Agatha's POV
So ayun na nga umalis na ung mga kasama ko pero ako eto sobrang gulong-gulo kasi naman, hindi ko maimagine na hindi pala totoo ung lahat ng nakita at narinig ko kanina bago ako pumikit. Kaya sa halip na mabaliw ako kakaisip, nanuod nalang ako ng movie.
Nakakailang movie na ako pero wala pa din ung mga kasama ko. Kaya napag desisyonan ko ng bumaba, pero tinignan ko muna ung sarili ko sa salamin baka kasi sobra pa ung maga ng mata ko.
Nung okay naman na ung mukha ko lumabas na ako, habang pababa na ako nakasalubong ko si Liam, tatawagin ko sana kaso nilagpasan ako. Hindi ko napasansin na may tumulong na palang luha kaya dali dali kong pinunasan, shit bakit ganun medyo nahurt ako sa ginawa nya, crush ko lang naman sya ah pero bakit ganun.
Hindi ko na napansin nandito na pala ako sa pinto ng dinning room bubuksan ko na sana kaso may nagbukas na nun.
Oh bakit bumaba kapa? dahil nga nakayuko ako , nagulat pa akong napatingin kung sino ung nagsalita, hindi na din ako nakasagot.
Ay lalim ng iniisip ah, tara na nga sa room natin dun mo nalang to kainin. tumango nalang ako, nawalan na din ako ng ganan eh, ewan ko ba hindi din mawala sa isip ko kung bakit bigla nalang ako hindi pinansin ni Liam.
Liam's POV
Pagpakapasok palang namin sa loob ng dinning room, hinanap kaagad ng mata ko si Agatha kaso wala.
Mga bro kila Jasmine na tayo tumabi ah. sabi ni James kaya tumango nalang kami, ng makaupo kami tahimik lang kaming kumain. Pero panay tingin ko kila Camille, nahihiya kasi akong tanungin kung nasan si Agatha.
Kung hinahanap hinahanap mo si Agatha nasa taas hindi na namin pinababa dahil sobrang maga ng mata nya. biglang sabi Althea kaya nagulat pa akong napatingin sa kanya.
Ahm Liam pwede ba naming malaman bakit kasama mo si Agatha? At bakit ayaw mong ipasabi na ikaw naghatid sa kanya? Pero thank you tanong ni Camille.
Sa totoo lang nacurious kasi ako kanina nakita ko kasi syang hindi mapakali tapos bigla syang umalis at dahil nga nacurious hinanap ko sya tapos ayun nakita ko sya sa dulong cr humahagugol ng iyak kaya nilapitan ko. May nagtecs din sa kanya , ayaw ko sanang pakielaman kaso baka kako importante, B ang tawag sa kanya eh rereplayan ko sana kasi nagaalala sa kanya kaso nalowbat phone nya eh, tsaka trip ko lang na huwag ng pasabi haha . kwento ko sa kanila, sa totoo lang nung nabasa ko ung tecs sakanya na yun nasaktan ako.
Ah ex nya yun, na kwento nga nya samin na nagparamdam daw ulit ung ex nya grabe din kakapal ung mukha ng ex nya pagkatapos iwan ung Bestfriend namin tapos paparamdam pa. gigil na sabi ni Jasmine, bigla natawa ung puso ko kasi nalaman kong ex nya yun kaso bigla akong napahinto sa sinabi ni Althea.
Pero kahit sinaktan na sya ng ex nya mahal na mahal pa din ni Agatha, kahit ilang beses na namin syang pagsabihan na mag move on na sya pero palagi nyang sinasabi na first love never die.
Wow iba palang magmahal si Agatha, siguro first boyfriend nya yun? tanong ni Lucas sabay tingin nya sakin kaya tinignan ko ng masama.
Oo sinabi mo pa , tsaka alam nyo ba magbestfriend din yun grabe nga eh, kung hindi sya iniwan nun siguro sobrang tatag nila. At eto pa never ng nagboyfriend si Agatha simula nung nahiwalay sila palagi nya kasing nirereject eh. Madami na nga kaming inireto sa kaniya kaso wala masyado daw nya mahal ewan ba namin sa babae yun wala kami magawq kaya pinoprotektahan nalang namin sya hanggat maari iniiwasan naman na mabanggit tungkol sa ex nya . kwento pa ni Althea, putch eto na naman ung puso ko eh masyado na ata akong nafall kaso ang hirap naman ipaglaban dahil sa umpisa palang alam mo ng talo. Pero handa ko syang mahalin kahit sa malayo. Dahil ayaw ko ng makarinig ng kwento sa kung gaano nya kamahal ung ex na tumayo na ako, medyo na gulat pa mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
JugendliteraturMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?