It's only been minutes since Cedric saw Valerie again. Since there is no time here on her dreams, the time itself (or rather the flow of things) was created the moment she starts dreaming. That's why everything happened so fast here that Cedric didn't notice that he was stuck here for five years already.
Now that he has a plan (although he doesn't know how to execute it since he thinks it is not possible), he wants to discuss these with Valerie.
As the dark surrounding slowly fades, it turned into a classroom hallway in which Cedric had seen before. This was where Valerie studied, this was her school. Like a normal school day, there are many students in the hallway, some are chatting with their friends while waiting for the teacher. Some are walking, going to their respective classrooms. Everything looks normal, except for one thing. All of their faces are blurred.
Matagal rin bago nasanay si Cedric sa ganitong senaryo. Sa buong pananatili niya sa panaginip ng babae, ang mukha lang ni Valerie ang kanyang nakikita at minsan ay pati ang mga taong nasa ala-ala nito.
Nilibot niya naman ang paningin upang hanapin ang babae ngunit nabigo siyang hanapin ito. Saglit lang iyon dahil may sumigaw sa kanyang likuran, dahilan ng paglingon niya dito.
"Cedric!"
Sumilay naman ang isang biloy sa kanyang pisngi matapos bigyan ng ngiti ang babae. Lumapit si Cedric kay Valerie na ngayon ay hinihingal sa pagtakbo. Ngumiti din si Valerie ngunit mapapansin na kakaiba ang saya niya ngayon.
May nangyari bang maganda? Tanong ni Cedric sa sarili. Nevertheless, he felt genuine happiness seeing the girl in front of him is happy.
"Oh my gosh! You wouldn't believe what I just found out!" Masayang sabi ni Valerie na tila isang batang nakakuha ng premyo sa palaro.
"Ako rin." Sagot ni Cedric at ngumiti ulit. "I have some thoughts to share with you."
Naglakad sila at hinayaang dalhin sila ng kanilang mga paa sa pupuntahan nila. Nagsitakbuhan naman ang mga mag-aaral papunta sa kani-kanilang mga silid nang makita ang guro na naglalakad papunta sa kanila. May isa pang estudyante na sumigaw upang i-announce ang pagdating ng kanilang guro. Hindi naman pinansin ng guro sina Valerie at Cedric at nilampasan lang sila na parang hangin.
Nang makarating sila sa cafeteria ay naupo silang dalawa sa bakanteng upuan. "Nagugutom ako." Pagbasag ni Valerie sa katahimikan. "Bibili muna ako ng pagkain, ikaw, may gusto ka bang bilhin?" Tanong ng babae sa kanyang kasama.
Natawa ng bahagya si Cedric dahil mukhang normal lang ang lahat kahit na panaginip lang ito. Matagal na rin simula nung huli siyang kumain sa panaginip ni Valerie pero hindi rin naman siya nakakaramdam ng gutom dahil nga nasa panaginip lang siya ng babae. Still, he doesn't mind eating.
"Can you order sinigang? Can you recall it in your memories?" Tumahimik saglit si Valerie at nag-isip. "It's just, it's my favorite dish that my mom always cooked for me."
"I remember I had that meal last week, kaso hindi naman nito kalasa yung luto ng mama mo. But I'll try my best to imagine it very deliciously!" Then Valerie proceeds to the counter to order what she wants.
Kung tutuusin ay pwede namang mag-imagine na lang si Valerie at lilitaw na ang pagkain sa harapan nila ngunit tila nakalimutan niya na panaginip lang ito at pinanindigan ang pagiging normal na estudyante.
Kahit nag-c-cutting kami ngayong school hours buti walang pakielam itong si ate, sabagay absent din naman 'yung teacher sa subject namin ngayon. Sabi niya pa sa kanyang isip.
Nang matapos umorder ay bumalik siya sa kanilang puwesto at nagsimulang kumain. Ang inorder ni Valerie para sa kanya ay isang malaking slice ng hawaiian pizza at vanilla ice cream kaya naman tuwang-tuwa siya habang kinakain ito dahil matagal na siyang nag-c-crave dito at saktong mayroong ganitong menu ang school cafeteria nila ngayong araw. Nagsimula na siyang kumain at tila nawalan ng pake sa paligid habang ang tanging atensyon ay nasa pizza at ice cream lang.
BINABASA MO ANG
Dream of me again. [COMPLETED]
Fantasía"March 10, 2020. This was my dream. Actually, it's a crazy one. Sino ba namang maniniwala dito? Everything happened like its real. So I met this guy named Cedric and he... he, uh... wait... Basta! I met him, and he told me that... Wait, why am I rec...