After Valerie disappeared, everything turned black, even the cat that Cedric was playing with earlier is now gone.
Actually, hindi naman talaga galit si Cedric kay Valerie, it's more like naiinis siya sa sarili niya dahil hindi siya makapaniwala na simple lang ang dahilan ng pagkamatay niya sa mundo ni Valerie, at kahit na hindi siya mismo ang namatay, he felt sorry and pity for himself.
Nagulat naman siya nang wala pang ilang segundo ay nagbago ang paligid. Tumingin siya sa paligid at nagtaka nang mapagtantong nasa lugar siya kung saan naroon ang isang 'Cedric' na nakatanaw sa bahay nila.
This is the sequel of what happened that day. Hindi niya alam ang eksaktong pangyayari kung paano siya namatay dahil narinig lang naman niya ito sa isip ni Valerie, but now it feels weird to see himself going into the accident.
Wala si Valerie sa paligid kaya naman nakakapagtaka kung paano niya ito naging panaginip dahil hindi din naman niya ito ala-ala. Could it be someone else?
He looked at the 'Cedric' in front of him, who is now running away from their house after seeing her mother hugging Edward. Makikita ang galit at pagtataka sa mga mata nito habang lumuluha. Pinunasan naman niya ito ng mariin gamit ang isang kamay at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Sinundan niya ito at nakita niyang pumunta ito sa parke malapit sa kanilang subdivision. Naupo ito sa bakanteng upuan at yumuko. Hinihingal pa ito ngunit hindi niya ito pinansin at tumulala lang sa damo na parang malalim ang iniisip.
"Why is my mother with the man who once broke her heart and caused her life into ruins?"
Nagulat muli si Cedric dahil sa boses na narinig. Impossible. Paano niya naririnig ang iniisip nito?
This time he's sure that it is not Valerie's dream or subconscious, and another person is involved.
"If they're okay now, I guess my mother had forgiven him. She may have feelings left for him but that just proves how my mom doesn't blame him for what happened to her life."
That is partly true. Besides, wala naman talagang ginawang masama si Edward kay Janice. The only mistake he made is introducing the wrong man to her parents after breaking up with her.
"But what should I do? Should I confront my mom? I don't even know what their relationship is. Maybe it's better if I go back and face them."
Huminga ng maluwag ang 'Cedric' at tumayo. Naglakad siya pabalik sa kanilang bahay. Nagtaka naman si Cedric dahil bakit parang hindi man lang ito nagalit o nagtanim ng galit sa lalaking kausap ng kanyang ina.
Was it really what Cedric would do? What about the accident? What really happened?
As Cedric got more confused, tiningnan niya lang ang kanyang sarili sa harap niya. Nakangiti na ito habang naglalakad. Kumunot lang ang noo niya sa nakita. Ibig sabihin ba nito ay hindi talaga siya naaksidente dahil sa nautuklasan?
"If my mom is happy with her decision and she's happy with what she's doing or who she's with right now, I should be happy for her. After all, it's been so long since I've seen those genuine smile on her face."
Habang tumatawid sa kalsada ay hindi niya napansin ang dumadaang mabilis na sasakyan patungo sa direksyon niya. Nagulat naman si Cedric at sinubukang lumapit sa lalaki upang pigilan ito ngunit tumagos lang ang kamay niya sa katawan nito. Sinubukan niya ring sumigaw ngunit para lang siyang hangin dito. Nanghina ang kanyang mga tuhod at napaupo habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa binata.
Huli na ang lahat nang mabunggo ito ng sasakyan at ang nakikita na lang ni Cedric ay ang mga taong nakapalibot sa walang buhay na katawan ng binata. Ngunit kahit hindi niya nakikita ang itsura nito ay sigurado siyang hindi nito iniinda ang sakit bagkus ay payapa lang na nakahiga sa malamig na kalsada.
Sa huling pagkakataon ay narinig niya ang iniisip nito bago niya bitawan ang kanyang huling hininga.
"Mom, I'm sorry that I have to leave you. But somehow, I felt relieved knowing that you find your happiness now. Please be happy and do not wait for me anymore. I'm sorry I didn't get the chance to say this to you right now, but I hope you know that I love you very much."
Hindi namalayan ni Cedric na kanina pa pala bumubuhos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang ma-imagine ang mangyayari kung sa mundo niya ito nangyari. Hindi pa siya handang iwan ang kanyang ina kaya naman sobrang dinudurog ang puso niya sa nakikita ngayon.
Ngunit wala ring mapapala ang kanyang pag-iyak dahil ito ay nangyari na. Tumayo na lang si Cedric at nagpagpag ng kanyang damit kahit na hindi naman ito nadumihan. Pinunasan niya ang kanyang pisngi at tumigil na sa pag-iyak kahit na labag ito sa kanyang kalooban.
Ngayon ay naintindihan na ni Cedric ang lahat.
Janice never resent Edward because even if he caused her heartache, he's still her first love.
The Cedric in Valerie's world didn't die because he overheard what she said which caused him to run and get hit by a vehicle.
It was really an accident. No one has to be blamed. Valerie didn't do anything wrong, and even if he heard what she said that day or not, he was destined to know it. He will see it anyway, and his death is inevitable.
Now that he got a clear view of what really happened back then, it's time to fix the mess he created with Valerie.
Suddenly, he felt embarrassed and humiliated. Bakit ba siya naiinis sa mga walang kwentang bagay? At kay Valerie pa niya naibuntong ang inis niya dahil rin naman sa ginawa niya.
Napasapo na lang siya ng kanyang noo sa katangahan.
Now that he knew the reason, how is Valerie supposed to help him?
He narrowed down the actions which led to his accident.
1. Kung tumingin siya sa dinadaanan niya, hindi siya maaaksidente.
2. Kung hindi niya nakita ang nanay niya na kasama ang tatay ni Valerie ay hindi siya tatakbo at masasagasaan.
3. The scene where 'Cedric' saw his mother and Edward hugging caused him to run away without thinking of the intentions behind it. Naging padalos-dalos siya.
4. Maybe if he stayed longer, he wouldn't get into an accident?
If there's an action he would want to change to save himself, it would be the time where Valerie bumped into him. If he didn't overhear what she said which cause him to act recklessly without knowing the truth, he would be alive; he wouldn't rely on that piece of suspicion. Dahil sa narinig niya kay Valerie, pinaniwala niya ang sarili na mayroon ngang namamagitan sa kanilang mga magulang at noong nakita niyang magkayakap sila ay kusang nakumpirma na ang kanyang hinala kahit na hindi niya pa naririnig ang side ng kanyang ina. Hindi sana siya maaksidente kung nag-isip siya ng maayos.
Maybe if he saw them together, not hugging, he'll just confront his mother. Katulad ng nangyari sa kanyang mundo, ipapakilala lang ng kanyang ina si Edward bilang kaibigan nito. Nothing could possibly go wrong since as her mother said, they are really just friends, and Valerie proved that to him when she told him that it was just a misunderstanding.
The scenario fades and now it's just dark. May isang boses na narinig si Cedric na siyang nagdala muli ng kuryosidad sa kanya.
"Ahora que han aprendido la verdad, es hora de que ambos se ayuden."
"Now that you've learned the truth, it's time for both of you to help each other."
Muli ay narinig na naman niya ang boses ng isang babae. Sigurado siyang hindi ito kay Valerie ngunit pakiramdam niya ay narinig na niya ito sa kung saan. Kahit sumigaw siya at tanungin kung sino ito, wala siyang natatanggap na kahit anong tugon. Ilang beses na niya itong narinig sa panaginip ni Valerie at hanggang ngayon ay wala siyang alam patungkol dito. Hindi rin ito naririnig ni Valerie na siyang pinagtataka niya.
Isa ito sa mga tanong na hindi niya alam ang sagot, sino ang nagmamay-ari ng boses na ito?
BINABASA MO ANG
Dream of me again. [COMPLETED]
Fantasy"March 10, 2020. This was my dream. Actually, it's a crazy one. Sino ba namang maniniwala dito? Everything happened like its real. So I met this guy named Cedric and he... he, uh... wait... Basta! I met him, and he told me that... Wait, why am I rec...