Chapter 6

45 6 1
                                    

He didn't know how many minutes he is staying on that bench until he heard a voice. When he lifted his head, he is now inside a dark room.

Hindi niya namalayan na nasa bagong panaginip na pala siya ni Valerie.

"¡Hola! Mi nombre es Valerie. Tengo 7 años. Estoy..."

The little girl on the video said. She is standing in front of her mother who is sitting in a wheelchair.

The voice came from the big screen in front of him.

Saka niya lang narealize na nasa isang theatre room pala siya.

"Hi! My name is Valerie. I am 7 years old. I am..."

This is one thing that is weird in Valerie's dream, Cedric can understand Spanish.

The girl paused for a second. "Estoy... Mommy I can't!"

The girl's mother laughed. "That's okay sweetie! You're doing great!"

That made the little girl smile.

"Tama na 'yan, baka mamaya hindi na 'yan makapag-Tagalog." Tumatawang sabi ng may hawak sa camera kaya naman hindi makita ni Cedric ang itsura nito pero sa tingin niya ay tatay ito ni Valerie.

Ito ay ala-ala ni Valerie, alam ito ni Cedric. Bihira lang managinip si Valerie ng ganito at kadalasang mga memorya niya ito noong siya ay highschool pa lang.

Ngayon lang siya nanaginip ng isang childhood memory. Ngayon lang din nakilala ni Cedric ang mga magulang ni Valerie—although boses lang ng papa niya ang kanyang narinig.

"Baka mahilo na 'yan sa dami ng lenggwahe na itinuturo mo. Tara anak, mag-aral tayo ng French." Biro ng tatay ng babae.

Cedric looked again at the big screen, tumatawa na silang tatlo. Makikita na masayang masaya ang pamilya nila. Mukha silang walang pinoproblema at payapang payapa ang kanilang mga mukha.

"Hindi katulad ngayon na mukha na siyang gurang." Cedric thought.

Saglit lamang iyon dahil naputol agad ang video at napalitan ng ibang senaryo. Ang batang babae ay nakasuot na ng puting damit. Tumanda na rin siya sa video. Siya ay malungkot at umiiyak, habang ang tatay naman niya ay pinapatahan siya. 

Tiningnan ni Cedric ang tatay ni Valerie.

"That man looks familiar." Cedric said. Inisip niya kung saan niya nakita ang lalaki pero mukhang nakalimutan na niya ito. Sa tagal niya ba naman na nanatili sa panaginip ni Val.

Nakaputi rin ang lalaki, saka lang napansin ni Cedric na nakatingin pala sila sa kabaong sa harap nila. Nakita niyang payapang nakahimlay ang nanay ni Valerie.

Nagpalit ulit ang video, this time, si Valerie ay mabilis na naglalakad. Makikita mo ang galit at lungkot sa mga mata niya kaya naman nag-alala si Cedric.

Sobrang pamilyar ng daan na pinanggalingan ng babae.

"Wait... that's the way to our house!" He shouted. 

Hinabol niya ito at kinalabit. He was about to say something but the girl just ignored him and walked past him. 

"Oo nga pala, memorya niya lang ito."

This is her memory that's why Cedric cannot interact with her in this kind of dream.

Nagulat siya ng may nakabangga ang babae. Napaatras si Valerie at nahulog naman ang dala ng nakabangga niya. Lumapit kaagad si Cedric at lumuhod upang tulungan ito pero naalala niyang memorya nga lang pala ito. Nagpagpag na lang siya ng kanyang damit at akmang tatayo na nang mag-angat siya ng tingin.

Dream of me again. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon