28. Unknown Number

54 2 0
                                    

Liam's POV

So nandito pa din kami sa labas pasyal dito pasyal dun tapos kada may makikita si Ate Zandra na magandang view panay picture, ang nakakahiya eh ung kada pictures nya dapat kaming walo may pictures din. Kung tinatanong nyo sila Mr. and Mrs. Alcantara, nauna na sila kakausapin pa daw kasi nila sila ma'am para daw makagayak na papaalis kasi ilang oras na din aalos na kami kaya binigyan pa kami ng 1 hour para magikot ikot pa.

Ateeeee hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo lakad ng lakad tsaka kada makakakita ka ng magandang view panay picture ka tapos idadamay mo pa kami, aba ate naman. reklamo ni Camille kaya napatigil kami.

Naku baby girl napakatamad mo talaga. Pasensya na pinaghandaan ko na kasi to pero dahil love kita tara muna kayo dun tayo magpahinga muna. sabi ni Ate Zandra at aya nya samin. Buti nalang may maliit na cottage na kasya naman kami lahat. Naupo na kaming lahat sabay buntong hininga. Totoo naman kasi nakakapagod kaya.

Hay naku Hon, pinagod mo ung mga bata tignan mo tuloy ung mga mukha nila lahat nakasibangot HAHAHA pasensyahan nyo na Ate Zandra nyo kala siguro neto hindi na ulit kami makakapunta sa beach at grabe sinulit talaga nya. asar ni Kuya Lance kay Ate Zandra HAHAHA babatukan na sana sya kaso nakalayo sya.

Bakit Hon sa tingin mo ba talaga makakapunta pa tayo sa beach neto? Ang dami kaya nating kailangan ayusin ngayon sa Resto Bar. Pero speaking of Resto Bar kayo walo anong balak nyo? Kapag ba tapos neto tutugtog kaagad kayo o need nyo pa ng more days para magpahinga?

Malalaman pa Ate siguro kapag sobrang dami naming gagawin sa orphanage baka nga need namin ng ilang araw kasi sure akong mapupuyat ulit kami kasi panggabi kami. sagot ni Lawrence at agree naman din kami dun kasi hindi naman kaagad kami nakakatulog kapag uwi namin ei. Wait pala Kuya tanong ko lang bakit hindi mo naman sinabi samin na kilala mo pala sila Camille at sya pala ung matagal nyo nang kinukwento sakin?.

Wow parang hindi kakilala ah bakit need ko pang ipakilala eh kilala nyo na nga ang isat isa tsaka ang balita nga namin mortal nyo silang kaaway kaya medyo nagulat kami ng hindi kayo nagsisigawan kanina ei. nagulat kami sa sinabi ni Kuya Lance at nakakapagtakang nalaman nya un ei wala naman kaming nakukuwento sa kanila nun tsaka kung matagal na nyang alam yun bakit hindi kami pinagalitan lalo na alam nyang kapatid ni Ate Zandra si Camille.

Nagulat kayo no HAHAHA alam nyo bang alam namin lahat ng nanyayari sa inyo mula sa school hanggang sa Resto Bar namin. sabi ni Ate Zandra kaya mas lalo kaming nagulat walo.

Pero paano Ate Zandra? Ay ang gulo. lito pang sabi ni Agatha.

HAHAHAHA basta alam namin kaya ngayon tanong ko gusto nyo bang magmerge nalang ung oras nyo sa pagkanta nyo? bali magiging 6 - 10 na magiging oras nyo at madadagdagan tuwing weekends kada 5-11 ung oras nyo tutal wala namang kayong pasok nun. tanong ni Kuya Lance. Kaya tinignan ko ung mga kasama ko.

Para sakin okay yun kasi sure naman akong may dadagdag na sweldo un diba Kuya? sabi ni Lawrence.

Syempre kayo pa mautakan namin sa sweldo? Pero kayo kung gusto nyo ung ganung set up ichat nyo lang isa samin ng Ate Zandra nyo. O sya tara  Hon balik na tayo sa hotel baka aalis na tayo.  sabi ni Kuya Lance kaya tumayo na kami at naglakad na.

Nakasakay na kami ngayon sa Bus ganun parin ung arrangement namin. Bali dapat sa Van nila Mrs. Alcantara sana kami sasakay kaso hindi na pumayag si Camille baka daw kasi lalong  magtaka ung mga students kaya wala nang nagawa sila Mr. And Mrs. Alcantara pati na rin sila Ate Zandra. Halos 30 mins lang ung layo naman sa Orphanage na pupuntahan namin, at etong katabi ko nagababasa habang umaandar ung bus. Matanong nga kasi naman kung ako un sure duling na ako.

The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon