Althea's POV
At the Guidance Office
Nang makaupo na sila mommy kasama ung mga parents nila Camille nagsalita na ung Guidance Counselor namin.
"So Good Morning Parents alam kong alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag, nasabi naman na siguro sa inyo ng mga anak nyo diba?"
"Oo Miss at sinabi na nila na ung umaway sa kanila ung nagsimula ng away". sabi ng Mama ni Agatha grabe nakakatakot ung Mama nya.
"Tita hindi po yan totoo, sila po ung nagsimula sinampal po ako bigla ni Camille wala naman po akong ginagawa ei" . Sagot ni Clara(Ung mukhang clown na nagbuhos ng Juice kay Camille)habang umiiyak.
"Napaka arte talaga hindi naman maganda." bulong ni Agatha kaya pigil kaming natawa ni Jasmine, si Camille ayun sa gilid hindi umiimik, baka inaantok pa.
"Paanong kami ang nagsimula, ikaw kaya!! bigla mong binuhusan ng Juice si Camille, at tandaan mo kaya kalang nya nasampal kasi nagulat lang sya". bigla sabat ko
"Bakit may evidence ba kayo na binuhusan talaga ni Clara ng Juice si Camille ha!." sabat din nung alalay nya.
"Oh tignan nyo na diba wala kayong evidence, tandaan nyo din wag kayo puro bintang" . sabat din ni Clara
"Bakit kayo meron ba ha, pano mapapatunayan na kami nga ang nasimula aber?" tanong ni Jasmine habang nakataas pa ung kilay hahaha napaka sungit talaga ei.
"Oo meron kami baka umiyak ka dyan kapag napanoud mo, Tita eto ung evidence na sila po talaga ung nagsimula bigla nalang po akong sinampal ni Camille kitang-kita po dyan." sabi ni Clara.
Habang pinapanuod namin un nakatamihik lang kami pati ung parents namin. Nang matapos na ung video nagtaka kami kasi bakit putol wala ung binuhusan ni Clara si Camille ng Juice.Habang malalim ung iniisip namin biglang nagsalita ung Guidance Counselor.
"So girls pano nyo maipapaliwanag ung nasa video?" tanong nya habang nakataas ung isa nyang kilay, nung nakita un ni Agatha bilga nyang inirapan.
"Miss hindi po talaga kami ung nagsimula, hindi nyo po ba nakita sa video na puno po ng Juice ung uniform ni Camille?" tanong ko kay miss, nakakainis naman kasi ei bakit kasi putol ung video dun pa talaga sa part na binuhusan ng Juice si Camille ei.
"Baka naman kasi tanga yang kaibigan mo baka akala sa Juice ei tubig gusto atang maligo ei". sabi ni Clara, biglang naginit ung ulo ko susugurin ko na dapat ei kaso pinigilan ako ni Mommy.
"Hey Young Lady dahan dahan sa sinasabi mo baka hindi mo kilala ung kinakalaban mo baka magsisi ka sa huli." Sabat ni Mommy ni Camille, shete kinalibutan ako dun aa parang mas nakakatakot ung mommy nya kase sa mommy ni Agatha.
"Mrs. Alcantara huwag nyo tinatakot ung pamangkin ko, anak nyo po ang may kasalan may gana pa po kayong manakot?" sabi nung Guidance Counselor namin, bigla naman sumabat si Clown napaka daldal talaga ei.
"Hayaan mo na tita hindi naman ako natatakot ei. Alam nyo Mrs. Alcantara kilala ko po kayo ei, kayo po ung nanay ng tatanga tangang si Camille."
"Ay bastos ka pala ei !!Hey tandaan mo mas matanda syo ung kausap mo" sabi ni mommy ni Jasmine. Nakita kong nakakuyom ung kamay nung mommy ni Camille tatayo na dapat si Tita kaso pinaupo ulit sya ni Camille at nagsalita, Haysst salamat nagsalita din kala ko ei matatapos ung away na to na nakatamihik lag ei.
"Hey Clara shut up baka hindi ako makapagpigil balian kita ng buto dyan. Alam nating lahat na ikaw ung nagsimula pero dahil tita mo si Miss syempre ikaw ung kakampihan nya diba Miss?" sabay tingin kay miss ayun si miss nagulat hahaha sabi na ei tama ung iniisip namin ei, nagpatuloy magsalita si Camille."At sa susunod na may bibigay kang evidence siguraduhin mo kumpleto ha madaya ka ei." tama kaya ayun na nahimik sila.
"Hayyy hindi pala maganda dito pagaralin ung mga anak namin, kahit pala mali ung ibang students mas kakampihan un kasi kamag-anak." sabi ni mommy
"Agree ako dyan Mrs. Ramos hayaan mo Miss wala ka ng aalalahin kasi ililipat ko na ung anak ko." sabat ng mommy ni Jasmine. pagkasabi nya nun lumabas na sila ng asawa nya. Bago umalis ung mommy ni Camille lumapit muna to kay Miss tsaka may binulong at nakita namin sa mukha ni Miss ung takot, pagkabulong nung mommy ni Camille lumabas na sila kaya sumabay na sila mommy pati ung mama ni Agatha.
Kaya kami nalang nila Agatha ung naiwan, nagkatinginan kami sabay tango hahaha alam ko na binabalak neto. Pagkatango namin lumapit kami dun sa apat at bigla namin sinampal hahaha deserve nila un.
Biglang tumayo si Miss at tinanong kami "Bakit nyo ginawa yon ha gusto nyo bang maglinis ulit ng Restroom?" sumimangot tuloy kami pano naalala na naman namin pero bigla lumapit dun si Camille.
"Wag nagaalala Miss deserve nila un hahaha, paalala lang miss kick out na kami diba ay mali pala kusa pala kaming aalis, eto tandaan mo Miss wag kang magsisi kasi kinampihan mo ung pamangkin mo!! So bye na Miss eto na ID namin saksak mo sa baga mong violet." sabay sabay naming nilapag ung ID namin sabay labas.
__________________________________
[Si Althea Nicole Ramos po ung nasa Multimedia😊]
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Novela JuvenilMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?