Camille's POV
Nagising ako sa tunog ng katok sa room namin kaya tumayo ako at binuksan ko at bumungad sakin si ma'am Shawntel.
Good Morning Camille, pasensya na kung nagising kita ng maaga pero need nyo ng bumaba at may announcement si Sir Carlos, tsaka kailangan nyo na din magayos at dadating ang Mommy at Daddy mo.
Okay po Ma'am sige po salamat po.
Okay sige Camille, pasuyo na din pala ako pwedeng paki gising na din sila Lawrence kasi halos kayong walo nalang hindi pa nakaayos ei. Pansenya na may kailangan din ako taposin ei. Paano ba yan paalam na. sabi ni Ma'am kaya tumango nalang ako kaya umalis na sya. Bago ako gumayak pumunta muna ako sa room nila Lawrence medyo malapit lang din sila samin. Kaya pagkarating ko kumatok na ako at bumungad sakin ung mukha ni Lawrence na halos kakagising lang at nakatulala pa sakin kaya tinapik ko sa balikad dahil naiilang ako sa titig nya.
Hey! bumaba na daw kayo at may announcement daw si Sir. sabi ko at tumalikod na ako pero bago ako pumasok sa room namin sumigaw muna ako ng bilisan nyo, aba ang gago pinagsaraduhan ako ng pinto. Pumasok na din ako at ginising na ung tatlo.
Nang makatapos na kami lahat bumaba na kami at umupo na din sa assign na upuan namin. Nagkwentuhan lang kami at inaasar namin si Althea pano inlove na inlove kay Lucas, naka wallpaper pa. Kaso napatigil kami sa pangaasar kay Alrhea ng dumating na sila Lawrence. Hanggang ngayon medyo naiilang ako kapag tumitingin sya sakin.
Sis halatang naiilang ka. Ano ba nanyari sayo kanina kapa parang hindi mapakali ah. bulong na tanong ni Agatha.
Mamaya sasabihin ko sa inyo kung bakit. Huwag lang ngayon. sagot ko sa kanya buti nalang at tumango lang sya at hindi na nagkulit pa.
Good Morning students. Mamayang 10 am kailangan nyo nang maghanda, dadating ngayon sila Mr and Mrs Alcantara dahil sasamahan na nila tayong pumunta sa real destination natin at sa Orphanage un. Kaya bibigyan namin kayo ng time para ienjoy ung place pero please lang huwag kayong gagawa ng ikakapahamak nyo. Mr. Smith and Ms. Alcantara after nyong magbreakfast pumunta kayo sa taas sa library ng hotel may dapat lang tayong pagusapan. sabi ni Sir kaya tumango nalang ako wala pa din ako sa mood ei.
Habang kumakain kami sobrang tahimim parin. At masasabi kong ang awkward ng atmosphere namin. Kaya tuloy tuloy lang kaming kumakain, pagkatapos namin kumain nagpaalam muna ako kila Althea pupunta pa kasi ako sa library sa 5th floor pa un. Kaya tumayo na ako at lumakad na at napansin ko na sumunod na din si Lawrence.
Nandito na kami sa loob ng elevator sumakay na kami ayokong umakyat sa hagdan no. Sobrang tahimik namin walang nagsasalita, wala naman kasi akong balak magsalita. Pero hindi na katiis si Lawrence at nagsalita.
Camille sorry pala sa ginawa ni Lisa kagabi. Ako na humihingi ng pasensya dahil nadamay kapa. So Kamusta ka? . pagbasag nya sa katahimikan.
Ah ayun ba? Wala na un tsaka galos lang naman ei. Basta pakiusap lang sa susunod huwag ka nalang gagawa ng anumang bagay na ikakaselos at ikakagalit ng girlfriend mo para walang nadadamay sa kapraningan nya at huwag na huwag na nya akong sasabihan ng malandi o kahit sino sa mga kaibigan ko. Kung gusto nya isaksak kapa nya sa baga nya. sabi ko sa kanya sabay labas ng elevator sakto naman kasing bumukas. At nauna na akong pumasok at naupo. Mamaya maya nakapasok na din sya at umupo.
Good Morning again Ms. Alcantara and Mr. Smith kaya ko kayo pinatawag dito dahil may nakapagsabi sakin na may nangyaring hindi maganda kagabi. Pwede ko bang malaman kung ano talaga ang nanyari? Mas maganda kung sa inyo manggagaling. nagulat ako sa tanong ni ma'am hindi ko naman expect na makakarating pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Teen FictionMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?