Chapter 20

11 6 0
                                    

If I were to apply what I've learned before I went to this dream, that is to not make a big change, for it will affect our lives in the future. A small change could bring a big impact on our lives, that's why I said to myself that the only thing I'll do here in the past is only to save Cedric.

Nang harangin ko si Cedric ay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin ngunit ngumiti lang ako sa kanya. Walang nagbago sa itsura niya gaya noong nakikita ko siya sa panaginip ko, ganoon pa rin siya kagwapo. Nakapamulsa ang kanyang mga kamay at nakasuot ng earphones pero tinanggal niya ang isa sa kanyang kanang tainga upang makinig sa sasabihin ko. Mukha siyang ordinaryong estudyante sa isang normal na araw, 'yun nga lang ay hindi normal ang araw na ito dahil babaguhin ko ang kanyang tadhana.

Napatigil ako sa pagngiti nang may bigla akong nakita sa likod ni Cedric.

Sheezy! Yung past version ko!

Hindi kalayuan sa amin ay makikita ang isang 17-year-old Valerie na nakauniporme rin at kasalukuyang tumatakbo sa papalapit sa amin. Nakayuko lang siya habang tumatakbo at umiiyak. 

Ngayong nandito ako sa past ay syempre nandito rin ang past version ko kaya dapat maingat lang ako at hindi magpakita upang hindi kami magkasalubong. Mahirap na kapag nagkaroon pa ng komplikasyon dahil sa pagkikita namin.

Kung sa eksenang ito ay binangga ko si Cedric dahil tumatakbo ako papalayo kina Dad, ibig sabihin ay kailangan kong pigilan ang past version ko upang hindi rin sila magkasalubong ni Cedric.

Hindi ko alam ang gagawin nang makitang tumatakbo palapit sa direksyon namin ang dating ako habang umiiyak. Naaalala ko ang senaryong ito, wala akong pakielam sa paligid noon dahil ang nasa isip ko lang ay noong nalaman kong kasama ni Dad ang best friend ng mama ko na si Janice. 

Malapit na siya sa amin kaya naman bigla akong kinabahan at napayuko bigla dahil baka makita niya ako. Ngunit naalala kong nandito nga pala si Cedric at baka makita niya rin ang babaeng naglalakad palapit sa amin at baka makita niya na may dalawang Valerie na nag-eexist ngayon! Hindi iyon maaari!

Fuchsia.

"H-hi."

Halos bulong na lang nang sabihin ko ang salitang iyon kay Cedric. Pagkatapos ay hinila ko siya ng kaunti upang maiwasan namin si "Valerie" na kasalukuyang lumampas sa amin nang hindi kami tinitingnan. Napahinga naman ako ng maluwag at napahawak sa aking puso. Nagawa kong baguhin ang nakaraan. Hindi sila nagtagpo at maayos ang kalagayan ni Cedric.

Samantala, hindi naman si Cedric nagsalita at tumango lang. Ibinalik niya ang earphones sa kanyang tainga at naglakad palayo sa akin.

Siguro nagtataka siya na may isang babaeng bigla-biglang humarang sa kanya na mukhang white lady na kagagaling lang sa pag-iyak pero nakangiti sa kanya. Kung ako rin naman ay mawiwirduhan ako sa sarili ko.

Teka lang, naglakad na siya palayo?

Napanganga naman ako sa ginawa niya at binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin kahit na likod niya na lang ang nakikita ko.

'Yun lang?

That's it?

Wala na? Finish na?

Sisigawan ko pa sana siya kaso naalala ko na baka may ibang mangyari sa future kaya 'wag na lang.

Hindi pa rin ako makapaniwala na tapos na. I was lowkey expecting some drama like may inspirational words pa na magmumula sa akin para ipaliwanag na huwag mag-assume base sa maling akala o kaya naman memorable lines para hindi niya ako makalimutan pero natapos lahat ng imahinasyon ko sa isang "hi" lang?

Dream of me again. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon