22. Tipo ni Agatha

116 13 11
                                    

Liam's POV
Nandito kami ngayon sa isang Beach ewan ko ba kay ma'am bakit kami nakarating dito, ang sabi sa orphanage tapos nandito kami, basta sabi nya bumaba na daw kami at pumunta na sa kanya kanya naming room. Nangbmaassist na kami ng staff dito nilapag muna namin ung bag namin at nahiga saglit.

Bakit kaya tayo nandito no ang sabi kahapon sa orphanage daw tayo pupunta pero nandito tayo sa beach. tanong ko sa kanila.

Oo nga ei, baka naman pinagrerelax muna tayo ni ma'am baka madami tayong gagawin sa orphanage. Tara maglibot muna tayo. aya ni Lawrence kay sumunod na kami.

Paglabas namin ng pinto nakita namin sila Agatha papasok na sa katapat naming kwarto, grabe tadhana na naglalapit samin hahaha. Jk.

Sinusundan ata tayo ng malas aba kagroup na nga natin, katabi na natin hanggang sa kwarto magkalapit pa din? pangaasar ni Lucas sa Apat, bwisit talaga to ei nanahimik ung apat ei.

Kung makapagsabi ng malas ei, kala mo naman gusto din namin silang kasama. sabat ni Althea.

Hindi nga ba ginusto? Baka naman pinilit nyo si ma'am na makasama kami. Amin amin din. dugtong pa ni Lucas, bwisit na to ayaw talagang magpatalo. Pumunta kami ngayon sa wishing well, ewan ko ba sa mga to bakit kami na punta dito basta pagkalagay ng gamit namin sa kwarto nagaya kaagad si James na tumabay, sa halip na matulog na muna kami. Nakakapagod kaya ung byahe grabe naman kasi hindi na ako nakatulog kahit konti, naiilang kasi ako sa presensya ni Agatha, ung feeling na konting dikit lang nya sakin parang ako nakukuryente. Sabihan nyo na akong bading pero wala ei masyado na akong tinamaan kay Agatha na love at first sight ata ako ei.

Anong trip mo James at nagaya kang tumambay kasya matulog at magpahinga tayo sa kwarto? Hindi kaba napagod sa byahe? tanong ko aba ako'y antok na antok kung hindi talaga to mga magagalit magpapaiwan ako ei.

Pano ka nga makakatulog ei panay ang titig mo kay Agatha kanina habang natutulog sya. asar ni Lawrence putcha nahuli pala ako hayst. Ikaw nga ay umamin samin crush mo ba si Agata?.

Hindiii aa huwag kayong maissue dyan tsaka anung titig na titig, parang ikaw nga yung nakita ko kanina ei. inaasar ko din sya hahaha pero totoo nakita ko din syang tumitig kay Camille kanina pero saglit lang un, magkatapat kasi ung upuan namin kaya ko na kita.

Hoy Liam huwag mong baliktarin ung usapan, ako pa gagawan mo ng issue ah gusto tadyak? palusot pa ni Lawrence kaya tinawanan ko nalang sya.

Pero hindi nga Liam, may crush ka kay Agatha? sumagot ka lang ng totoo aa. Tadyakan ka namin, tsaka samin kapa nagtago ei kilalang kilala ka na namin, pati kulay at tatak ng brief mo alam namin. Hahahahaha. sabat at tanong pa ni Lucas.

Hindi ko na kailangan pang umamin halata nyo naman pala ei, tsaka wala na ding silbi ung pagkacrush ko sa kanya kasi parang wala din akong pagasa dun lalo na magkaaway ung grupo natin at grupo nila diba. sagot ko kaya natahimik silang tatlo, tama naman kasi ako baka mas lalong sya maturn off sakin.

Un lang ba ung problema mo? Huwag kang magalala gagawan natin yan ng paraan diba Lawrence? Hahahaha ikaw lang makakapag patigil nung hidwaan natin between sa kanila. Para sa lovelife ni Liam hindi na natin sila aawayin. sabi ni James sabay taas ng kamay tapos nagform kami tatlo maliban kay Lawrence ung parang sa maiba taya hahaha. Tapos sabay sabay kaming tumingin kay Lawrence.

May magagawa paba ako? tsaka nakakasawa na din ung puro away. Para sa lovelife ni Liam. parang pilit na sangayon ni Lawrence hahaha.

Salamat sa inyo, pero sana satin satin muna aa wala pa naman akong balak ligawan sya hanggang hindi pa humihilom ung mga nagawa natin sa kanila at ginawa nila satin. sabi ko sa kanila at inaya sila sa kwarto para makatulog bago mag dinner halos magagabi na din kasi ei.

The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon