40th Chapter

1.1K 65 19
                                    

Eloisa's Point of View

"Do you know him anak?" my heart starting to beat so fast.

"Hi-hindi po," sagot ko. "Tara na po sa loob," aya ko kay Mama lucky sumama naman siya agad sa akin papasok.

The coffee shop is good, moderno ang disenyo nito and I can smell the freshly brewed coffee.

I saw a mid 40s women and a boy same as my age, I think? Whom wearing a semi-formal clothing... could it be them? Pero, anong ginagawa ni Paolo dito? Paolo... Tiningnan ko ang lugar na pinupuwestuhan niya kanina sa labas, habang naulan pa rin. He's on the phone.

Tumayo ang babaeng tinutukoy ko kanina. She's even more beautiful closer! Despite her age she's still stunning. Pati ang lalaki ay tumayo na rin pagkatapos patayin ang sa tingin ko ay tawag sa cellphone niya... pamilyar siya. His appearance resembles Paolo. Kahit ang tindig niya. Pede siyang ihangong kadugo pero napaka imposible.

Tumungo ako at napakunot ng wala sa oras.

I heard a chuckle. "Why are you frowning? Am I that disappointing?" sabi ng isang boses ng lalaki.

Itinaas ko ang tingin ko. Bumungad sa akin ang lalaking nakangiti. Pamilyar talaga siya... saan ko nga ba siya nakita?

Lumabas ako at naglakad na papuntang elevator. Napaka gulo lang dahil parang may kulang sa akin kahapon at pati ngayon.

Nang sumakay akong Elevator ay pinindot ko ang ground floor. Nang konting puwang na lang ay magsasara na ang pinto ng elevator may kamay na nagpigil nito.

Our eyes met, halos parang may kung ano mang bagay sa tiyan ko ang lumilipad... mapupungay ang kaniyang mata, his lips red, at magandang kurba ng panga.

Ang gwapo niya.

Nang nginitian niya ako halos gumuho ang mundo ko, nag iwas tuloy ako ng tingin. This guy's playful. Just like Paolo.

Siya nga ba 'yon?

Nang tumunog ang elevator ay nagising bigla ako sa paglipad ng aking utak agad namang lumabas iyong lalaki. Lumabas na rin ako.

Paghakbang ko ay may para akong naapakang bagay. I checked it.

It's a necklace. Agad kong kinuha ang kwintas at luminga-linga para hanapin ang lalaki. Pero wala... wala na siya.

Tiningnan kong mabuti ang kwintas. Ang disenyo nito ay infinity. Woah.

Naglakad na ako papalabas at ibinulsa ang kwintas. Kapag nakita ko ulit siya ibabalik ko sa kaniya iyon.

"Yeah!" sigaw ko. Damn, napatakip ako sa aking bibig. Stupid, Eloi. "Sorry for my manners." I bow.

"It's fine, Eloisa? Eloisa, right?" tanong ng babae.

I nodded. "Opo."

"Take a seat Eloisa and Mrs. Ramos." ani ng babae.

Nagulat ako dahil pinagbuksan ako ng upuan ng lalaki. Nginitian ko siya. "Thank you," pasasalamat ko.

"Thanks, Mrs. O'neil." si Mama.

'O'neil?' tanong ko sa aking isip. I snapped out of my thoughts. That's too impossible! Madaming O'neil sa mundo.

"By the way this is my son, Trevor O'neil." ani Mrs. O'neil. "You probably heard Mrs. Ramos na kadadating lang ng anak ko from states. I'm even expecting Eloisa in Trevor's welcome back party last night. Pero it's okay, you might be busy," ngumiti ito. Ibinababa ko muli ang ulo ko ang kumunot. How in the hell his welcome back party in the same night as Paolo's cousin party? And why is he even here?

WTF: PLAYS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon