Luca's POV
Pagkaupo ko sa pwesto ko nakita kong ng nag Momobile Legend na naman si Althea kaya kinalabit ko hahaha.
Oh bakit ba? nakitang nasa clash ako ei kalabit kalabit ka dyan. nakasimangot na tanong ni Althea habang tutok na tutok sa laro nya.
Kaya kinuha ko ung phone nya sabay taas ko ng kamay ko ei medyo matankad ako sa kanya kaya pilit nya inaabot Hahahahaha.
Lucas akin na nga yan nakita mo ng naglalaro ako tapos kukuhanin mo, ano ba kasi trip mo ha?
Hahaha wala lang gusto ko lang kitang bwisitin ang sarap kasi sa feelings kapag nakikita kitang nabibwisit. Tsaka ang hirap kaya maboring habang nagbabyahe.
Wew? gusto mo akong bwisitin o gusto mo lang magpapansin sakin? May gusto kaba sakin? Pasensya na may iba akong gusto. pagkasabi nya ng mga words na un parang biglang may kirot sa puso ko. Para hindi maramdaman o mapansin ung pagkalungkot ng mukha ko nag react nalang ako.
Hoy minion kapal ng mukha mo naman, bakit naman ako magpapansin sayo? Wow as in wow asa kang magustuhan kita hindi ka maganda at lalong walang wala ka sa standard ng mga babaeng magugustuhan ko no? Lalo wala akong pake kung may kang iba ka! . Masyado ka palang pilingera ei. sabay abot ko sa kanya ng cellphone nya, shit self anong nanyayari sayo.
Ang dami mong sinabi ei niloloko lang kita. Huwag kang mag aalala never pumasok sa isip ko na crush mo ko dahil kilala ko ung crush mo!! Hahahaha nagsisimula sa letter P ay C pala hahaha. asar nya sakin pero hindi ko na sya pinansin.
Nang umandar na ung bus naupo na ako ng maayos at pumikit ng hindi ko na maramdaman ung presensya ni Althea. Sa totoo lang talaga hindi ko alam kung bakit ganun mag respond ung puso ko kanina nung sinabi nya un kahit sinabi nyang joke lang. Pero sa totoo lang unang kita ko palang talaga sa kanya nagandahan na ako sa kanya kaya siguro nung time na un mismong katawan ko na ung gumalaw ng mapansin nya ako kaso naging cause pa ng clash between us. Pero nawala din naman un at napunta kay Camille kasi alam nyo un hindi nakakasawang tignan ung mukha nya tapos sobrang astig nya,kaso tulad din ng Althea hindi din naman un nagtagal dahil may napapasin akong kakaiba sa isa kong kaibigan at napifeel kong may gusto na sya kay Camille pero tinatago nya, pero dahil ako to napansin ko un. Minsan ko na syang nahuling nakatitig ei. Hindi ko malaman kung bakit bumalik ung pagkacrush ko kay Althea, at ang nakainis dun hanggang ngayon.
So ayun na medyo awkward ung atmosphere ngayon para hindi ako masyadong mailang kinuha ko nalang ung phone ko tsaka ako naglaro ng ML, mahilig din ako dito pati sila Lawrence kaso nito nakakaraan na buwan madalang nalang kaming maglaro, ewan ko ba. Habang nasa kalagitnaan na ako ng clash may biglang akong kinalabit ni Althea pero hindi ko sya pinansin. Aba sayang star ko katulad nya kanina naka rank din ako kaya hinayaan ko lang sya kumalabit ng kumalabit sakin, lumipas ang ilang minuto tumigil na din sya. Hayst buti nalang, kaso makalipas ang ilang segundo may tumawag sakin at nakita ko ung name ni Althea.
Bwisit naman kung kailang savage na ei. Bakit kaba tumatawag? Ano ba yan Althea magkatabi lang tayo oh. Lintek sayang, nakita na kasing naglalaro nang iistorbo. irita kong sabi kay Althea at natahimik sya ,napatingin ako sa. paligid ko nakatingin halos lahat ng kasama namin pati na din si ma'am nakasibangot kaya nagpeace sign lang ako at tinuloy ko na ung laro ko. Nang matapos na tumingin na ako sa kanya, ang babae nakasibangot.
Oh ayan tapos na ano ba kailangan mo? tsaka bakit ka nakasibangot dyan? tanong ko sa kanya, pero hindi nagsasalita. Althea tinatanong kita, ano ba kailangan mo? kung kailan wala akong ginawa ayaw mo naman sumagot!. kinalabit ko sya ng tumingin sakin. Nang tumingin sya tinignan ko ng matang nagtatanong.
Wala never mind na pasensya na kung nagulo kita. sagot nya sabay pikit kaya hinayaan ko nalang sya, wala na din kasi ako sa mood na makipagsagutan. Kaya sumandal na din ako at pumikit para matulog.
Althea's POV
Habang nakapikit ako hindi mawala sa isip ko ung reaction sakin kanina ni Lucas, kasi grabi ung reaction nya kanina. Ano un kapag sya pwedeng manginis pero pag ako na bawal na? Medyo na offend kasi ako pano ba naman sinigawan nya ako tapos kaya nung tinanong nya ako kung bakit sabi ko nalang wala lang. Pero bukod kasi sa iinisin ko din sya manghihiram sana ako ng headset.
Maya maya tumunog ung cellphone ko kaya napadilat ako pero bago ko un tignan tinignan ko muna ung katabi ko at kita ko naman na nakapikit baka tulog na kaya napairap nalang ako.Pagkabukas ko ng cellphone ko si Camille lang pala tinatanong lang kung bakit ako singawan ni Lucas. Syempre ang sagot ko nalang wala lang, baka maging cause pa ulit ng away. Gusto ko na din kasing tumigil at manahimik nalang.
Mga ilang minuto na din ang lumipas nandito na kami sa destination namin kaya ginising ko na din ung katabi ko.
Huy Lucas nandito na tayo gumising kana. alog ko sa kanya para gumising sya. Unti unti nyang dinilat ung mata nya kaya napatitig ako sa kanya. Napansin nya un kaya tinanong nya ako.
Bakit ka nakatingin sakin?
Wala may muta ka kasi, tsaka nandito na tayo baka gusto mo nang tumayo dyan ng makadaan ako diba, mga nakaharang kasi gamit mo ei no. kunwaring masungit face hahaha.
Grabe ka naman Althea high blood lang, tsaka nagmamadali? reklamo nya habang iginigilid nya ung mga gamit nya. Nang matapos nya na tumayo na ako at dahan dahan lumakad palabas ng upuan namin , kaso bago ako makalabas ng upuan namin bigla nyang hinawakan ung kamay ko kaya napahinto ako at napatingin sa kanya kaya nagkatitigan kami ng ilang secundo. Nang matauhan kami napatibaw sya tsaka awkward na tumingin sakin.
Ano nga pala ung kailangan mo kanina? ung ginulo mo ako? tanong nya ulit.
Wala lang nga balak ko sanang humiram ng headset kaso hindi ko na din nasabi ninaantok na ako ei. palusot ko tsaka tuluyan na akong lumabas ng bus at naabutan ko sa labas ung mga kaibigan kong mga nakasimangot.
Bakit mga nakasimangot kayo dyan, lalo kayong papangit nyan. loko ko sa kanila kaya lalong sumimangot hahaha.
Baka kasi inaantok at nagugutom na kami ei, may pahawak kamay at titigan pa kasing nalalaman ei. Tsaka huwag kanang magdenied nakita namin. asar ni Jasmine. Jusme nakita pa nila un.
Puro ka issue Jasmin tara na nga, kung ano ano na naman pumapasok sa utak mo. aya ko na sa kanila hahaba pa ei.
____________________________________
HELLO SA INYOOOO PASENSYA NA AH NGAYON LANG AKO NAKAPAGUPDATE SOBRANG BUSY NA KASI EI. ALAM NYO NAMAN ANG INYONG AUTHOR AY NAGSUSUMIKAP NA MAKATAPOS. HAHAHAHA BASTA MAHAL NA MAHAL KO KAYO. AT LUBOS AKONG PAPASALAMAT KASI NANDYAN KAYO PALAGI HINDI NYO KO INIIWAN. LABYAA. ❤️💛
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Novela JuvenilMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?