Chapter 11

33 6 0
                                    

10:31 PM. March 9, 2020.

After minutes of thinking and calming myself down, I decided to recall all of my memories. I sat down on the bed and wiped my tears. Napatingin na lang ako sa ceiling habang tinatanaw ang mga glow-in-the-dark stickers na nakadikit doon.

Tama na ang drama, mababawasan lang ang beauty mo.

Kinuha ko ang ballpen at notebook mula sa drawer sa tabi ng kama ko at sinulat lahat ng mga importanteng detalye at buod ng mga panaginip ko. I need to keep track of my dreams. I need to record everything. This time, hindi na dapat ako maging tanga, kailangan kong alalahanin lahat. Him being stuck in my dream is hard to believe for the first time. I need evidence to convince myself that he is true in case I'll question his existence because everything about him is so surreal. That email alone is not enough to prove that Cedric is real. Baka isipin ko pang idea lang ito para sa plot ng fantasy story ko. If ever na makalimutan ko ulit siya, kailangan ko ng back-up.

I suddenly stopped writing when those thoughts rang in my head.

If ever na makalimutan ko ulit siya...

Ang hirap man isipin pero posible rin naman kasi na makalimutan ko siya sa mga susunod na araw kahit ayaw ko. We cannot eliminate the possibility of it to the equation. Kaya kailangan kong maging ready kahit hindi ko gustong kalimutan siya.

Nalungkot na naman ulit ako dahil sa kalagayan niya. Bakit ba kasi ganito? Wala naman siyang ginawang mali di'ba? Bakit ba siya pinapahirapan ng ganito? Sinumpa ba siya?

I also blame myself for being dumb and selfish. Kung sanang sinabi ko na ang mga natuklasan ko e'di kahit papaano ay may conclusions na sana kaming nagawa. Siguro okay na dapat siya ngayon at balik na sa normal ang lahat kung hindi ko lang pinairal ang fuchsiang pag-ibig na 'yan. Don't get me wrong, hindi ko naman sinasabi na sana hindi ko na lang siya ginusto—fudge, hindi ko kaya 'yun. 

What if dineny ko yung feelings ko? Paano kung hindi ko pa narerealize na gusto ko siya? May mangyayari ba?

If not for the email, I wouldn't remember everything.

Biglang kumirot ang puso ko at napaisip. Paano kaya kung hindi ko sinulat yung email? Maalala ko pa ba kaya siya? 

Hindi ko rin naman alam na aabot pa ng five years bago ko muli maalala ang lahat. Grabe, limang taon din siyang naghintay at nakiusap na alalahanin ko siya. Limang taon na simula nung inamin ko sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya. 

Limang taon din ang inabot para maisip ko na isulat lahat ng mga ito. Ang tanga lang.

Pero paano kaya kung may iba pala siyang gusto? Hindi ko naman alam kung may girlfriend ba siya dati bago siya mapunta sa panaginip ko. Syete, so ako pa yung may kasalanan at mang-aagaw?

Paano kaya kung nagkaroon ako ng boyfriend sa outside world at tuluyan ko na siyang kinalimutan—wait, don't think about that. Ayoko ng saktan pa ang sarili ko.

I remove those bad thoughts away before I got swayed and lose focus on this. 

Para matahimik na ang utak ko, I reached two conclusions: may gusto ako sa kanya pero gusto ko rin siyang tulungan. Okay na?

.

After writing everything in my dream journal, I started to write my theories. 

I gathered all of my thoughts and think about the idea of parallel universe. I googled it and it means:

*A world conceived of as coexisting with and having certain similiarities to the known world but different from it in some fundamental way. 

*"In the many-worlds interpretation, when you make a choice, the other choices also happen," says David Deutsch, a quantum physicist at the University of Oxford. "If there is a small chance of an adverse consequence, say someone being killed, it seems on the face of it that we have to take into account the fact that in reality someone will be killed, if only in another universe."

*Every decision you make may spawn parallel universes where people are suffering because of your choice.

This theory may seem impossible but the fact that a man is stuck in my dream is not believable either. This idea became my hypothesis after comparing our timelines of events. Cedric once said that there is a connection between us that's why he's in my dreams and I found out that my father and his mother were ex-lovers and are trying to get back together now. And I encountered him once before when I stalked my dad. 

But the strange thing is, he doesn't recall bumping onto me on his way home. And he clearly said that he haven't seen me before. I cannot mistook him that day because he confirmed that it is him when I dreamt about it again. That's when I reached the hypothesis. This is a theory only, I'm not really sure if parallel universe exists.

Another strange thing, my the wound that I got yesterday. Wala naman akong natatandaang nauntog ako kaya hindi ko alam kung saan ko ito nakuha unless na naging totoo yung panaginip ko dahil iyon lang ang natatandaan kong nadapa ako. Basta one thing is for sure, connected dito ang lucid dreaming. I am aware that I was dreaming (although nakalimutan ko that time si Cedric) dahil nakontrol ko ang paligid noong mga sandaling iyon. I made those wounds vanish and we became dry right after falling from the river. The email also explains that I can control the scenarios happening in my dream. But how come na nag-manifest ang sugat dito sa tuhod ko kahit hindi naman na ako nananaginip? Is it still possible? Does that mean that my dreams can be real?

Sumuko na lang ako sa kakaisip at nahiga ulit sa kama. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bumangon ulit ako dahil hindi rin naman ako makatulog at wala akong magawa. Binuksan ko na lang ang phone ko at nagbrowse sa Facebook. Biglang may ideya na pumasok sa isip ko. Dali-dali akong nagtungo sa search bar  at sinearch ang isang pangalan.

Cedric Yeong Ryder

Marami ang lumabas sa results. Karamihan ay puro fake account. Nanlumo na lang ako nang hindi makita ang mukha ng Cedric sa mga profile na pinakita. Saglit lang naman iyon dahil sa pinakadulo ay may isang account na pumukaw ng atensyon ko.

Cedric Yeong

Makikita mo ang isang masayang binata sa profile picture at halatang matagal nang kinuha ang larawang ito. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay nahanap ko na rin ang account niya.

Ngunit hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba. Nang pindutin ko ang profile niya, mas lalong tumindi ang kaba ko. Nararamdaman ko ang malakas na pintig ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Nag-scroll ako upang makita ang mga post niya ngunit nagulat ako sa nakita dahilan upang mabitawan ko ang phone ko at mahulog ito sa kama.

Tumindig ang balahibo ko at nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timba ng yelo dahil sa pinaghalong kaba, lungkot, at takot nang makita ang sunod-sunod na bati ng condolences sa timeline niya.

***

Author's note: A short chapter, sorry!!!! Promise, maganda na yung susunod na chapter. Malapit na rin tayo sa ending since Valerie already had an idea about Cedric's situation. I don't know if I'm doing it correctly but I'm trying my best! Thank you talaga!!!

Dream of me again. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon