Jasmine's POV
Nung paglabas namin sa guidance inaya na din kami ng parents namin na umuwi."So goodbye chat chat nalang sa gc kung saan kayo lilipat aa" sabi ni Camille kaya ayun ng bye na din kami tapos umuwi na din kami.
Pagdating namin nila Mommy sa bahay naupo kaagad kami sa sofa at nagpahinga bago daw namin pagusapan kung saan daw ako ililipat na school. Nang makapagpahinga na sila mommy tinanong ko kaagad sila kung saan ako ililipat pero tinanong muna nila ako kung gusto ko daw bang school for girls daw ulit pero sabi ko ayoko ko na dun. Sa totoo lang kasi gusto kong maranasan ung normal school ung bang may makakasalamuha ako Tomboy, Bakla, Lalaki hahaha.
"Ok sige dun kana lang lumipat sa school na pinagmamay-ari nung magulang ni Camille.Di ba gusto mo normal school kaya dun ka nalang" Sabi ni Mommy, kaya nagulat ako.
"Mommy maraming naman po normal school aa bakit dun pa po?" tanong ko naman.
"Kasi sabi ng Mommy ni Camille dun daw nya pagaaralin si Camille para daw hindi na maulit ung nangyari kanina na kinakampihan nung guidance counselor ung may kasalanan kasi kamag-anak nya, kaya napag desisyonan namin na dun ka nalang din." sagot ni Mommy, si mommy talaga kung sinabi nya kaagad na dun din si Camille edi umoo na kaagad ako.
"Sige po mommy dun nalang din po ako, pano ba yan mommy punta na po ako sa kwarto. Goodnight po" tumango lang sila mommy kaya umakyat na ako sa kwarto at naligo na.
____________
Althea's POV
Bago kami umuwi dumaan muna kami sa isang restaurant kasi nagugutom daw si daddy. Habang hinihintay namin ung pagkain sinabi na sa akin nila Mommy kung saan ako lilipat.
"Althea sa Alcantara University ka lilipat ha" sabi ni daddy kaya palihim akong napangiti kasi school ung nila Camille kaso nga lang hindi ako sure kung dun din sya, sana dun sya pati sila Agatha at Jasmine para magkakasama ulit kami.
"Sige po daddy pero daddy pano po un diba po nagsimula na po sila ng klase last week?" tanong ko kilala Mommy at Daddy alam ko kasi nauna kami dun ei halos 1 month nga kami.
"Mamaya kakausapin ko ung Mommy ni Camille para itanong kung pwede ka pang pumasok dun" sabi ni mommy kay tumango nalang ako, at dumating na ung pagkain namin kaya kumain na kami.
_____________
Agatha's POV
Nang makauwi kami dumeretso muna ako sa kwarto para makapagpalit ng damit, pakagkatapos ko bumaba na ako para makausap sila at maitanong kung saan nila ako ililipat para kapag handa na ako at makabili na rin ng bagong gamit. Pakababa ko nakita ko sila mama dun sa sala at parang may pinag-uusapan.
"Mama ano po pinag-uusapan nyo?" tanong ko kasi naman para sobrang seryoso ei.
"Oh nandyan kana pala, pinag-uusapan lang namin ng Papa mo kung tatanggapin namin ung offer ng Mommy at Daddy ni Camille." sagot naman Mama
"Ano po yun Mama?" ano naman kaya un parang bigla akong kinabahan aa.
"Nagoffer kasi sila dun ka nalang pag-aralin kaso normal school ung may mga lalaki parang ba halo ganun." sagot ni Papa sa akin kaya napakunot ung noo ko, wait hindi ko papala nasasabi sa inyo na nagaaral kami sa School for the only kaya ayun pero babae nakakasalamuha namin.
"Aa ok lang naman sakin mama kahit saan ei basta po makapag-aral po ako" sagot ko ng nakangiti nabuntong hininga pa si Mama akala nya siguro hindi ako papayag haha.
"Oh sige anak salamat kala ko hindi ka papayag ei, tara na sa kumain na tayo nagutom ako bigla" sabi ni Mama sabay tawa.
Pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga, pakiramdam ko na pagod ako ngayong araw ei.
_____________
Camille's POV
Nang makauwi na kami sabay sabay kami nila Mommy at Daddy na maupo sa sofa sabay buntong hininga, ramdam ko din ung pagod nila kaya nakaramdam ako ng guilt kaya tumahimik lang. Pero biglang nagsalita si Daddy at tinanong ako.
"So baby saan mo gustong lumipat ng school?"
"Amm Mommy at Daddy pwede po ba kayo nalang po pumili ng school?" sabi ko sa kanila kasi naman wala ang ganang mamili pa ng school ei.
"Baby gusto mo bang magaral sa Normal School ung bang may mga lalaki na ikaw makakasalamuha?" tanong ni Mommy kaya tumango nalang ako. Bigla silang nakatinginan ni Daddy sabay tango pa.
"Ok baby napagusapan namin ng daddy mo na dun ka nalang mag-aral sa School natin" sabi ni Mommy kaya napakunot ung noo ko, nung makita un ni Mommy aba tumawa pa tsaka nagpatuloy magsalita " Wag kang maalala baby kasama mo namang mga kaibigan mo ei kasi nagoffer ako sa mga parent nila kanina kung gusto nila dun nalang din mag-aral mga kaibigan mo" dugtong pa ni Mommy sabay ngiti kaya tumango na nagpaalam ng matutulog na.
Pagpasok sa kwarto ko nagpalit na ako ng damit sabay hinga sa kama ko. Biglang tumunog ung phone kaya kunuha ko at nakita kong nagchat si Althea sa Gc namin.
Althea [ Guys huluan nyo kung saan ako magaral ].
Agatha [ Bakit kailangan pang huluan pwede naman sabihin nalang kaagad ang dami pang arte ei. Basta ako Alcantara Academy dun sa pagmamay-ari nila Camille ].
Jasmine [ Hala dun din ako ei so sana maging magkaklase tayo ].
Althea [ Grabe wala talagang nagtanong sakin. Pero guys Halaaaaaa totoo ba talaga dun din pala kayo, dun din ako ei yess sure magkakaklase tayo nato. Hoyyy Camille saan ka lilipat? puro ka seen ei ].
ME [ Malamang dun din, nasabi na din sakin nila Mommy kanina dun din kaya hindi na ako nagulat haha. Pano ba yan guys goodnight na gusto ko na kasing magpahinga ei. Bye ].
Jasmine [ Oo nga guys bye na goodnight ily😘].
Agatha [ Byeeeee bukas aa punta tayong Mall para makabili na tayo ng bagong gamit. Goodnight ].
Althea [ Goodnight guys, byeeeee see you bukas iloveyousomuch ].
Pagkatapos ko mabasa ung mga chat nila natulog na din ako.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzz.
__________________________________
[Si Jasmine Claire po ung nasa Multimedia]
BINABASA MO ANG
The Perfect Match (Badboys VS Amazona Girls)
Teen FictionMay dalawang grupo na magtatagpo sa isang school kung saan uusbong ang isang away na mauuwi sa isang gulo dahil parehas na group ay nagpapataasan ng pride. Kaya bang baguhin ng pagmaamahal ang galit sa isat isa.?