Patricia's POV
Nang makalabas kami ng Canteen dumeretso kami sa locker ni Althea para makakuha ng extra nyang uniform. Nang matapos na si Althea nagmadali na kaming pumasok sa room pano ba naman kasi late na kami bwisit puro kamalasan naman ngayong araw. Pagkadating namin nandun na ung teacher namin. Kaya ayun pumasok na kami at naupo na sa mga upuan namin."So again Good Morning class Im Mrs. Angeline Romero ako ang magiging teacher nyo sa History, so now kayo naman ang magpakilala" haysst introduce your self na naman nakakapagod kayo. So ayun nagsimula na sa una.
Fast Foward
Haysst after many hours(hoy Camille minuto lang hahhaa.. Opss sorry agad. 😂) kaming walong nasa likod nalang ang hindi pa nagpapakilala. Kaya tuumayo na ung lalaking nasa kabilang dulo namin.
"Hellooo guysss Im James Carl Santiago 16 years old syempre ang pinaka gwapo sa grupo namin, diba girls? " sabay kindat sa mga girls naming kaklase kaya ayun nagtilian kaya napatakip kami ng tenga bwisit., wait pala guys alam nyo ba 36 kami 18 Girls tapos 18 din ung boys.
"Ay ang yabang naman kala mo gwapo talaga tapos mukha pang babaero haysst may pakindat kindat pang nalalaman " bulong ni Jasmine napakasungit talaga kaya siniko ko tsaka ko nilakihan ng mata aba mamaya may makarinig sa kanya ei, mahirap na.
"Hello Liam Kim Rodriguez at your service hahaha Im 16 years old ang pinakamabait na tao sa mundo"
"Sus pinakamabait daw ako kaya pero ang gwapo aa" sabi ni Agatha kaya ayun narinig nung katabi nya, edi ung resulta tinukso sya.
"Wait Liam may sinasabi ung katabi ko, ano ulit miss sinasabi mo Gwapo si Liam ? uyyy crush mo si liam no. " sabi nung katabi hahaha ayun ung Mataray naming kaibigan namula.
"Hoy wala akong sinasabi baka guni guni mo lang un. Althea diba wala naman akong sinabi ganun " sabay laki ng mata kay Althea haha naghahanap to ng kakampi kaya sumenyas nalang si Althea na wala. "Oh diba walang narinig ung katabi ko kaya guni guni mo lang un" dagdag pa ni Agatha.
"Naghanap ng kakampi, pero Liam narinig ko talaga. " pangaasar pa nung katabi nya.
"Thank you Liam so sino na next paki bilisan magtitime na. " sabi ni Ma'am kaya tumayo na ung isa.
"Good Morning Im Lawrence Kyle 16 years old " pagkasabi nya naupo na sya walng tinging tingin sabay upo nalang, ay masungit bagay sila ni Jasmine.
"Helloooo Ako nga pala si Lucas Andrew Ford 16 years old. Hello nga pala sa may crush dyan kay Liam, crush ka din daw nya hahaha" asar nya kay Agatha, pero inirap lang siya ni Agatha sabay tayo, aba ang gaga nangbunggo pa.
"Hello Im Princess Agatha Gomez you can call me Agatha 16 years. " pagkaupo ni Agatha sumunod na si Althea.
"Althea Nicole Ramos 16 sana maging friends tayo lahat. " masiglang sabi ni Althea pagkatapos nya sumunod na si Jasmine.
"Jasmine Claire Williams 16 years old Thank you" pagkatapos nya sumunod na ako.
"Patricia Camille Alcantara 16 years old" habang nagpapakilala ako tumataw ung mga kaklase ko kaya tinignan ko sila.
"Class quite plss Camille tara dito" tawag sakin ni ma'am kaya lumapit ako "Buwan ba ng Menstruation mo ngayon? " kaya nagtaka ako kasi alam ko next week pa ako magkakaron. "Opo ma'am kaso po next week pa bakit po? " tanong ko kay ma'am. "May tagos ka kasi ei" sabi sakin ni ma'am hala sabay tingin ko sa palda ko at nakita ko ngang may kulang red. Shitt pano nangyari un, sa sobrang hiya namumula na ako kaya tinignan ko ung mga kasama ko. Kaya nagtaas si Jasmine ng kamay.
"Ma'am samahan lang po namin si Camille sa restroom po"
"Sige Jasmine bell naman na din ei kaso bilisan nyo aa baka dumating na ung next teacher nyo. "
"Sige po ma'am salamat po, ma'am ko na din po sila Agatha at Althea po aa" pagkatango si ma'am umalis na kami pero bago kami makalabas narinig pa namin ung tawa ni Lucas bwisit.
"Plsss Agatha pakikuha nga ung extra kong palda sa locker. Althea pabili ako ng napkin plss" utos ko shit gusto ko ng magpakain sa lupa nakakahiya.
"Una na kami sa Restroom ni Camille aa dalin nyo nalang dun. " sabi ni Jasmine tsaka ako inaya sa Restroom.
At Restroom
Pagkadating namin dun nilock ni Jasmine ung pinto tsaka ng lagay ng "Bawal pumasok may multo" haha luka talaga ei.
"Pwede mo ng alisin ung palda mo may doble ka naman na short diba" tanong ni Jasmine tapos tumanho ako sa kanya tsaka ko hinubad ung padla ko. "Wait Camille diba dapat next week kapa magkakaron?"
"Kaya nga ei nagtataka din ako ei" sabi ko sa kanya kaya tinignan ko ung palda ko, pero nakakapagtaka bakit parang hindi naman dugo kaya hahawakan ko sana pero pinigil ako ni Jasmine kaya tinignan ko sya.
"Wait ano gagawin mo? Hahawakan mo alam mo naman na malangsa nyan hahawakan mo pa? "
"Gaga kaba sa tingin mo hahawakan ko talaga yan ung dugo yan. Hindi kaba nagtataka tignan mo oh parang hindi naman dugo. " sabi ko sa kanya kaya tinignan nya nang mabuti.
"Shete Camille alam ko na pintura lang yan. Sino naman kaya ang naglagay ng pintura sa upuan mo" tanong sakin ni Jasmine.
"Malamang hindi ko alam, ang alam ko lang ngayon sinadya un, halata naman eh ako lang meron tapos kayo wala" bwisit ka kung sino ka man, humanda ka sakin. Buti nalang dumating na sila Agatha at Althea kung hindi nalate na naman kami. Tsaka ko na sasabihin sa kanila ung napagusapan namin ni Jasmine.
At Classroom
Nang makapasok na kami tinignan ko ung upuan ko at nakita ko nga may pinturang red nga shet. Buti nalang may pinakuha daw si Ma'am na extrang upuan sabi ni Althea kanina. Nang makaupo na kami, btw. Tumabi muna ako kay Agatha wala lang trip ko lang (Author : Makikichismis ka lang ei) hoy author hindi aa istorbo ka sa story ko aa😂(Author: hala sorry na agad sige bye na) mamaya maya naupo na din ung iba naming kaklase sa kanya kanyang upuan. Nang makaupo na si Lucas (kilala ko na no. Mukhang mabait kasi kaso nga lang palaasar lang.) sa upuan nya may binulong kay Agatha
"Hi Agatha pinahihingi pala ni Liam ung number mo crush ka din daw nya ei" bumulong pa rinig ko din naman.
"Lucass umalis ka sa harap ko hindi tayo close tsaka hindi ko sya crush baka ikaw ang may crush sa kanya"
"Bukod sa Crush mo si Liam, feeling ka din pala kasi wala naman ako sa harap mo nasa gilid mo ako ano ba yan Agatha tsaka hindi kami talo ni Liam dyan ka na nga" sabi ni Lucas tsaka sya nakipaghuntahan dun sa gilid nya ung crush daw ni Agatha.
"Ehem may dapat kang ipaliwanag samin mamaya Agatha" sabi ko sa kanya tsaka tumingin na sa harap kasi dumating na ung susunod naming teacher.
____________________________
(Si Patricia Camille Alcantara po ung nasa Multimedia 😍)
Pasensya na guys ngayon lang ako nakapagupdate. Thank you so much pala sa patuloy na pagbabasa love you my BABY LOVES.
BY. MissRlovesKAOSETH
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Teen FictionMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?