Althea's POV
Nang makauwi kami galing sa school nagpahinga muna kami medyo napagod kasi kami. So ngayon bumaba na ako kasi nagtecs si Agatha na nasa baba na sila, oh diba sosyal nasa iisa lang kami ng bahay tinamad pang puntahan. Bali ngayon ko kasi ipapakita ung video. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sila pala ung may pakana sa mga pambubully samin sa loob ng halos 2 linggo, grabe sila parang wala na silang konsensya.Flash back
Habang papunta ako sa Canteen para bumili ng pagkain. Dumaan na ako shortcut bali ung daan na kasi na un wala masyadong dumadaan kasi halos bakanteng room na un. Nang nasa kalagitnaan na ako may nakita akong bukas na pinto ei wala namang nagaaral dun, pero dahil tsimosa ako lumapit ako at sumilip tapos nakita ko dun sila Liam, Lucas, James, at Lawrence ung mga mayayabang naming kaklase. Nang makita ko sila aalis na sana ako kasi baka pagtripan nila ako.
Hahakbang na sana ako papalayo kaso narinig kong may pinaguusapan sila about sa mga transferee ei kaya nagtago ako sa gilid ng pinto medyo may siwang dun kaya kita ko parin sila. Maya maya biglang nagsalita ung isang lalaki.. Wait parang kilala ko yan aa. Shit sya ung lalaking nakita namin sa CCTV sya ung sumira ng kotse nila Jasmine at Agatha.
So Captain kamusta naman ung mga ginawa namin sa mga transferee pumasa ba sa standards mo? tanong nung lalaki.
So may kinalaman sila sa pambully namin tinawag nya kasing Captain si Lawrence, mga bwisit talaga. Nilibot ko ung paningin ko at nakita ko lahat ng taong nakita namin sa CCTV sila ung may kagagawan ng lahat ng pambully namin. Kaya vinideo ko sila pala malaman din nila Camille, grabe sila mga wala silang konsensya. Kitang kita sa video at rinig na rinig na si Lawrence ang may pakana ng lahat. Kaya bago lumabas ung lalaki nagmadali na akong umalis. At pumunta na ako sa Canteen, nang makabili ako nagmamadali akong pumunta sa gate. Nang makita ko sila tumakbo ulit ako.
Oh Althea bakit kaba tumatakbo may humahabol ba sayo? tanong ni Jasmine, pero hindi pa ako makasagot hinahabol ko ba ung hininga ako ei.
Eto tubig oh, bakit ka nga ba tumatakbo? Yan tuloy hingal na hingal ka kapag hinika ka dyan hindi ka namin tutulungan. sermon sakin ni Camille
Sorry na guys kailangan nyo na tong malaman, kilala ko na sino ung may pasimuno sa pambubully satin.
Sino???? sabay na sigaw ni Jasmine at Agatha, pero si Camille tahimik lang. Dahil sa sigaw nung dalawa napatingin tuloy samin ung ibang studyante.
Shhhh Oa nyo namang dalawa kung makasigaw wagas ayan tuloy napatingin pa satin ung ibang students, dun na nga lang sa bahay natin pagusapan baka may makarinig pa ei.
Kaya sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse.
_______________
So ayun ung nga, sa sobrang galit ni Jasmine nung kinuwento ko sa kanila at pinakita ung video pinagtatapon nya ung mga papel na nasa table, grabe nakakatakot talaga to kapag nagalit ei. Kaya eto kami ni Agatha nagpupulot ng papel tapos si Camille pinapakalma nya si Jasmine, sya lang kasi ang kayang magpakalma samin, ewan ko ba pero ang turing kasi namin sa kanya ay Ate.
Hey Jasmine kalma ka nga muna baka magtaka si manang kung bakit ka nagwawala dyan baka magaalala pa un. pagpapakalma ko kay Jasmine.
Seriously Althea kumalma ako? paano ako kakalma ha, halos kalahati ng buwan tayong nagtiis, nagpasensya kasi kala natin magsasawa din sila pero ano ginawa nila nagpatuloy parin sila at grabe na ung ginawa nila, ngayon alam na natin ang dahilan kung bakit tayo binully nila physically at emotionally. Dahil pala may mga elmentong nagutos sa kanila na gumawa ng paraan para mapaalis tayo sa school wow, ganun na ba talaga sila katriggered na mapaalis tayo gagawin talaga nila ang lahat woww bilib ako sa kanila aa. Pero sorry nalang sila tapos na ang pagiging mabait ko ay natin pala ipapaglalaban na natin ang karapatan na DAPAT WALANG INAAPI AT LALONG DAPAT WALANG NANGAAPI, dapat pantay pantay lang hindi porket sa tingin nila mahina ei bubullyin nalang nila. Kaya simula ngayong araw NICE GIRLS NO MORE. saad ni Jasmine at halatang galit talaga sya.
So ano gagawin natin sa kanila? Paano tayo gagati sa kanila? Sa paanong paraan? Hey Camille kanina kapa tahimik dyan aa mula nang malaman natin un. sunod sunod na tanong ni Agatha, oo nga no kanina pa tahimik si Camille ano kaya problema neto.
Uyy aba magsalita ka naman dyan baka mapanis ung laway mo dyan mabaho pa naman kapag na stock un hahaha. biro ko kay Camille, pero dahil amazona sya babatukan na dapat nya ako kaso nakalayo na kaagad ako, aba mahirap na parang maso pa naman kamay nun.Bwisit ka talaga Althea pasalamat ka nakalayo ka kung hindi sure ka sakin. Jasmine paki kuha nga ung laptop ko sa kwarto. Utos ni Camille kay Jasmine kaya ayun kinuha na nya ung laptop. Nang makuha na ni Jasmine ung laptop binigay na nya kaagad kay Camille kaya buksan na nya un at binuksan ung files kung saan nakasave dun ung mga CCTV footage.
Guys eto tinignan nyo. tsaka nya binuksan at pinanuod. Sa lahat ng footage makikita nyo dito oh palaging nahahagip sa gilid ung 4 badboys, minsan naman ung Liza ung girlfriend daw ni Lawrence sa tuwing binubully tayo at makikita mo sa ngiti nila na masaya sila sa napapanuod nila. Turo nya samin, wait oo nga noh bakit hindi namin napasin un tuwing pinanunuod namin.
Wait Camille paano mo napansin ei kami nga hindi napansin un ei tsaka pano nangyari un ei ilang beses nantin yan napanuod pero hindi naman natin napapasin un. Tanong ni Agatha na halatang naguguluhan pa din, kahit naman ako ei nalilito.
Ganto kasi un one time kasi ay hindi pala maraming beses ko na kasi silang napapansin dati tuwing binubully tayo kaso hinayaan ko lang kasi baka kako coincidence lang kasi diba wala naman tayong ginagawa sa kanila para panghinalaan natin sila pero nagkamali tayo. paliwanag samin ni Camille, grabe talaga sila.
So ano na nga ngayon balak natin? Aba dapat gumanti din tayo. tanong ko aba unfair naman un.
Sa tingin ko dahil sa physical appearance natin kaya siguro tayo ung naging target nila bukod sa bago tayo sa school na un. saad ni Agatha
Yess agree ako sa sinabi ni Agatha, pano ba naman kasi sobrang simple kasi natin kapag nasa school napagkamalan tayong mahihina, tsaka akala talaga nila mahihina tayo kasi hindi tayo lumalaban. Suggest ko siguro kailangan na nating babalik kung ano nga ba tayo dati. paliwanag samin ni Camille kaya tumango kami.
So ang plan natin ay ibalik kung ano ba talaga tayo. Humanda na sila makikita na nila kung sino talaga tayo. Edi bali kung ano ung ginawa nila satin un din gagawin natin sa kanila? tanong ni Jasmine.
Yess again NICE GIRLS NO MORE masasapak ko na din ung mukha ni Lucas aba hindi ko pa nakakalimutan nang dahil sa kanya natalo ako sa ML, ano kaya magandang at malupit na revenge natin sa kanila aba sobra sobra ginawa nila aa. sabi ko sa kanila, excited na ako. Pero tinawanan lang nila ako.
Hindi natin gagayahin kung ano ung mga ginawa nila satin kasi mas matindi ung atin, mararanasan na nila kung anong dragon ung binangga nila. Hindi tayo binagsagan ng AMAZON QUEEN dati for nothing. Saad ni Camille, huh humanda sila mali sila ng kinalaban.
Nang matapos kaming magplano umakyat na kami sa kanya kanya naming room para makapagpahinga na.
__________________________________
Hellooooo pasensya na po after 1 month tsaka lang ako nakapagupdate busy kasi masyado ei pansenya..
Enjoy pooooo,
MissR lovesKAOSETH
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Genç KurguMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?