. You wouldn't mind naman diba? She's the key for your girl to come." Sinamaan ko din ng tingin si Lucas dahil sa sinabi nya. 


"Nice! Ok! Lagyan ko na lang ng tali para di mangagat Tenant ko--ARAY!!" Nabato lang naman sya ng unan ni Yuqi. 


"Thank you Lucas!" Sabi ko dito. 


"Don't thank me, si Mark dapat. Sya yung nag agree." Sagot ni Lucas.


"Ikaw naman yung nag paalam e!"


"You can request naman by yourself sa kanya e. Di ka naman nya tatanggihan." Sabi nito saka umalis. Natulala ako saglit pero agad ko namang hinarap si Yuqi. 


"Sasama ka ha!" 


"Gosh! Mina! Sa laaht ng party na yayayain mo ko, eto ang party na pinaka ayaw ko!"


"Bakit naman?"


"Di ako mag eenjoy kung kasama yung unggoy na yun!" Sabay turo sa pinto which is si Lucas tinutukoy nya. Natawa naman ako kasi galit na galit sya sa nagpapa-upa sa kanya. 


"Ok lang yan! Nandun naman ako e!"


I hope so. Sana maging ok lang ang lahat.

#𝟒 | ❝𝐏𝐑𝐄𝐓𝐄𝐍𝐃❞ ;ʟ. ᴍᴀʀᴋTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon