Camille's POV
Nandito kami ngayon sa garden wala daw ung second teacher namin sa hapon so tumambay muna kami dito.
Kamusta kaya sila James no? hindi kasi diba sila pumasok kanina. tanong ni Jasmine.
Ayiee hinahanap nya ung crush nya hahahaha huwag kang magaalala bhie mahaba siguro ung meeting nila. asar ni Agatha, kaya ung isa namula aba may crush nga dun.
Wait Jasmine crush mo nga ung mukhang babaero na un? tanong ko aba baka saktan nya ung bestfriend namin.
Ha? hindi ko nga sya crush ano ba kayo. Gusto ko lang makita kung ano ung itsura nila sa mga ginagawa natin diba. Kayo ba ayaw nyong makita kung success ba o hindi. palusot na sagot ni Jasmine ei alam naman namin ung totoo kasya magalit pa samin ei paniwalaan nalang natin.
Oo nalang... pangaasar pa ni Althea kaya nilakihan ko ng mata ayun na nahimik na.
Bhiee ayun si James oh! turo ni Althea, ung babae naman to sabay tingin, hindi pala crush aa. Hahahahaha hindi pala crush aa. natahimik tuloy ang gaga.
Tigilan nyo na si Jasmine baka mapaamin natin yan sa wala sa oras ei hindi naman na natin un kailangang malaman kasi halatang halata na sya ei. Sa ngayon kailangan natin ng information tungkol sa mga kaaway natin bukod sa pangalan nila at ung pagiging officer nila. awat ko na sila baka kasi humaba pa ei
So kailangan natin magtanong tanong sa mga ibang students dito. suggest ni Althea na kaagad naman naming sinang-ayunan. Wait ayun oh, Miss ung nakaheadband na blue na may bag na kulay pink. sigaw nya kaya tumingin samin ung babae na mukhang grade 10 na.
Ako po ba ate tinatawag mo? tanong nung babae.
Yes miss ikaw nga, ikaw lang naman nakaheadband dyan aa. pilosopong sagot ni Althea kaya ginatukan ko aba puro kalokohan to aa, mamaya maoffened un ei. Pero lumapit pa din ung babae, buti nalang mabait to.
Pasensya na ate hahaha pero bakit po ate? tanong nung babae
Hello may itatanong sana kami sayo pwede ba? Ako nga pala si Jasmine tapos etong mga to mga kaybigan ko sila si Camille, Agatha, Althea. Ikaw ano naman pangalan mo? pakilala ni Jasmine so ngumiti nalang kami.
Hello din po ako nga po pala si Janice Santiago, Grade 10 ano po ung itatanong nyo? wait kayo po ung mga transferee na napagtripan na bulihin nang mga King at Queen dito po aa. sagot ni Janice mabait naman pala talaga.
Ayun sana ung itatanong namin sayo, pwede bang magkwento ka about sa kanila? Wait kilala mo ba sila o may mga information kang alam tungkol sa kanila. tanong ni Agatha
Okay mga ate, wala naman pong problema dun mukhang astig naman po kayo ei pero bakit kaya kayo napaginteresan ng mga yun haysst pero malay nyo po baka po kayo na ang sagot para mabago na po ung rules dito lalo na ung mga pangangalakad ng mga Queen. Alam mo ate ang ganda mo bagay ka maging Queen promise. turo nya sakin kaya nag thank you ako,tapos nagpatuloy lang sya. Unahin na po natin ung mga Queen, ang pinaka queen at ang pinaka bully po dito ay si Liza Zamora always po syang nambubully kasi po boyfriend nya po ung President at King. bwisit talaga ung bruhilda na un ei humanda talaga sya sakin. Ang mga alaylay po nya ay sila Carla, Claire, Christina.
Wait Janice triplets ba ung tatlo na un? Puro C kasi simula ng name nila. tanong ni Althea, oo nga no hahahaha.
Yess ate so ngayon naman po sa mga King na tayo unahin napo natin si Kuya Liam sya po ung pinakatahimik at pinakamabait sa kanila, isa po sya sa pinakamayan sa grupo nila, si Kuya Lucas naman po ang pinakamaharot at mapangaasar sa kanila pero pikon naman po, katulad din po ni Kuya Liam mayaman din po sya, next po ay si Kuya Lawrence sya naman po ang pinaka leader, President ng SCG at higit sa lahat po ay ang pinakamasungit at ang pinakamayaman po sa grupo nila, at lastly po ay si Kuya James sya naman po ang pinakamayabang at pinakababaero sa kanila at sumunod po sa mayaman. sasabay sabay kaming tumingin kay Jasmine nung sinabi ni Janice na si James ung pinakamayabang at pinakababaero sa grupo nila, pero inirapan lang kami. Bakit po kayo napatingin kay ate Jasmine crush po nya un? tanong ni Janice.
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Novela JuvenilMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?