16: Nice Girls No More

132 9 2
                                    

Camille's POV

Habang mahimbing ang tulog ko biglang tumunog ung alarm clock ko kaya wala na akong nagagawa edi bumangon na ako kahit inaantok pa ako baka kasi may tatlong bruha na naman na pumasok sa kwarto ko at magsisisgaw para magising ako.

Nang matapos ko na ung morning routine ko bumaba na ako para makapag breakfast bago kami pumasok. Nang makababa ako dumeretso na ako sa dining area at nakita ko na ung tatlo, kumakain na aba mga walang hiya talaga hindi manlang ako hinintay. Kaya umupo na ako at nagsimula nang kumain.

Good Morning Camille oh bakit ganyan pa din style mo? takang tanong sakin ni Althea pano ba naman nakasimple lang ako ngayon tapos sila balik na sa dating style.

Oo nga Cams akala ko ba ei babalik na tayo kung ano talaga tayo dati? Tapos ikaw ganyan pa din. Tanong din ni Jasmine.

Pasensya na guys siguro next week na natin gawin ung plan natin na ibalik kung ano ung style natin dati ung bang parang grand entrance tayo sa lunes para bongang. Sa ngayon gaganti tayo sa simpleng galawan lang ung bang hindi nila mahahalatang tayo ung may gawa. Tulad ng ginawa nila satin. sagot ko sa kanila kaya napatango nalang sila. Mas maganda kasi ung bang akala nila mahihina talaga kami para hindi nila mahalata na gumagawa na pala kami ng mga hakbang para makapaghigati kami sa kanila.

Wow talino mo talaga Camille iba ka. Ang ganda ng suggestions mo bet ko yan silent but dangerous hahaha. Wait mo kami aa magpapalit ulit kami. pagsang-ayon ni Agatha.

Nang matapos na silang kaming kumain umakyat na ulit sila sa kanya kanyang kwarto para makapagpalit ulit. Tapos ako nandito ngayon sa kusina kasama si Manang.

Camille anak kamusta ka naman sa school na pagmamay ari nyo? Ung mga students ba ay mababait sayo?

Medyo ok lang naman manang kaso may mga nambully samin, magmula nung pumasok kami dun hanggang ngayon hindi pa din sila tumitigil sa pambully pero may mga balak na din naman kami tapos may mga copy kami ng CCTV na makikita din na nabully kami. sabi ko kay manang, alam nyo ba halos si manang na ang nagpalaki sakin, kaya minsan kapag may sama ng loob ako sa family ko sa kanya ako nagsasabi, halos ang turing ko na sa kanya ay lola ei.

Alam ba yan ng mommy mo lalo na ung daddy mo sure ako mapapaalis sila sa school aba anak pa ng may ari ung kinalaban nila hindi ba nila un alam? Pero anak baka naman mas mapahamak kayo sa gagawin nyo aa, baka lalo kayong paginitan sa school. paalala sakin ni Manang

Ei manang hindi ko na po sinabi kay mommy tsaka kay daddy kasi alam kong papaalisin sila sa school tsaka baka madamay pa ung trabaho ng mga magulang nila, kilala nyo naman si daddy diba kaya kami nalang po bahala para makaganti kami tsaka manang hindi naman nila malalaman na kami ung may gawa kasi ang alam nila mahihina kami tsaka hindi namin kayang gumanti. paliwanag ko kay manang, sakato naman na bumaba na na ung tatlo. Oh sya manang wag nyo pong sasabihin kay mommy at daddy ung nangyayari samin sa school aa, sige na po bye. tapos ayun lumabas na kami at sumakay na sa kanya kanyang kotse. For the first time maaga kami may 30 mins pang vacant kaya matutulog muna ako sa room pagkadating namin. Kaya pagkarating namin school dumeretso na kami kaagad sa classroom, nang makarating namin dun umupo na ako para makaidlip muna hanggang wala pa ung teacher namin, inaantok pa talaga ako ei ung tatlo ewan ko ba kung nasan na sila hindi ko naramdaman na naupo sila. Nang nasa kalagitaan na ako ng iglip ko aba may biglang sumigaw ng good morning sabay upo sa tabi ko tsaka ako kinalabit pero hindi ko pinansin aba inaantok pa ako ei, tsaka kilala ko na kung sino to boses palang nakakairita na ei at sure akong magaasar lang to kaya hinayaan ko nalang.

The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon