19. Min - Min

142 8 2
                                    

Jasmine's POV

Nang makahiwalay hiwalay kami kanina sa school dumeretso na ako sa bahay namin hayst 1 hour na byahe na naman to, sana pala dinala ko na lahat ng gamit ko ng hindi na ako pabalik balik. Habang nasa byahe ako biglang tumawag sa gc namin si camille so sumagot na ako kaagad baka maging dragon nato eh mahirap na, nang masagot bumungad sakin ung nakasibangot na mukha ni Camille.

Oh bakit nakasibangot ka dyan mukha kang mangkukulam dyan. biro ko ang luka lalong bumisangot hahaha.

Huwag mo akong mabiro - biro Jas wala ako sa mood, tsaka bakit ba ang tagal sumagot ng mga un.

Aba malay ko baka nasa byahe palang din tapos si Agatha naman siguro nagluluto na. Speaking of byahe ikaw nasa byahe ka palang ba?

Oo pabalik na din ako sa bahay tapos ko nang kausapin si Mommy.

Hanep ka talaga parang 1 hour mo lang tinakbo balikan hanep believe talaga ako sayo? ei halos isang oras at kalati ung layo ng bahay nyo. gulat kong sabi kay Camille aba nakakatakot un aa

Hahaha hindi kasi masyadong traffic oa mo naman tsaka kilala mo naman ako diba. habang naguusap kami ni Camille sumagot na din ung dalawa.

Haysst buti nalang sumagot na kayo, sobrang tagal na namin kayo hinihintay. sermon ko sa dalawa.

Oa mo naman Jas 20 mins lang kayo naghintay ei, pero pasensya na din tuma2ag kasi si daddy so un muna inuna kong sagutin baka magalit ei. Pero ano nga un Camille bakit ka napatawag? Tanong ni Althea.

Sorry guys nagluluto kasi ako ng pork steak ei naiwan ko pala ung cellphone ko sa sala kaya ngayon ko lang nasagot. By the way nasan na ba kayo? tsaka Camille kamusta naman ung group natin napalit ba? hinging pasensya ni Agatha.

So ayun nga ung dahilan ko kaya ako napatawag sa inyo, ayaw pumayag ni mommy kasi daw mas maganda daw kung sila kagroup natin mas mababantayan at matutulungan daw nila tayo tsaka malaki daw tiwala ni mommy sa mga un tapos kung ayaw daw natin huwag nalang daw tayo sumama. Tapos sabi ko sa kanya na hindi nalang ako sasama kaso sabi ni mommy at daddy hindi daw nya ako bibigayan ng allowance tapos sasabihin daw nya kay Ate Zandra na isasama daw ako sa America, kakasura talaga. inis na kwento ni Camille samin, haysst grabe naman sila tito marami naman na pwedeng namin makasama ei.

Edi wala na talaga tayong magagawa dun, goodluck nalang satin hayst pano ba yan bye na malapit na ako sa bahay, see you mamaya. paalam ni Althea sabay baba ng cellphone nya.

Sige bye na din pauwi na pala ako ulit sa subdivision, byeee. bye din ni Camille so kami nalang ni Agatha ang naiwan.

Hi Jas kamusta naman ang puso natin dyan, excited naba? kagroupo mo ung crush mo aa hahahahaha. pangaasar pa ni Agatha.

Ewan ko sayo Agatha sabi na ngang hindi ko un crush ei baka ikaw kamo may crush kay Liam. pangaasar ko din sa kanya.

Kupoo naman sakin pa binaling ung asar, pasensya kana ms. Jas may nagmamay ari na ng puso ko tsaka loyal ako aa. Bye na nga. paalam ni Agatha, so ako nalang natira kaya pinatay ko na din malapit na din kasi ako sa bahay ei.

Pagkarating ko sa bahay syempre wala na naamn sila mommy so si manang ung sumalubong sakin.

Hello manang I miss you so much, kukuha lang po ako ng mga extrang gamit kasi po may project po kami bali 2 weeks po kami sa baguio. Tsaka po manang napansin nyo po ba ung necklace nabinigay po sakin ni JK dati? tanong ko kay manang mula kasi nung lumipat kami kila Camille hindi ko na sya nak8ta kaya baka nandito lang.

Oo anak napulot ko sa kwarto mo nung naglinis ako, andun lang sa drawer mo nasa box na maliiy. Anak dito kaba kakain? ipaghahanda kita ng makakain. alok sakin ni manang.

Hindi na po manang nagluto din po kasi si Althea ng dinner namin ei, amm sandwich nalang po bago po ako umalis kakain, salamat po akyat na po ako aa. paalam ko kay manang tsaka ako umakyat sa kwarto ko.

Dumeretso kaagad ako sa drawer para hanapin ung necklace, un na nga lang alala sakin ni JK dati ei hindi un pwedeng mawala. Nang makita ko na sinuot ko na kaagad ng hindi ko pa makalimutan. Haysst JK kamusta kana kaya, nagsisi tuloy ako hindi ko nahingi ung full name mo hindi ko tuloy makita sa kahit anong social media.

Nang makatapos akong magmuni muni nag ayos na ako ng mga gamit ko, nang makatapos ako bumaba na ako at nagpaalam na kay manang gagabihin kasi ako sa byahe neto ei baka traffic pa. Kaya hindi na rin ako nagtagal sa bahay wala din naman kasi sila mommy ei.

James's POV

Nandito kami ngayon sa Resto Bar ni kuya Lance, gusto naming magrelax muna, sure kaming sobrang gulo at boring ung week namin ngayon, pano ba naman kagrupo namin sila Jasmine eh.

Grabe mga bro nanyari kanina ang tapang pala ni Camille nakita nyo naman siguro ung ginawa nya kila Liza? putcha bro parang mangangain ng tao tingin pala ei. mangha ni Liam kay Camille.

Grabeee talaga ung akala natin lampa at mahinhin un pala mala tigre kung magalit, naaawa nga ako kay Liza kanina ei, tapos Jowa nya nakatingin lang sa kanya hahahaha. Pero Lawrence bakit nga pala nagiba ung ihip ng hangin at hindi mo tinulungan kanina si Liza? tanong ni Lucas, oo nga no ayaw na ayaw pa naman nya na nasasaktan si Liza pero kanina pinanuod lang nya.

Break na kami nahuli ko sya sa Garden kaninang umaga may kayakap at sinasabi nya na ginamit lang nya ako para sumikat sya. Putcha mga bro tumagal kami ng 2 years tapos malalaman ko ginamit nya lang ako. Bakit magkakaron pa ako ng pake sa kanya diba hindi nga daw nya ko mahal ei. sabi ni Lawrence na halos mangiyak ngiyak. Shit need netong uminom ng malabas ung sakit na nararamdaman neto. Kaya umorder kami ng isang case ng beer.

Ei walang hiya pala ung babae na un, tama lang si Camille sa ginawa nya kay Liza deserved nya un. galit na sabi pa ni Lucas.

Tayo'y uminom nalang ng makalimutan ko ung babae na un wala syang kwenta manggamit sya. sigaw pa ni Lawrence kaya hinayaan nalang namin uminom nang uminom baka samin pa yan magalit eh.

Hayst kawawang Liza sinayang si Lawrence, sure akong kapag nalaman ng ibang humahanga kay Lawrence lalo na sa school ung ginawa nya kupo lagot talaga. sabi ko.

Ikaw ba James kailan ka titigil sa pambabae mo? kapag ikaw may nakatapat sure ka hahahaaha, magka aids ka sana. asar pa sakin ni Liam na akala mo ei sya hindi babaero.

Nagsalita ang matino, akala mo eh hindi nambababae kapag hindi kami nakatingin, hay naku Liam at James ayaw nyong gumaya sakin sobrang tino. sabi ni Lucas kaya binatukan namin aba akala mo eh matino din.

Lucas ikaw tumahimik - tahimik lang isa ka ring babaero kaya huwag kang magmalinis dyan, ako kailan titigil siguro hindi pa sa ngayon hindi ko pa nakikita si Min-Min eh. hayst kailan ko kaya makikita si Min-Min ang dami ko ng nakikilalang babae pero wala ni isa sa kanilang nagpatunay na sila si Min-Min. Ang tangi naming alala - alala sa isa't isa eh ung promise ring namin.

Bro ang tagal na nun hindi mo pa rin sya nakakalimutan? mga bata pa tayo nun aa, baka nga may asawa o jowa na ngayon un. asar pa ni Lucas, gago talaga to ei babatukan ko na sana buti nalang nakalayo sya bwisit.

Lumipas ang ilang oras nag aya na si Liam na umuwi, medyo may tama na kasi kaming lahat lalo na si Lawrence hayst kawawa naman. Tsaka may lakad nga pala kami bukas hayst, sure bangag kami neto. Inom paaa

Nang makauwi na kami dumeretso na kami sa kanya kanya namin kwarto para matulog na....

_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_::_

Enjoy poooooo, abang abang sa next update.

BIG QUESTION?

Magiging daan nga ba ung project nila para Magkakabati na ung dalawang grupo o mas titindi pa ang away.

The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon