29. Promise

70 4 2
                                    

Liam's POV

Kanina ko pa tinitignan si Agatha , hindi kasi ako mapakali kasi parang may something ei ,kanina ang aliwalas ng mukha nya pero ngayon sobrang lungkot at parang any time may luhang babagsak sa mata nya , nakatitig lang sya sa phone nya. Habang nagiisip ako bigla may nangalabit sakin kaya ako nabalik sa ulirat at paglingon ko si Lawrence pala.

Bakit pre?

Wala naman pre baka kasi matunaw mo na yan si Agatha ei tulala kana tsaka bakit mo ba tinitignan? Baka lalo kang mahulog yan. seryosong sabi nya.

Oy oa mo naman sa matutunaw, napapansin ko kasing hindi sya mapakali parang may problema ei. Curious lang naman. sabi ko hindi naman na sya nagsalita kayo tumingin na ulit ako sa nagsasalita.

Lumipas ung ilang minuto, hindi ko alam pero napatingin ulit ako sa pwesto ni Agatha. Nagtaka ako kasi biglang nawala si Agatha sa pwesto nya. Dahil hindi na nga din ako mapakali nagpaalam muna ako sa mga kasama ko na mag ccr ako. Hindi naman sila sumagot kaya umalis na ako at hinanap ko na si Agatha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari.

Nilibot ko na lahat ng mga restroom dito pero wala sya. Tinatanong na nga ako ng ibang sister dito kung ano na daw hinahanap ko kasi naman pati daw restroom ng babae pinapasok ko. Kaya para hindi sila magisip ng kung ano ano sinabi ko nalang na hinahanap ko ung girlfriend ko. Buti nalang kamo natanong nila ako kasi nabanggit nilang king hindi ko daw makita sa mga restroom na malapit ,baka daw nasa medyo dulong restroom. Nang maituro nila ung daan dumeretso na ako kasi malakad ung kutob ko na nandun sya.

Nang makarating ako agad agad ko syang hinanap sa mga cubicle, buti nalang walang mga tao dito dahil halos may mga nasign na sira ung flush or may sira. Malapit na ako sa huling cubicle nang may marinig akong hagulgol kaya tumakbo na ako at dahan dahan kong binuksan ung pinto. Thank God nakita ko na sya at nagulat ako na kita ko.

Nakayuko lang sya at umiiyak gustong gusto ko na syang yakapin pero parang may pumipigil sakin kaya nakatayo lang ako sa harap nya at nakatingin sa kanya. Mga ilang minuto akong nakatayo sa harap nya ng bigla nya inangat ung ulo nya pero dahil nga sa mga luha nya sa mata nya alam kong hindi nya ako nakilala kasi bigla syang yumuko ulit. Nang makita ko ung mukha nya hindi ko na napigilan ung sarili ko, naupo na ako sa tabi nya at isinadal ko ung ulo nya sa balikat ko at hinayaan ko syang umiyak ng umiyak. Lumipas ng ilang minutong nakaganun kaming pwesto ng bigla syang nagsalita.

Maraming Salamat sayo. sabi nya.

Welcome my Princess, nandito lang ako hinding hindi kita iiwan promise ko yan sayo.  sabi ko sa kanya, at totoo yun lahat gagawin ko para maging masaya sya at handa akong gawin ang lahat huwag lang syang masaktan at maiwan ng ganito. Hindi ko man alam ang mga nangyari sa nakaraan pero alam ko ngayon mahal ko na tong babaeng to.

Naramdaman kong tulog sya kaya tinawagan ko na si James.

Hello James pwede ba akong makisuyo paki sabi nga kila Althea na kasama ko ngayon si Agatha .

Hoy Liam ano gagawin mo dyan. Naku lagot ka sa tatlo sure. Tsaka umulan bro wala kayong payong magpatila muna kayo ng ulan.

The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon