Lucas's POV
After ng nangyari samin ni Althea sa bar naging awkward kami sa isa't isa , na halos kapag nagkakatagpo kami iniiwasan nya ako kahit sa bar nakipagpalit pa sya ng group kay Agatha kaya sya ang kasama namin sa performance. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla syang umiwas , para sakin wala naman masama ung pagtingin ko sa kanya, oo awkward nung pagbaba namin kasi tinukso kami ng mga kaybigan namin pero hindi yun nag tagal .
Tapos eto pa ah palagi nya akong pinupush at palaging tinutukso kay Camille, pero kami ni Camille tinatawanan lang namin kasi alam namin sa sarili namin na magkaibigan kami. Kaya kapag nagkikita kami , kapag napapansin kong umiiwas sya umiiwas na din ako kasi ayaw ko naman na magkaroon ako ng bad image sa kanya.
Ngayon back to school na kami ulit hindi ko alam kung papaano ko sya makakausap ulit , aba miss na miss ko na sya kaso wala naman akong karapatan na mag demand. Sana naman magkaayos na kami kasi naman mas nagiging close na ung kaibigan nya at kaibigan ko , ang hirap naman gumalaw kapag ganun . Actually ngayon gumagayak na kami kasi dun kami kila Camille mag aalmusal dahil nagplano silang sabay sabay na kaming pumasok. Hays buhay mapapasana all nalang talaga ako kay Liam kasi naman okay na sila ni Agatha nagpapansin na ulit sila, sila Lawrence at Camille ganun parin pero walang awkward na makikita parang normal lang tapos sila James at Jasmine okay din , kami nalang talaga ang hindi.
Ano mg bro tapos na ba kayo? Nagtecs na si Jasmine okay na daw ung pagkain, at bilisan daw natin kasi ayaw na ayaw daw ni Camille na malate. sabi ni James habang nagaayos.
Ako tapos na , kayo ba?
Tapos na din kaming dalawa ni Liam magayos ano tara na ba?. sigaw ni Lawrence na kakalabas lang ng pinto.
Tara baka maging dragon pa si Camille mahirap na baka sunugin tayo nun. Tsaka baka lalo akong hindi pansinin ng myloves ko.
Haha kakawang Lucas , sigile ka kasing titig ayan tuloy na awkward sayo. Umamin kana ba same kayo ng feelings haha. asar ni Liam Sus nagasalita ung nakaamin na. bwelta naman ni James kaya tawanan kami.
Pagkatapos namin magasaran pumunta na kami kila Althea, hindi na kami nagdala ng sasakyan kasi malapit naman sila tapos baka sumabay na din kami papuntang school para deretso na. Pagkarating namin naupo muna kami habang hinihintay namin silang bumaba para makakain na.
Hi good morning sa inyo, tara kain na tayo. aya nila pero wala si Althea kaya itatanong sana pero biglang nagsalita si Liam.
Agatha nasan daw si Althea? Miss na daw kasi ni Lucas. bwisit na liam talaga to babatukan ko na sana kaso tumakbo kaagad.
Ay naku sinundo kahapon , dumating kasi ung anak ng kaibigan nila tita susunod nalang daw sya . O sya kain na tayo bago pa lumamig ung pagkain natin. Ah okay sa school ko nalang sya kakausapin , hindi ko na talaga kayang hindi sya makausap eh .
Nang matapos na kaming kumain , sinabi namin na sa kanila nalang kami sasabay pumasok, pumayag naman sila kaya sabay sabay kaming pumasok.
Althea's POV
Good morning people kamusta kayo? Ako kasi happy ngayoonnn. Sa wakas makakasama ko na ung best friend/ firstlove koooooo(Author: Paano na nyan si Lucas) hayst naku author huwag mo nang isingit si Lucas , handa akong magpaubaya basta sa kaibigan ko. Sorry ang talandi ko ngayon hahaha basta masaya ako sobrang tagal kasi namin hindi nagkita paano ba naman nasa America sya nagaral at tumira. Buti nalang talaga lumipat na sila dito sa Philippines. At ngayon susunduin nya ako dito sa bahay dahil sabay kaming papasok ngayon, dahil sa school namin sya papasok. Mga ilang minuto dumating na sya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
JugendliteraturMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?