11:36 AM. March 9, 2020.
Nagising ako ng may namamagang mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi sa kakaiyak. Bumangon na ako at nag-ayos. Tumingin muna ako sa salamin bago pumunta sa banyo ngunit nagulat ako sa itsura ko.
Magulong buhok, namamagang mga mata, may tumubo pang pimple sa kanang pisngi ko.
I'm really stressed these past few days, I think I need to relax. Kakatapos lang ng kaarawan ko and I need time for myself. I need to take care of myself, to make myself feel loved, to make more happy memories. Today is the day. Let me experience being free once in a while. (kahit na I just had fun by myself when I celebrate the first day of being jobless.)
Inayos ko muna ang higaan ko at nagtaka nang may makita akong maliit na box na nakapatong sa table sa tabi ng kama ko. Saka ko naalala na ito pala yung binigay sa akin ni Dad kagabi. Nilagay niya siguro dito noong natutulog ako. Hindi ko na sana ito papansinin pa kaso may nakita akong nakaipit na sulat dito kaya binasa ko na rin dala ng kuryosidad.
"Valerie, I'm really sorry for ruining your special day. I hope we can talk again soon. I'll explain my side when you're ready. Always remember that I love you. Happy birthday. —Dad"
Yun lang ang sinabi sa sulat. Hindi ko rin naman siya kayang harapin dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kanya. Siguro nga oras lang at space ang kailangan muna namin sa isa't-isa para tuluyang humilom ang mga sugat. Time heals nothing, it doesn't heal emotional wounds. It's just a factor when it comes to healing. It's what you choose to do with that time that makes all the difference. Kaya nga hindi pa ako handang kausapin si Dad muli, the wounds are still fresh. Let me take time to heal: to reflect on my actions, to understand my wrong doings, and to analyze the situation, before I could talk to him. I must fix my emotional state first because I don't want to cause another pain by talking without thinking.
.
Pagkatapos kong mag-shower, nagbihis ako ng casual dress at nag-ayos. Nagpaalam ako kay manang na aalis ako at mamayang gabi pa ako makakauwi dahil may pupuntahan ako. Paglabas ko ay wala na ang kotse ni Dad kaya baka nasa trabaho na siya. May nakita naman akong isang itim na kotse na ngayon ko lang nakita. It's a 2020 BMW M850i Gran Coupe and it's really expensive. Did my dad bought a new car again? Nilingon ko si manang at nagtanong kung kailan niya ito binili.
Nagtataka naman niya akong tiningnan at sinabi, "Di'ba ito yung regalo sa'yo ng Daddy mo? Hindi mo pa ba nabubuksan yung binigay niya sa'yo?"
Napatulala na lang ako sa narinig at sa mangha. Sakto pa naman na sira yung kotse ko kaya may magagamit ako sa pag-alis ko. Papasok sana ulit ako sa bahay upang kunin ang maliit na kahon na binigay sa akin ni Dad kaso bigla kong naalala na hindi pa pala kami in good terms ngayon kaya pinairal ko muna ang pride ko at dire-diretsong lumabas ng bahay. Pinilit kong huwag lumingon sa kotse kahit na ilang bese akong inaakit nito na gamitin ko na daw. Nope!
Saka ko na lang 'yun gagamitin after a month. Baka may maisumbat pa sa akin si Dad kapag nakita niyang gamit ko ang regalo niya sa'kin o baka isipin niya na okay na ulit kami.
Nang makasakay na ako sa Grab, I told the driver the directions and took rest for a moment. Nakatingin lang ako sa bintana habang tinatanaw ang mga dinadaanang buildings at mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada. Then, random thoughts popped on my mind.
Sino kaya sa kanila ang nakakakilala sa akin? If ever na maaksidente ako dito mismo sa mga oras na ito, sino ang tutulong sa akin? Sino kaya ang una nilang tatawagan sa contacts ko?
Saan kaya papunta ang mga tao ngayon? Kung ako, importante ang lakad ko kaya ako nakasakay sa kotse, ano kaya ang mga rason nila? Gaano ba kaimportante ang lakad nila para magcause ng traffic dito sa EDSA?
BINABASA MO ANG
Dream of me again. [COMPLETED]
Fantasia"March 10, 2020. This was my dream. Actually, it's a crazy one. Sino ba namang maniniwala dito? Everything happened like its real. So I met this guy named Cedric and he... he, uh... wait... Basta! I met him, and he told me that... Wait, why am I rec...