Chapter 10

32 6 3
                                    

8:30 PM. September 9, 2015.

After finishing all the manuscripts, I quickly washed up and went to bed. Some may think that it's too early to sleep, but I'm so excited to see him right now. I have so many stories to tell him and I think I found a way to help him. 

Ngunit kahit na dapat maging masaya ako kasi matutulungan ko na siya at makakasama na niya ulit ang mama niya, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot ngayon. Isinawalang-bahala ko na lang iyon at inalala ang mukha niya sa huling pagkakataon.

Cedric Yeong-Ryder, just wait for me.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang dalhin ako ng antok sa bagong panaginip kasama ang lalaking hindi maalis ang ngiti sa isip ko.

***

Valerie's eyes landed on the man sitting in front of her the moment she opened it. They are inside Valerie's room now. Everything around her is just the same before she went to sleep. Parang pumikit lang siya saglit at pagmulat ng mga mata niya ay nasa harap na niya si Cedric.

Ilang beses na niyang napapanaginipan si Cedric, hindi na niya mabilang. Basta isang-araw, paggising ni Valerie ay nagulat siya ng maalala ang panaginip niya tungkol kay Cedric.

"Hi." Cedric greets her with a gentle smile. Napangiti na rin si Valerie at bumangon na sa kanyang higaan. Mayroon siyang surpresa para kay Cedric kaya naman plinano niyang mabuti ang panaginip na ito. Pinagpag niya muna ang kanyang pajama at hinila ang kamay ng lalaki na siyang pinagtaka nito. 

"What? Did you miss me so much? I'm always here, Val, hindi naman ako mawawala." Then he left a small chuckle which caused his dimple to pop out. 

Upon saying those words, Valerie suddenly became uneasy. No, she won't ruin the mood. She prepared a surprise for him to cherish their moment together before she'll help him to get out of there. She keeps her thoughts closed and didn't think much so Cedric wouldn't know what she's thinking.

"Tara, I'll show you something." Valerie said. 

Still holding his hand, they walked towards the door. When she reached for the doorknob, she imagines the scene that will appear on the other side. Laking gulat naman ni Cedric nang mag-iba ang paligid sa kabilang pinto. Sa halip na hallway, makikita ang malawak na lawa na tahimik ang alon. Maraming bulaklak sa paligid at may nakahandang picnic blanket sa gitna katabi ng isang puno. Papadilim pa lang ngunit hindi ito hadlang para masilayan ang ganda ng paligid. Masarap din ang bugso ng hangin na tila nagpapakalma sa mabibilis na tibok ng puso nila.

"Ta da! Na-master ko na ang lucid dreaming, kaya magagawa ko na ang lahat ng gusto ko dito!" Proud na proud na sabi ni Valerie. Ito ang bunga ng kanyang pag-aaral gabi-gabi kaka-search sa internet ng mga articles tungkol sa panaginip. 

Habang nagsesearch siya dati ay na-encounter niya rin ang salitang "parallel universe" na siyang tumatak sa isipan niya. Dito siya nagsimulang magplano at pag-aralang mabuti ang kaso ni Cedric. Pinagkumpara niya ang mga pangyayari sa buhay nila, at isang bagay ang nakumpirma niya: may kinalaman dito ang parallel universe. 

Ito ang surpresa niya kay Cedric, balak niyang sabihin ang mga nalaman niya upang matulungan ang lalaki. Alam niyang malayo pa sila sa pagtupad nito, pero may progress na silang magagawa. Kaya pinaghandaan niya ang araw na ito para sa kanilang dalawa.

Binitawan na ni Valerie ang kamay ni Cedric at sabay silang pumunta sa blanket at naupo. Nang mag-angat ng paningin si Cedric ay lalo siyang namangha sa nakita. Papalubog pa lang ang araw ngunit madilim na ang paligid. Wala pang mga bituin na makikita pero sapat na para hangaan ang ganda ng ulap sa kalangitan.

Dream of me again. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon